PROLOGUE

37 2 0
                                    

Good Morning Peps!

Kagigising ko lang at nakapaghanda na ako nang almusal at ako rin naman ang kakain, dahil tinatamad ako sunny side up lang ang niluto ko.

Mukha nga akong ewan kasi bitbit ko ang payong sa isa kong kamay habang ang isa ay spatula, nakikipaglaban ako sa mainit na mainit na mantika. At dahil tapos na inilapag ko na sa mesa kasama ang tinimpla kong kape. Pagkatapos kong kumain naligo narin ako at nagbihis kasi may pasok pa ako. Bitbit ko na ang bag ko at paalis na.

Pagkatapos lumabas na ako at papara na sana ako ng jeep nang may lumapit sa akin.

“Iha, wala nang bumabyaheng jeep dito. Mag taxi o mag bus ka na lang.”

“Talaga ho, manong? Bakit po wala nang pumaparadang jeep dito, ngayon?”

“Sa ibang eskina na sila dumadaan at don na din  nakaparada.”

“Ah sige ho manong, salamat po.”

Umalis na rin ang lalaki at eto ako, nakatambay sa waiting shed sa mga dadaang bus. Buti't maaga-aga pa dahil kung hindi sasabunin na naman ako sa school.

Pumara ako dahil saktong sakto papunta sa school ko itong bus. Kaya sumakay na ako, syempre dahil maaga pa. Kinuha ko yung airpods ko at isinampak sa tenga at nagpatugtog. Matutulog lang ako saglit.

Maya-maya pa nag iba ang tunog, music pa din naman pero hindi ko alam kung bakit nag iba kaya dali-dali kong tinignan ang phone ko at may tumatawag, kaklase ko si Megan, hindi si Megan Young ah. Si Megan Raize Lopez isa sa mga hot at sexy na kaklase ko, maganda, mayaman, makinis ang balat, maputi rin parang hindi nga yun natatablan ng init sa sobrang puti. She's my best friend, magkaiba nga lang kami nang personality. Sya kasi madaldal kabaliktaran naman sa akin pero syempre minsan madaldal din ako noh.

Sinagot ko ang tawag nya. Pero nagsusumigaw sya, eh pano ba naman naiwan yung libro at notebook nya sa condo nya. Magkaiba kami nang tinutuluyan ayaw kasi nyang may makatabi matulog, baka 'raw kasi mahulog ang kung sino mang tatabi sa kanya dahil ang likot likot kapag natutulog.

Oh! Ang daldal ko diba?

Kailangan daw naming mag review kasi may dadating na doktor daw na nagmamay-ari sa pinakasikat na hospital dito sa Pilipinas. Baka kasi tanungin kami, mabuti na yung may na ireview ka kahit konti.

“Pahiram na lang nang notes, pagdating mo.” nagmamakaawang sabi nya.

“Oo naman. Tsaka yung reviewer ko nung nakaraan eh nasa iyo parin, diba?” habang nag rarant ako sa kanya, kinakausap ako ni kuyang kondoktor dahil kinukuha yung bayad ko. Pero hindi ko sya pinansin dahil abala ako sa pakikipag-usap sa kaibigan ko.

“Wait lang kuya, may kausap ako.”

“Ito po, bayad” that deep voice, is very attractive.

Kaya nang lingunin ko ito at pinatay na ang tawag sa phone ko, ay pinagmasdan ko ang mukha nya. Bilugan ang mga mata, itim na buhok at may salaming suot idagdag mo pa ang suot nyang polong kulay puti na bumagay sa kanya.

Akala ko ba mukha lang? Bat nakatingin kana sa damit, Avelia?

Tumingin sya sakin after nag abot ng bayad sa kuyang kondoktor.

“Miss? Bayad mo?” he said in deep voice againnn.

“Ha?”

Natameme ako, pano ba naman akala ko gentleman sya katulad nung sa mga pelikula sa tv at sa mga nababasa kong love story sa wattpad. Kakawattpad ko 'to.

Akala ko kasi, ikaw na ang magbabayad” bulong kong dagdag. Sabay abot nang bayad sa kuyang kondoktor.

“Ha?” tanong nya.

Pag-ibig Sa Unang BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon