Baka nga

37 1 0
                                    

Klay... Klay... Klay...

"KLAY!"

"Huy pare! Nananaginip ka." sabi ni Lito habang hinampas ang balikat ni Fidel.

"Ano?" naguguluhang tanong ni Fidel

"So? sino ang Klay? Chicks ba yan? hahaha"

"Tigilan mo ko sasapakin kita."

"Woah chill pare. Joke lang"

Napaupo si Fidel sa kaniyang kama at napahilot ito ng ulo. Isang bwan na ang nakalipas mula nakabalik si Fidel galing sa mundo ng Noli. May nakilala siyang babae doon. Isang indio na naninilbihan sa bahay ng mga Delos Santos. Klay Infantes. Isang babaeng hindi takot sabihin at ipaglaban ang saloobin. Kaya nga siguro ay napapahamak siya at andiyan si Fidel para salbahin at protektahan siya. Tuluyan ng nahulog sa isa't isa pero noong sinuyo siya ni Fidel, hindi niya ito sinagot hanggang sa nakabalik na ng tuluyan si Fidel sa "real world"

"Pinapanaginipan mo na naman ba ang, saan ba 'yon? San Lorenzo? San Paulo? S-San Dieg- Haha. Nako pare. Sinasabi ko sa'yo wag ka masyado nakikipagusap kay Sir Torres yan tuloy."

"Parang totoo talaga." Sumasakit ang ulo ni Fidel sa pagiisip. 

"High ka ba?"

"Lito ako tigil-tigilan mo makakatikim ka talaga sakin." 

"Dude, chill. It's not like your dream is real. Sabi sa'yo ng doctor 'wag mo na masyado isipin diba?"

"Still. Kelangan ko kausapin si Sir Torres.." tumayo si Fidel at nagdali-daling nag-ayos para puntahan ang propesor.

Kinabukasan,

"Sir. Torres."

"Oh. Mr. Delos Reyes. Naparito ka. Hindi bat nag o-ojt ka na ngayon sa ating school hospital?"

"Sir, kailangan ko po makabalik."

"Mr. Delos Reyes, sinabi ko na sa'yo. Hindi ka maari pumasok ulit. Lalong lalo na sa El Filibustersimo."

"Kung ganon, sabihin niyo na lang po sakin kung ano nangyari kay Klay. Wala siya sa orihinal na kwento diba? Hindi din siya nabanggit sa kahit anong kabanata. Sir, please."

"Hindi ko hawak ang kapalaran, Pido. Ang ma aadvise ko lang sa'yo, is to hold on to that hope. At hindi ba, may nagsabi na sa'yo, gamitin mo ang pagmamahal na yan para sa ating bayan."

Napatigil si Fidel. May nagsabi sa kaniya ng ganon? Bakit hindi niya maalala? Pagtingin niya ulit sa propesor, ay naglalakad na ito ng palayo.

"Baka nga sa ibang panahon magkakasama din kami."

"Nasaan ka na ba Klay?"

FiLay Short Story Oneshot compilationsWhere stories live. Discover now