Chapter 9

27.1K 485 20
                                    

HINDI niya alam kung ilang oras na siyang nakatitig sa taong ang himbing ng tulog sa tabi niya. Nasa mukha pa rin niya ang gulat dahil pagkamulat niya ng mga mata ay guwapong mukha ang nasilayan niya.

Imbis na atakihin siya ng hangover ay hindi nangyari dahil tila atake sa puso ang mararamdaman niya.

Ang tibok ng puso niya ay nagsilbing tambol dahil tila naririnig niya ang pagtibok niyon.

Heaven. Ito ang heaven!

Ang ganda ng gising niya. Wala sa loob na iniyakap niya ang kanang braso sa tiyan ng binata dahan-dahan upang hindi ito maalimpungatan. Hindi niya gustong maputol momentum.

She bit her lower lip when her head down to his lips. Is she allowed to kiss him? Ang pula ng labi nito na kung hahagkan ay malambot. Ang pilikmata ay gusto niyang laruin ng kanyang hintuturo dahil sa haba niyon.

Napalunok siya. Kung noon ay sa malayo lamang niya ito nakikita, sa magazines. Ngayon ay katabi na niya ito at walang humoay niyang pinagsasawa ang mga mata sa guwapong mukha nito.

She wants to wake up everyday with his presence. Nakakalimutan niya talagang isa siyang matinong babae.

Napakagat siyang muli sa labi siya, hinigpitan ang yakap sa binata. Ipinatong niya ang ulo sa dibdib nito at nangingiti.

Gusto niyang tumili dahil sa kilig na kung gagawin niya ay magigising ang prinsipe niya.

Dahil sa kilig ay mas lalong humigpit ang yakap niya dito dahilan para gumalaw ito, akma niyang aalisin ang kamay na nakayakap dito ngunit mabilis nito iyong nahawakan.

"Too t-tight, Czaira..." He said in a husky voice.

Nataranta siya sa sinabi nito. Papatayin siya ng lalaki sa sobrang kilig ngayon. Tumikhim siya at inangat ang ulo upang makita ang mukha nito.

"I-I'm sorry," yon lang ang nasabi niya.

Nakapikit pa rin si Greg at nanatiling hawak nito ang kamay niya, kamay palang niya ang nahahawakan nito ay nagiinit na siya.

What is happening to her?

Greg heavy sigh. Tumagilid ito ng higa patalikod sa kanya, damn. Natanggal ang pagkakayakap niya dito.

Babangon na lamang siya at magluluto dahil kapag nagising na ng tuluyan si Greg ay kailangan nilang magusap na hiling niya ay hindi mauwi sa pag-aaway.

She was about to stand when suddenly Greg pulled her to lay down on bed again. Sumakto siya sa dapa na pagka-kahiga sa ibabaw nito.

Mabilis ang pagakyat lahat ng dugo sa kanyang mukha. Namumula siya sa hiya at nanlalaki ang mga mata sa pagkabigla.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito.

Napapikit siya. Mukhang hindi niya mapag-hahandaan ang mangyayari ngayon. Ang mga imahimasyon niya dito noon ay mukhang magkakatotoo.

"Answer me," dugtong nito.

Nananadya ba ito na pakiligan siya? Kung ganoon ay kilig na kilig na siya baka mangisay siya sa kasiyahan ngayon. Ganito pala ang pakiramdam kapag ang lalaking gusto at mahal mo ang nagbibigay sayo ng kilig.

Nakaka-bangag.

"S-sa kusina." sagot niya.

Hindi niya alam kung paano siya makakaalis sa ibabaw ng binata.

Nakayakap ang isang braso nito mula sa likod niya. Ang hirap ng sitwasyon nila ngayon para siyang nanigas sa ibabaw nito puwede na siyang maging isang manikin sa botique niya.

✔Greg Faustino | Seducing Series 3Where stories live. Discover now