Lihim 5

2.4K 42 6
                                    

Lihim Ni Amante

Chapter 5

"N-nandito si Kuya Adhan?" gulat na tanong ni Waylen. 

Parang binuhusan ng malamig ng tubig ang buong katawan ni Waylen sa sinabi ni Homer. Kung kanina ay init na init ang buong katawan niya dahil sa pakikipaglaplapan niya sa babaeng nakasayawan niya kanina. 

Ngayon ay parang biglang tumahimik ang paligid at nawala na parang bula ang malakas na ingay na nagmumula sa malalaking speakers sa dj booth. Napalunok na lang ng laway si Waylen dahil pakiramdam niya ay biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. 

"Hey! Way! Don't worry ako bahala sa kuya mo," ngiting sabi ni Homer. 

Ayaw ng guwapong binatang si Homer na biruin pa si Waylen dahil alam niyang 'di ito ang tamang oras para makipagbiruan dito. Alam naman niyang takot ito sa nakakatandang kapatid nitong si Adhan. 

Kilala niya ang kanyang kaibigan na si Adhan kapag nagalit ito ay galit talaga ito. Mahigpit ito sa nakakabatang kapatid nitong si Waylen. Sa pagkakaalam niya ay grounded ito kaya naman kanina ay nagulat siya ng makita niya ito sa vip floor kasama ang mga kaibigan nito. 

"B-bitawan mo nga ako! Kaya ko sarili ko," seryosong sabi ni Waylen. 

'Di kailangan ni Waylen ang tulong ni Homer o kung sino man dahil kaya niya ang kanyang sarili. Ayaw na ayaw niyang humingi ng tulong sa lalaking kaharap niya ngayon. 

Nagpumiglas ito sa paghawak nito sa kanyang braso at naglakad na siya papalayo kay Homer. 'Di na niya alintana ang pagtawag nito sa kanya at naramdaman niyang sumunod ito sa kanya ngunit 'di niya ito pansin. 

Bigla na lang siyang napatigil ng marinig niya ang pagsigaw ng babaeng kahalikan niya kanina pati na rin si Homer. 

'Di na sana niya ito papansinin ngunit inulit pa ng babae ang isang salita na nagpintig sa kanyang tenga. 

Seryoso siyang lumingon sa babaeng kahalikan niya kanina na nakangising nakatingin sa kanila ni Homer. Naramdaman niya ang paghawak sa kanya ni Homer sa kanyang braso at sinabihan siya nitong wag na pansinin ang sinabi ng babae.

Ngunit 'di pinakinggan ni Waylen ang sinabi ni Homer at seryoso siyang lumingon sa babae. Mabibilis ang hakbang ng guwapong lalaking si Waylen papalapit sa babae. 

"Anong sinabi mo?" seryoso tanong ni Waylen. 

'Di na niya hinayaan pang makasagot ang babae at mabilis ang pagsakay niya sa leeg nito. Seryoso siyant nakatingin ngayon sa babae na pulang-pula na ang mukha nito habang nakahawak sa kanyang kamay na nakasakay sa leeg nito. 

"The fvck Way! Tama na yan!" gulat na sabi ni Homer. 

Hinawakan ng guwapong binatang si Homer ang kanang braso ni Waylen para pigilan at maalis ang kamay nitong nakasakal sa babaeng kaharap nila ngayon. 

Nalunok na lang siya ng laway dahil ilang beses na niyang nakitang ganito si Waylen. Alam niyang may pagka-bipolar ito tulad ng kuya nito. 'Di na nga niya alam kung sino ang mas malala sa magkapatid? 

"Tell me bitch! Ano ang sinabi mo kanina?" tanong ni Waylen. 

Unti-unting gumuhit sa labi ni Waylen ang nakakatakot na ngiti. Natutuwa siya ngayon ng makita niyang unti na lang ay malalagutan ng hininga ang babaeng tumawag sa kanyang bakla. 

Bigla na lang siyang natauhan ng maramdaman niya ang isang malakas na sampal sa kanang kanang pisngi. Sa sobrang lakas ay para siyang nabingi sa lakas ng impact ng sampal. 

"Putangin* mo Way!" galit na sabi ni Homer. 

Wala na siyang maisip na paraan para pigilan pa si Waylen kundi sampalin niya ito. Mas makakabuting sampal imbes suntok dahil baka malagot pa siya sa kuya nitong si Adhan. 

Ang Lihim Ni AmanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon