Mundo

37 1 0
                                    

Sa pagbalik ni Klay sa El Fili, agad nito hinanap ang mga karakter na nais niyang isalba. Inuna niya si Maria Clara na alam niya ay nasa kunbento sa Maynila ngunit hindi ito pinayagan ng ibang madre na makapasok at kausapin ang kaniyang katukayo. Kahit anong gawin niya, nagsigawan, naglupasay, sapilitan pumasok sa kunbento, ay hindi parin ito nagawa. Kaya nag pasiya muna siyang ipagpaliban at magpahinga. Mas mainam kung sa gabi niya susubukan na pumasok para walang makakahalata.

"Ay ate, pwede ho ba umupo dito sandali? nagugutom kasi ako eh. Aalis din naman ako agad."

Sabi ni Klay sa isang tindera na nagbebenta ng mga mukhang mamahaling plorera at banga. 

"Maari, Binibini ngunit maari lamang ay ikaw ay mag-ingat sa pag galaw dahil itong mga banga ay galing pang ibang bansa at baka magalit ang aking among intsik kapag naka basag ka."

"Opo. Salamat po ate."

Naupo si Klay sa gilid ng maliit na lamesang yari sa kawayan at binuksan ang bag na dala. Kinuha niya ang kaniyang baong sandwhich at napatingin siya sa paligid.

"Aaaah. Intsik pala ang may-ari ng mga nito? Hmmm. Si Fidel kaya kamusta? Tuluyan bang nawala na ang negosiyo nya?" napaisip siya.

"In fairness nakaka miss ang lolo mo. Kahit saan na lang, na aalala ko si Fidel." sabi niya habang kinagat ang pagkaing dala.

Sa likod niya ay may dumaang dalawang lalaki. Dalawa mahaba ang buhok at isa may mahabang balbas. Bitbit ni Fidel at Elias ang isang kahon na naglalaman ng mga baril para sa planong paglusob. Ingat nilang kinarga ang kahon sa karowahe.

"Hay. Magiikot-ikot na nga lang muna ako." sabay pag-aayos ng bag niya.

Habang nakatalikod si Klay at Fidel sa isa't isa,

"Pido. Sandali lamang at may naiwan ako sa loob. Diyan ka na lang muna at bantayan ang karowahe." Sabi ni Elias. Pido ang binigay na palayaw kay Fidel upang hindi sila matunton ng mga otoridad. Tumango na lang si Fidel at sumunod ito.

"Ayyyy." pasigaw na sabi ni Klay ng nahulog ang isa sa mga gamit niya.

Napalingon si Fidel sa sumigaw. Nakita niya, isang babaeng naka pula na Filipiniana ngunit ang buhok niya ay parang pamilyar sa kaniyang mga mata, ang pagtayo, ang pag galaw, at mismong boses ay kaniyang nakikilala ngunit ayaw niyang paasahin ang kaniyang sarili.

"Hindi maari."  sa isip ni Fidel. Hindi puwedeng si Bb. Klay ang babaeng yan. Nakita niya mismo sa sariling niyang mga mata na naglaho na lang ng parang bula ang kaniyang minamahal. Kahit ito ay umaasa pang babalik si Klay ay, matagal ang labingtatlong taon para maghintay. Labingtatlong taon ding pangungulila ngunit ang puso niya ay pagmamay-ari na ng mahiwagang dilag na taga ibang mundo.

Yumuko si Klay para kunin ang nahulpg at nilagay na ito sa kaniyang bag. Nagpasalamat siya sa ginang na nagpaupo sa kaniya sa kahon at ito ay tumalikod. Sabay sa pagharap ni Klay sa direksyion ni Fidel, ay  tumalikod ito ng tawagin din ni Elias ito.

"Pido. Tayo na at baka tayo ay abutin pa ng Takipsilim."

Nang maka sakay na si Fidel at Elias,

"Aba long hair na ba talaga ang peg ng mga lalake dito ngayon?"

sabay lakad palayo upang maghanap ng matutuluyan sa araw na iyon.

Magkikita ba agad sina Fidel at Klay? 

FiLay Short Story Oneshot compilationsWhere stories live. Discover now