Lihim 4

2.3K 48 5
                                    

Lihim Ni Amante 

Chapter 4 

"Yan na ba ang sagad ng takbo mo?" seryosong tanong ni Adhan. 

Inip na inip si Adhan habang nakatingin siya sa dinadaan nila ng taxi sinasakyan niya ngayon. Para sa kanya ay parang pagong kung magpatakbo itong taxi driver na kasama niya ngayon. 

'Di sanay ang makisig na binatang si Adhan sa mabagal na pagpapatakbo. Dahil na rin siguro may karanasan siya sa mga car racing. Lagi mabilis ang pagpapatakbo niya ng kanyang kotse. 'Di na niya matiis pa kaya naman sinabihan na niya ang taxi driver kasama niya ngayon. 

Imbes na sumakay siya sa backseat ay umupo siya sa may passenger seat dahil 'di siya sanay na may driver siya ngayon. Sobra siyang nababagalan sa pagpapatakbo ng taxi driver at kulang na lang ay kunin niya ang manubela at siya na lang ang mag-drive. 

"Pasensya na po sir. Ganito po talaga kami magmaneho dahil iyon po ang rule ng kumpanya namin," 

Napakunot noo na lang si Adhan sa sinabi ng taxi driver at napatingin na lang siya rito. Nakita niyang nakangiti itong nagmamaneho na para sa kanya ay parang nang-aasar ito. 

"Ano pangalan mo?" kunot noo tanong ni Adhan. 

Ito ang unang beses niyang sumakay ng taxi at 'di rin siyang mahilig na makipagkuwentuhan sa ibang tao kung 'di niya ito lubos na kakilala. Na-usisa lang siya sa kasama niya ngayon taxi driver. 

"Amante, po. Amante Esguerra, sir" ngiting sabi ni Amante. 

Suwerte na suwerte si Amante ngayon dahil 'di niya inaasahan na makakakuha siya ng pasahero ngayon. Tinawagan lang siya ng kanyang kaibigan na si Jerry kanina at pinapapunta siya sa bayan ng Prado sa may Altas Bar. 

Kanina habang papalapit siya sa Czarina Subdivision isang sikat na subdivision sa bayan ng Angeles. Pinara siya ng isang security guard at akala niya ay sasakay ito ngunit sinabihan siya nito na pumasok sa loob ng subdivision. Meron din ito binigay na address ng bahay kung saan naghihintay daw yung pasahero niya. 

Nakangiti siyang tumingin sa binatang kasama niya ngayon at agad din niyang ibinalik ang tingin niya sa dinadaanan ng taxi minamaneho niya ngayon. 

Unang kita pa lang ng makisig na lalaking si Amante sa pasehero niya ay alam na niyang anak mayaman ito. Sa itsura at galaw nito ay sinisigurado niya mayaman ito. 

Akala niya ay ang matandang lalaki kanina ang pasahero niya kanina ngunit sinabihan siya nito na tatawagin lang daw nito ang "sir" nito na magiging pasahero niya. 

'Di na rin niya pinatulan ang sinabi ng binata sa kanya na mabagal siyang magpatakbo dahil iyon naman talaga ang dapat na gawin niya. Para na rin ligtas silang makarating sa pupuntahan nila ngayon. 

"Amante, puwede bang pakibilisan mo ang takbo mo. Ang bagal eh," inis na sabi ni Adhan. 

Ngumising tumingin si Adhan sa makisig na taxi driver na kasama niya ngayon. Kung 'di lang siya kailangan sumakay ng taxi ngayon ay 'di siya magtitiis na sakyan itong bulot na taxi na ito. 

"Sir emergency po ba ang pagpunta ninyo sa Altas Bar?" mahinahon na tanong ni Amante. 

Sa totoo lang ay nakukulitan ngayon si Amante sa kasama niya ngayong binata. Kapag nainis siya ay bibilisan talaga niya ang pagpapatakbo ng taxi. 

"Whatever," inis na sabi ni Adhan. 

Kinapa na lang ni Adhan ang kanyang bulsa ngunit 'di niya mahanap ang kanyang cellphone. Naalala niyang ibinato pala niya ito kanina at nagkabasag-basag ito. Napabuntong hininga na lang siya at napatingin sa bintana. 

Ang Lihim Ni AmanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon