Chapter 14

25.9K 426 7
                                    

NAKAKAGULAT yon bang tanggap na niya sa sarili niya na walang pagasa, na malabong mangyari, na hindi na kailan pa mangyayari na mamahalin siya ni Greg, na kakalimutan na niya at tatapusin ang anuman na meron sa kanila.

Ngayon ay tila bumaliktad. Biglang nagiba ang ihip ng hangin, bigla nalang mas lalong hindi niya naintindihan ang sitwasyon. Nasasaktan ba talaga siya ni Greg o siya lang ang nagiisip na sinasaktan siya nito?

Gusto niyang isisi lahat ng ka-praningan niya sa sarili.

Ang tibok ng puso niya ay biglang hindi naging normal dahil sa mga sinabi ng binata. Kulang nalang ipaulit niya iyon lahat dito upang masiguro na totoo ang lahat ng sinabi nito.

Nahulog na ba talaga ang loob nito sa kanya? Anong klaseng pang-aakit ba ang ginawa niya at wala siyang matandaan kung inakit nga ba niya ito?

Hindi na yata niya kaya pa na magsalita dahil mismong si Greg na ang sumampal sa kanya ng katotohanan na hindi lang na dapat siya ang palagi nalang pakinggan at intindihin.

Kung naka-pagpaliwanag si Greg, na hinayaan niya itong magsalita at nakinig siya sa maayos na paraan ay hindi sila aabot sa ganito.

Pinaniwala niya ang sarili na siya lang ang nagmamahal sa kanilang dalawa, na hindi kaya na mahulog ang loob nito sa kanya. Akala niya hindi niya maririnig pa kay Greg ang dalawang salita na sa ingles ay tatlong salita na matagal na niyang gustong marinig mula rito.

He said he love her. He did.

Yon ang mahirap paniwalaan dahil imposible para sa kanya.

Ngayon ay gusto niyang magpasapak sa lahat ng customer sa Duke's bar para magising siya na totoo ang lahat ng sinabi nito sa kanya. Nasa kanila na ang atensyon ng lahat ang tugtog ay nawala at tila sinadyang itigil para marinig nang lahat ang pagaminan at pagsisigawan nila Greg.

May mangilan-ngilan pang customer na tila kinikilig sa tagpo nila, may ilan pa ngang nakakilala sa binata dahil bukod nga sa businessman ito isa pang model sa kilalang Building Magz o BMagz.

"P-paano si Candy..." mahinang turan niya, bigla muli ay natense siya.

"Nagusap na kami hindi ko kayang panagutan ang dinadala niya dahil yon ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. Hindi dahil sa mahal ko pa siya kaya hindi ko kaya dahil sayo. Hindi ko kaya na saktan ka sa pamamagitan ng ibang babae na mai-involve sakin. Gusto ko na sayo ko lang ibibigay ang atensyon ko at walang dapat maki-hati, but you said let's end this I respect y–"

"Hindi mo dapat respetuhin ang sinabi niya taas ang kamay," nanlaki ang mata niya dahil nakita niya si Deren sa likod ni Greg at may hawak na baril.

Oh god!

"W-what?" nalilitong si Greg at nilingon si Deren mula sa likod nito.

Ang ilang customer ay nagulat sa nakita. Ang baril na hawak ni Deren ay hindi niya alam kung saan nanggaling dahil bigla nalang sumulpot.

"Raise hand, pare kung ayaw mong kay Duke Alexander mapunta ang babae mo," si Deren iyon na itinaas ang mga kamay ni Greg.

Kinapkapan pa nito si Greg sa bulsa at may kung anong hinahanap siya man ay kumunot ang noo.

Ano nanaman ang problema ng mga Daomino at palagi nalang nananakot sa pamamagitan ng baril? Damn them!

May tumikhim sa gilid niya, sumulyap siya sa kanyang gilid at doon ay si Duke Alexander na narinig ang lahat ng sinabi ni Greg sa kanya.

Nakaupo pa rin ito sa high stool, nagulat siya nang mula sa bulsa ng maong pants nito ay naglabas ng posas na inihagis kay Deren.

"A-anong ginagawa niyo?" tanong niya.

✔Greg Faustino | Seducing Series 3Where stories live. Discover now