Lihim 7 3.1

1.9K 45 10
                                    

Lihim Ni Amante 

Chapter 7 3.1

___________________

"Pakibuksan lahat ng bintana para lumabas yung amoy," inis na utos ni Waylen. 

Nakakaramdam ng pagkahilo ang guwapong binatilyong si Waylen dahil sa lakas ng amoy ng lemon scent na air freshener sa loob ng taxi sinasakyan niya ngayon. Buwisit na buwisit siya kung bakit dito pa siya pinasakay ng kanyang nakakatandang kapatid na si Adhan. 

Lalo siyang nainis ng ibinigay nito ang dalawang libong pisos sa taxi driver imbes na sa kanya ito ibigay. Wala tuloy siyang makupit at sobra-sobra pa nga ang dalawang libong pisos na ibinigay ng kanyang kuya pambayad sa taxi driver. 

Napakunot noo pa si Waylen habang nakatingin sa harapan dahil parang walang narinig ang driver sa pinag-uutos niya. Sanay na sanay siya sa kanilang bahay na isang utos lang niya sa mga kasambahay nila ay agad na sinusunod ng mga ito. Sa ikalawang pagkakataon ay muli niyang inutusan ang taxi driver na buksan ang bintana ng sasakyan nito. 

Ngunit wala rin siyang napala dahil 'di pa rin siya sinunod ng taxi driver. Sa inis niya ay sinipa niya ang likurang bahagi ng driver seat para makuha niya ang pansin nito. 

"Bingi ka ba? Kanina pa kita sinasabihan na buksan mo ang mga bintana ng bulok mong taxi pero 'di mo pa rin sinunod!" sigaw na sabi ni Waylen. 

Dahil sa nararamdaman niyang inis ay tumatas na ang kanyang boses. At sa sobrang inis na nararamdaman niya ay unti-unting napapalitan ito ng pagkagalit dahil 'di pa rin siya pinapansin ng taxi driver. 

Isang sipa muli ang ginawa ng guwapong binatilyo sa driver seat at napansin niyang 'di pa rin siya pinapansin ng taxi. Punong-puno na siya kaya naman sunod-sunod na ang ginawa niyang pagsipa sa likurang bahagi ng driver seat. Para siyang batang may tantrums sa pagsipa sa upuan ng taxi driver. 

"S-sir, 'di po ba kayo titigil?" mahinahon na tanong ni Amante. 

Nagulat si Amante ng maramdaman niyang may sumipa sa kanyang upuan dahilan para mapatingin siya sa rear view mirror ng kanyang taxi. Nakita niya ang binatilyong nakakunot noo nakatingin sa kanya. 

Gusto man ng makisig na lalaking sundin ang utos ng binatilyo ngunit mahigpit na bilin sa kanya ng kuya nito na 'di niya dapat sundin ang anumang utos nito sa kanya. 

Napahigpit ang pagkapit ni Amante sa manubela ng muli na naman niyang naramdaman ang pagsipa ng bintaliyo sa kanyang kinauupuan. Lalo siyang nabigla ng sunod-sunod na nitong sinisipa ang kanyang upuan. 

Napakunot noo siya at naisip niya na para itong batang 'di pinagbibigyan sa gusto nito. 'Di niya maiwasan na ikumpara ito sa kanyang nag-iisang anak na si Ciaran. 

Alam ng kanyang anak ang isang bawal. Kapag binawalan na ito ay tatahimik na ito. 'Di tulad ng kanyang pasaherong binatilyo na daig pa ang isang bata kung mainis. 

Nag-aalala ang makisig na lalaki na baka masira ng binatilyo ang upuan at siya pa ang magbayad sa kumpayang pinapasukan niya. Kaya naman mahinahon niyang tinanong ang binatilyo kung 'di ba ito titigil? 

Nagtitimpi lang siya na wag patulan ang binatilyo dahil pasahero niya ito. At sigurado siyang kapag pinatulan niya ito ay tanggal siya sa trabaho. 

"Shit! Hilong-hilo na ako! Itigil mo muna!" sigaw na sabi ni Waylen. 

Nakakaramdam nang labis na pagkahilo si Waylen habang tumatagal siya sa loob ng taxi. Nilapitan na niya ang taxi driver para sabihin ulit dito na ihinto na muna nito ang taxi para makalabas siya at makalanghap siya ng sariwang hangin. 

Napansin niyang wala na pala sila sa bayan ng Prado at daan sila papunta ng bayan ng Angeles. Kung saan wala na mga kabahayan sa dinadaan nila kundi malalaking mga punong kahoy na. Medyo may kadiliman sa paligid at ang nagbibigay nilawanag sa paligid ay ang ilaw ng taxi at ang liwanag ng kabilugan ng buwan. 

Ang Lihim Ni AmanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon