08/2018

264 39 35
                                    

__________________________________________

Photo

Half-body photo of Anselmo, smiling and standing confidently in front of the gate of St. Francis Seminary. He is dressed in a crisp, white clerical shirt, and a backpack hangs comfortably over his shoulders. 

__________________________________________



This photo was taken by Era (can you believe it. Siya ang kumuha ng litrato ngayon! At pinayagan ko siya dahil mahaba na naman nguso niya no'ng sinabi ko na ayaw ko).

Today is my first day of MA. Erasme insisted that I take a photo in front of the seminary gate as remembrance. Siguro dahil minsan ko nang naikuwento na wala akong 'first day of school' photos noong bata ako, kagaya niya (pinakita niya 'yong album sa akin noong tumambay ako sa bahay nila sa Castallon). Siguro, naawa sa 'kin. 

Wala naman talagang problema. Wala naman akong pakialam. 

Pero mukhang mahalaga para iyon kay Erasme, kaya sinunod ko na lang din gusto niya.

Kaya ito. Litrato ko. Nakangiti. 

(Siyempre, dahil ang kumuha ng litrato na 'to ay ang siyang nagpapangiti sa 'kin parati.)

Hindi na siguro 'to related sa litrato, pero gusto ko lang ilagay na rin dito sa Instagram 'yong mga paniniwala ni Erasme sa 'first day of school'; mga paniniwala na pampasuwerte (sabi niya, kapag sinunod ko, p'wede na ako maging summa after graduation). Mukhang masiyadong superstitious ang mahal ko. Hehe.

Ito ang mga paniniwala niya: 

   1. Maagang pumasok. Dapat ako ang unang tao sa classroom. Hindi p'wede na ikalawa. Ikatlo. Dapat una talaga. (Ideally, pumasok nang 5am?) 

   2. Sipain ang upuan na nasa harap ko bago ako maupo (hindi ko maintindihan talaga 'to.)

   3. Umupo sa front row. Bopols daw ang nasa dulo.

   4. Dapat ay #1 Mongol ang bolpen ko (kahit na mukhang mas maitim ang lead ng #2) 


Bilang pangwakas, may gusto akong idagdag na pampaswerte rin:

     5. Mga 10 minutes na kiss :D 

LongingWhere stories live. Discover now