Chapter 7

28.7K 453 10
                                    

"I'M beautiful with this lovely dress!" natutuwang aniya ng suotin at ipakita niya kay Misha kung gaano kaganda ang suot niyang damit.

Damit na susuotin na niya mamayang gabi sa Masquerade party.

Lumapit sa kanya si Misha at sinuri ang kabuuan niya.

"Maganda. Hindi ka kumuha sa botique mo ng susuotin bumili ka sa mall." ani Misha sa kanya.

Hindi naman kasi dapat talaga siya bibili ng damit para sa Masquerade party.

Maaga niyang binulabog si Christine kahapon sa apartment nito para itanong kung sasama na ba sa magaganap na party mamayang gabi niyaya pa niyang magshopping.

Nagmadali pa ang kaibigan niya na mag-ayos ng sarili para makapunta agad sila ng mall. Masama pa ang salubong sa kanya ni Christine ng mapagbuksan siya ng pinto kahapon pero ng sabihin niyang mag-shopping sila ay biglang nagbago ang ihip ng hangin at napag-alaman niyang pupunta na ito sa party.

Hindi matitiis ni Christine na hindi makita si Dock sa isang araw.

"Sawa na ko sa mga disenyo ko." sagot niya na hinubad na ang sinukat na yellow gown dress.

kahit ipinatong lang niya sa suot na pambahay ang gown na binili kahapon ay makikita pa rin ang pagkaka-hapit sa kanya.

"Kumusta pala kayo ni Greg?" out of thr blue Misha asked.

Gusto niya tuloy magtulog-tulugan, masyadong mapaghanap ng bagong balita talaga itong si Misha.

Naalala niya ang nangyari na pag sunod nila ni Christine kay Greg kahapon sa mall. Hindi niya inaasahan na makikita niya ang nobyo sa mall at may kasamang lalaki.

Gumana naman ang pagiging paranoid niya at sinundan nila ang binata sa isang mamahaling restaurant sila napadpad dahil doon nagtungo ito. Wala siyang nagawa kundi ang maging galante ng araw din na iyon dahil alam niyang hindi siya sasamahan ni Christine kung hindi siya ang gagastos.

Matapos ang eksena ng pagsasagutan nila ng binata sa unit niya noong isang araw hindi niya naisip na kontakin si Greg. Kahit ang tawagan o i-text ito ay hindi niya ginawa. Hinihintay niya na ang binata ang magkusa sa pag-contact sa kanya.

Umiyak siya ng magtalo sila at hindi siya pinatahan kundi ay iniwan pa siya. Nasayang lang ang niluto niya na lunch para sa kanilang dalawa.

Inasar pa siya ni Christine kahapon dahil umiyak siya napatunayan naman niyang ka-business meeting lang ni Greg ang kasama nito kahapon.

Hindi niya masisisi ang sarili na magisip ng kung anu-ano lalo pa't sinabi ng lalaki sa kanya na isa itong paminta.

Minsan napapaisip siya kung totoo ba ang sinabing iyon ni Greg sa kanya at kung minsan napapaisip din siya na baka hindi.

Dahil kahit saan na anggulo niya tingnan wala talaga siyang makitang ebidensiya kahit na pilantik ng kamay na talagang nagagawa ng isang bakla ay wala.

Greg was so very manly na hindi mo talaga mapagkakamalan na bakla, A bad temper like the suplado type yon bang kapag kinakausap mo ay hindi agad sumasagot. Kung mag-damit ay napakamanly din may sariling style, kaya mapaghihinalaan ba niya?

Hindi.

"Don't ask," pagtataray niya.

"Dapat hinaharot mo na mahirap ang magpigil Czaira." pangaasar nito sa kanya ito nanaman sa pangaalaska si Misha.

Kahit na anong gawin nitong pang-aasar patungkol sa issue niya na bakla si Greg ay hindi siya naa-apektuhan.

Kaya niyang dalhin ang sitwasyon kung masaktan siya sa isang bagay na katotohanan ay ipagsasawalang bahala nalang niya iyon.

✔Greg Faustino | Seducing Series 3Where stories live. Discover now