Chapter 1

17 1 0
                                    

“Uuwi kana Rein? Sabay na tayo.”

Nandito ako sa library, nagbabasa nang books. Tapos biglang dumating si Megan, sabay daw kaming uuwi kaya pumayag naman ako. Pagkatapos kasi nung nangyari kanina ay dumiritso na ako dito sa library kasi wala ng pasok kasi may meeting yung mga faculties kaya nakitambay muna ako dito.

Puro din kasi tanong ng tanong 'tong si Megan kung bakit ko daw kilala yung doktor. Aba malay ko bang yun yung lalaking nakatabi ko sa bus kaninang umaga. Tsaka kung mayaman yun bakit nakasakay sa bus? Diba?

Lumabas na kami ng library, inunahan ko na yung strict na nagbabantay sa lib. ayaw kasi non sa maingay. Baka kasi mag ingay 'tong si Megan.

“Basta may libre, payag ako.” nakangising sabi ko.

“Of course, san mo gusto? Sa 7-eleven ba?, Starbucks?, McDonald's?, kahit saan.”

“Ay wow naman, hindi ko alam required pala mamili.”

“Hindi ka kasi pinili, opss my bad.” may pa takip takip pa sa baba syang nalalaman.

“Mag kwek-kwek na lang kaya tayo?” suggest nya.

“Oh sige ba.”

Naglakad lakad kami hanggang sa nakakita na kami ng vendor ng streetfoods.
Bumili sya ng fishball, isaw, at kwek-kwek. Okay na din to, kesa gumastos pa sya sa mga mamahaling kainan. Sabagay mayaman, binibili lahat.

“Hoy ikaw ah, parang may something sa inyo nung doktor.” ngumunguyang sabi nya. Punong puno ang bunganga ng pagkain.

“Anong something ka jan. Wala yon no, tsaka nakasabay ko lang yun kanina sa bus. Kaya ako nagulat kasi hindi ko naman alam na may ari pala yun ng pinaka sikat na hospital dito.” nakangusong sabi ko.

“Hmm, alam mo, cute sya. Yung dimples nya kapag ngumingiti ang cute tingnan. He's also hot like fire, rawr.” oo nga no, hindi ko kasi napansin na may dimples pala yun, tsaka delikado to. Mahilig pa naman to si Megan sa mga hot guy's.

“Kung ayaw mo sa kanya, bigay mo na lang sakin. Promise aalagaan ko sya.” parang nanunumpang dagdag nya.

“Edi sayo na. 'Di ko naman yun gusto eh.”

Hmm, talaga Avelia?

“Just kidding, ito naman. Napakaseryoso mo.” nakangising sabi nya.

“Tara na, umuwi na tayo.” pag aanyaya ko.

Nasa tapat na ako ng condo ko. Kaya pumasok na ako sa loob. Sinalubong ako ni Snowpie, pasensya na hindi ko nabanggit may aso ako na inaalagaan.

Tumakbo kaagad sya papunta sakin at nagtatalon talon.

“Miss mo 'ko baby Snow?” binuhat ko sya at dinala sa kusina dahil papakainin ko sya.

“Busy si mommy eh, naiwan tuloy kita. Next time ibibilin kita kay mama don ka muna kasi namamayat kana oh.” hinahaplos ko sya.

Uuwi akong probinsya sa friday. So tamang tama at dadalhin ko si Snowpie para mabantayan ni mama. Sa aming pamilya kasi si mama 'tong mahilig sa mga aso, nagmana ata ako sa kanya.

Matapos ko syang pakainin ay pinatulog ko na, kusa naman syang natulog dahil siguro ay pagod din to.

Kawawang Snowpie

Naligo na rin ako after at nag apply ng skin care sa mukha. Busog din kasi ako kaya hindi na ako kumain ng hapunan. Nanuod muna ako sa tv ng Netflix habang kumakain ng popcorn.

Natapos na yung pelikula kaya, I turned off the tv. Pagkatapos nag online ako saglit, nag scroll down ako sa newsfeed nang may pamilyar na pangalan ang nakalagay.

Doc. Drenz Clifford Smith

I stalk him, at nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto kong tina tag sya ng prof. namin na ang caption...

“Thank you for visiting our school Doc. Drenz Clifford Smith.” dahil sa pagbisita nya kanina sa school namin. Na may mga pics ding kasama, na nakunan yun sa room namin.

At nakita ko sa mga friends nya sa Facebook na friends na sila ni Megan. Sino ba namang hindi mag a-accept at mag a-add kay Megan eh, nasa kanya na lahat.

Nilapag ko ang phone ko at nanlaki ang mga mata ko nang aksidente kong na pindot ang add friend. Pinatay ko muna ang phone ko, ayaw ko namang i cancel no. Tsaka ano naman kung ia-add ko sya diba?

Pero Avelia namannnn

“Think Avelia, think kung paano mo ito malulusutan?”

Dahan-dahan kong binuksan ulit ang phone ko at laking gulat ko na in-accept nya ang friend request ko.

“Mag ha-hi ba ako? Or Doc. ikaw pala yon yung nakasabay ko sa bus?” parang tangang kausap ko ang sarili ko at hindi mabitawan ang phone. Sobrang higpit nang pagkakapit ko sa phone habang nag iisip kung ano ba ang sasabihin.

“Mag pasalamat na lang kaya ako? Or No baka sabihing excuse lang yon para pansinin ako. Eh, ano bang tawag sa ginagawa ko ngayon. Oh diba? nag papansin naman ako ah.”

Hay naku, Avelia

“Wag na nga lang, bukas na lang.”

Pero hindi ako pinatulog dahil sa kakaisip kung ano ba ang una kong sasabihin o gagawin.

“Bat ba kasi na i add ko pa.” kamot ulo kong sabi.

“Hays, bahala na nga. Bukas na 'to. Matutulog na ako.”

------------------🚌

Next Station! Bep bep!



Love's Elle:)






Pag-ibig Sa Unang BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon