Chapter 15

26.3K 446 9
                                    

MARAHAN niyang iminulat ang mga mata napadaing siya sa pagkirot ng kanyang leeg. Hindi niya alam na nakatulog din siya dahil sa dami ng iniisip kanina.

"Mabuti naman at gising ka na," dinig niyang boses, nasa likuran lang niya. "Kung hindi ka nakipagkita kay Duke Alexander sa bar hindi nila tayo pagti-tripan ngayon."

Kumunot-noo ang noo niya dahil sa narinig akmang gagalaw upang makita si Greg mula sa likuran, agad din naman siyang napahinto ng mapagtanto niyang ang mga kamay niya ay nakatali at hindi niya maigalaw pati ang mga paa niya.

Nanlaki ang mata niya sa nakitang ayos niya para siyang isang hostage!

Ang pagkakaalam niya nasa sasakyan lang sila at tumatahak ng daan, nakatulog siya at ngayong nagising siya'y nakatali na siya?

"F-ck the Daomino's! At kasalanan mo din to," ani Greg.

Hindi na siya magtataka kung bakit ganoon nalang ang bungad ni Greg sa kanya ng magising siya, nakatali din ang mga kamay nito ng kagaya sa kanya. Magkatalikod sila na nakatali.

Kapwa din silang nakaupo sa dalawang silya na kung kundi ay parehas silang mawawalan ng balanse kung isa man sa kanila ang gumalaw. Inilibot niya ang paningin kung saan sila naroon ngayon ng binata.

"N-nasaan t-tayo?" utal na tanong niya na may halong pagtataka.

Alam niyang nasa isa silang malawak na kuwarto at kahit na sino ay mamangha sa ganda niyon.

"Gr-"

"Nandito tayo sa villa ko at hindi ko matanggap na dito talaga nila tayo naisipang itali. Tingnan mo ang ginawa mong kalokohan kasalanan mo," galit na ani sa kanya ni Greg.

Bahay ni Greg? Kung ganoon may salapi pala talaga ang fiancè niya at may naipundar na.

Umikot ang mga mata niya sa inis dahil siya ang sinisisi nito na may kasalanan kung bakit nasa ganitong sitwasyon sila ngayon.

Anong malay niya sa kalokohan ng mga Daomino? Isa lang naman ang close niya sa mga iyon at yon ay si Misha, hindi naman siya nag-sponsor ng lubid na panali sa kanila ni Greg at silya na inuupuan nila ngayon para sa kanya isisi ng binata ang lahat.

Kasalanan ng mga kaibigan nito at hindi niya alam kung bakit kailangan gumawa ng katakot-takot na ganap ang mga iyon. Simula ng makilala niya ang mga Daomino napapansin niya ang pagbibiro ng mga ito ay imposibleng nagagawa ng isang matinong tao.

Imagine? Kidnap kay Christine. Sinong ang nakaisip niyon at nangyari, ang pag-tutok ng baril ni Devlin kay Katherine at ngayon naman ang pag-hostage sa kanya? Kasama pa niya si Greg.

Wala siyang ideya sa kung ano ang gustong mangyari ng mga iyon at hindi siya dapat sisihin ni Greg dahil kasalanan din naman nito kung bakit sila nalagay sa kalokohan ng mga kaibigan nito.

"Kasalanan ko pa ngayon di ba mga kaibigan mo sila? Dapat alam mo kung may binabalak sila," aniya sa binata na bahagyang gumalaw, sinusubukan na matanggal ang tali na naka-pulupot sa kamay niya.

"Masyado kasing matigas yang ulo mo sa tingin mo ba gagawin nila 'to kung hindi ka pumunta sa bar ni Duke?"

"Alam ko bang mangyayari 'to? At isa pa hindi ako ang nakabuntis ikaw kaya wag mong isisi sakin ang lahat," wika niya sa galit na tinig.

Ito nanaman sila nagtatalo nanaman.

Napamura ito. "Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na hindi ako ang nakabuntis kay Candy. Wala naman nangyari samin," wika nito sa kanya. binata sa kanya.

"Wag mo kong lokohin lahat ng lalaki manyak hindi mo ako madadaan sa pagsisinungaling mo," sambit niya.

Kinalma niya ang sarili hindi maganda na sabayan niya ang init ng ulo nito kailangan din niyang mag-isip kung paano makakawala sa pagkakatali.

✔Greg Faustino | Seducing Series 3Where stories live. Discover now