Chapter 10

31.6K 443 20
                                    

"WALA talagang maibibigay na pamasko yang si Misha sa magiging anak mo Trina kaya huwag na huwag mo yang kukunin na ninang." sambit ni Kimberlyn.

Nagtawanan sila dahil doon, late dumating si Misha at ng malaman nito ang ibinalita sa kanila ni Katrina kanina ay nagprisinta itong maging ninang ng ipinagbubuntis ni Katrina.

Natigil na sa pagiyak si Katrina na kanina ay grabe ang pag-iyak tahimik ang buhay nito at mukhang walang alam na kalokohan mas mauuna pa na magka-anak sa kanila.

Halos sila kaninang lima ay nagulat ng sabihin nito na dalawang buwan na itong buntis at ang tatay ay si Cloud Fabian na hindi man lang nila alam na kasintahan nito. Ang alam lang niya si Cloud at Katrina ay magkaibigan kaya kwestyon talaga sa kanila kung bakit napunta itong kaibigan nila sa sitwasyon nito ngayon.

"Ikaw naman Czaira ano yung sinabi ni Christine kanina na may sinabi si Greg sa kanya?"

Natigil siya sa pag-kagat ng donut nang magsalita muli si Kimberlyn at siya ang puntirya.

Sigurado na siya na ang magiging laman ng usapan. Nagkibit-balikat siya at muling ngumuya.

Nasa coffee shop sila ngayon at si Christine kanina ay nagpa-hatak nalang basta kay Deren kaya ang si Katherine ay umiyak na halos di na ata kayang magsalita.

Kung hindi pa dumating si Misha ay hindi ito titigil. Akala niya ay si Katrina lang ang iiyak ngayong araw dahil sa lalaki sumabay naman si Katherine. May pakiramdam siyang may nangyayaring hindi niya mawari sa pagitan ni Deren at Katherine at gaya ng nakasanayan niya'y nakinig lamang siya sa usapan ng mga ito patungkol doon.

"Ay oh! Dedma." muli ay si Kimberlyn.

Sinulyapan niya ito. "Joke lang niya yon. Sinakyan ko lang," sagot niya.

Si Christine kasi ay nag-biro sa kanya kanina na may sinabi daw si Greg dito. Hindi naman ito malapit sa binata kaya alam niyang inaasar lang siya. Sinakyan niya ito na kunyari may nangyari sa kanila ni Greg.

Ang mga kaibigan naman niya naniwala.

"Bakit ano daw sinabi ni Greg?"

Napangiwi siya sa tanong na iyon ni Misha. Bigla na lamang itong susulpot sa coffee at ito mang-uusisa.

"Nagbiro na may nangyari daw sa kanila ni Greg," si Katherine ang sumagot.

Tumikhim siya at mas pinili na sa kinakain ibuhos ang atensyon.

"Dalaga na si Czaira naranasan na niya ang heaven." wika ni Katrina.

Dahilan para mabulunan siya masama niyang tiningnan isa-isa ang mga ito.

Pagdating sa usapan na kalokohan maraming sagot ang mga ito. Wala siyang balak i-suko ang bataan niya, gusto niya ay makasal muna sila ng binata bago mangyari iyon.

"Tigilan niyo nga ako. Biro lang 'yon masyado kayong issue, ikaw Kim palibhasa kasi wala kang pag-asa kay Miguel." wika niya. "Ikaw naman Misha wala kang boyfriend kaya wag mo kong binubully at ayoko tumulad sa inyong dalawa," dugtong niya na pinandilatan ng mata si Katrina at Katherine.

Natahimik sandali ang mga ito at sabay-sabay nagsipag-tawanan.

"Konti nalang mapapansin na ko ni Miguel hindi niya ko tinataboy pag lumalapit ako sa kanya close kami," si Kimberlyn na dinepensahan ang sarili.

Nagkamot ng ulo ang kambal nito na si Katherine. "Buti nalang at tama ako ng sinabi."–anito at sumulyap sa kapatid–"Kim kung magiging tanga ka kay Miguel itatakwil talaga kita, tama na." naiinis na turan nito.

Kimberlyn rolled her eyes. Tumingin din ito sa kapatid at nakipag-sukatan ng tingin.

"Eh, di sana pala noon pa lang itinakwil na kita? Tanga ka kay–"

✔Greg Faustino | Seducing Series 3Where stories live. Discover now