Kinalimutang Paalam

64 1 0
                                    

Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Klay kay Fidel habang yakap-yakap din siya neto. Ang luha sa kanilang mga mata ay tila hindi tumitigil sa pagdaloy sa kanilang mga mukha. 


 "Wag mo akong Kalimutan" sabi ni Klay 

Binitawan ni Klay si Fidel tapos ngumiti siya, at pinahiran ang basang pisngi nito. 

 "Iiwan mo rin ako." sabi ni Fidel 

 "Susubukan kong bumalik. Pangako, susubukan ko talaga. Sa ngayon, habang naghahanap pa ako ng paraan, wag mo akong kalimutan. Ipangako mo sakin, na hindi ka mamamatay, na andito ka parin sa pagbalik ko." 

 "Ako'y maghihintay sa iyong pagbalik, Bb. Klay. Pinapangako ko. Kahit gaano pa katagal, . . . maghihintay ako sa'yo. Hinding hindi kita malilimutan"

 Niyakap muli nila ang isa't isa. Unti-unti, tumalikod si Klay at naglakad papalayo kay Fidel patungo sa portal na si Klay l. Laking gulat ni Fidel na biglang naglaho na lang si Klay at wala na siyang makita, ng biglang may malakas na hangin na umihip at na puwing ang ginoong tumatangis sa pagkawala ng kanyang minamahal na binibini. 

Sa pagmulat niyang muli ay parang nagtaka siya. Alam niyang may babae at iniibig niya ito ngunit nakalimutan niya ang pangalan. Unti-unti, sumakit ang ulo niya sa pagiisip kung sino ang babaeng nakita niya at kung sino ito sa buhay niya ng muli siyang pumikit sa sakit ng kanyang ulo at tuluyan ng nakalimutan si Klay at ang kanyang alaala sa minamahal.

 "Anong ginagawa ko dito?" sambit niya.
 "Bakit ako tumatangis? Bakit may kirot akong nararamdaman sa aking dibdib?"

 Sa hindi niya maintindihan, bumalik si Fidel sa kuta at doon nakita si Pablito at Lucia. "Fidel saan ka naparoon? Bakit bigla kang nawala?" Sabi ni Pablito

"Paumanhin, tila ako ay nawala na rin sa aking sarili. Hindi ko maalala kung paano at bakit ako naparoon sa dampa ni aling Sisa."

"Hindi ito ang panahon para umalis ka ng kuta at pumunta ng kung saan-saan ginoo. Sapagkat ikaw ay mainit pang tinutugis ng otoridad." sabi ni Lucia

"Batid ko. Losientos, hindi na mauulit."

"Ngayon na nandito ka na, doon tayo sa kubo pag usapan ang preparasiyones para sa paglusob" dagdag ni Pablito.

"Susunod ako." tumango lamang si Pablito at ito ay tumungo na sa kubo. Habang si Lucia ay nakatitig parin sa halatang nababahalang ginoo.

"Ano ang gumugulo sa'yo, ginoo?"

"Hindi ko mawari. Kanina ko pa nararamdaman na parang may kulang ngunit hindi ko alam kung ano."

"Kung ano man iyan'y, ipagpaliban mo na lang muna at marami pa tayong ihahanda." sabi ni Lucia at umalis na sa paningin ng ginoo.

Bakas sa mukha ni Fidel ang pagkalito. Napasiyahan niya na sundin ang payo ni Lucia na ipagpaliban na muna ang iniisip, at sumunod na sa kubo.


A/N: Ayan na lang muna. Ginawa ko to Jan 21,2023. Hindi pa ako nakaka move on sa episode kagabi. Ginalingan kasi ni David Licauco ang pag acting kaya wasak na wasak ang puso ko ngayon. Salamat sa pagbabasa! Sa susunod pang kabanata!


FiLay Short Story Oneshot compilationsWhere stories live. Discover now