02/2019

227 33 25
                                    

__________________________________________

Photo

Erasme in front of a grocery shelf filled with various milk. Arms crossed, one hand on chin, seemingly contemplating.

______________________________



Today. The usual end of the week grocery date with you. Habang pinagninilayan mo sa litrato na 'to kung aling almond milk ang mas masarap, iniisip ko pa rin kung ano ang gagawin sa Valentine's Day.

Ilang araw ko nang binabalik-balikan ang mga gusto at ayaw mo. Baka sakali kasi na may mahinuha ako ro'n. Sa ngayon, ito ang findings ko.

Likes: Chicken. Alak. Matcha tea na malamig. Panda Milk Tea ng Coco. Kahit anong maanghang. Sili (siyempre). Maglakad t'wing gabi at tumambay sa labas ng chapel kahit malamok dahil mas kita ro'n ang mga eroplanong napapadaan. 90s and early 20s RomCom movies. Vending machines. Pringles. 7/11. Sisig ng 7/11. Coke. Isaw. Dugo. Song Joong Ki (?). Mangtali (???). Mwah mwah na matagal (????????????). Kadiliman (????????????????)

Dislikes: Breakfast (kaya hindi p'wede ang breakfast date), bulaklak, Coke Zero, Coke Lite, Coke na may kape, Pepsi, Royal, at kahit anong softdrink na hindi Coke. Puno na restaurant, restaurant na sa counter o-order, pagkain na hindi maanghang. Miel Vitug (kailangan ilagay 'to dito hehe for affirmation lang sa akin 😆), hindi sumasagot agad (kasi natatakot ka na baka inis ang tao sa 'yo), may period sa dulo ng text (kasi iniisip mo na galit sa 'yo ang tao), Japanese food (kaya hindi tayo p'wede magdate sa Japanese restaurant), seafood (hindi na p'wede maglobster), kahit anong sizzling na pagkain (kasi dumidikit sa damit mo ang amoy), horror movies.

Sa ngayon, ito ang naisip ko na plano:

1. P'wede tayo kumain muna sa labas, basta hindi Japanese food at seafood ang menu, at mabilis tayong makakaupo. Dapat may maanghang sa pagkain nila. P'wede siguro na Chinese restaurant para endless ang chili oil?

2. Tapos siguro manood na lang tayo ng kahit anong RomCom na gusto mo doon sa madalas nating p'westo sa harap ng chapel. Magdadala na lang ako ng kumot. Isaw. Coke.

3. Tapos iuuwi na kita at bahala ka na sa ano'ng gusto mong gawin sa akin from there on.

... P'wede na kaya 'yon?

LongingWhere stories live. Discover now