Chapter 2

10 0 0
                                    

Dahil walang pasok ngayon 8:30am na ako nagising, sa afternoon pa kasi ang pasok ko. Naghilamos at nag toothbrush na rin ako't naligo pagkatapos.

Kumain ako ng agahan, hotdog lang yung niluto ko ngayon. Tipid muna ako ngayon, kasi andaming bayarin. Bukas na ako uuwi sa probinsya namin at excited na ako kasi walang pasok. Nagbihis na din ako pagkatapos at nag aayos na. Nilagyan ko lang ng konting make up ang mukha ko, at may mga accessories ding kasama. Pupunta kasi akong mall.

Akala ko ba, tipid-tipid Avelia?

May bibilhin kasi akong libro. Nagcommute lang ako, wala naman akong kotse o kaya motor.

Pagkarating ko, pumunta kaagad ako sa bookstore. Kasi yun naman talaga ang pinunta ko dito, naglilibot ako't naghahanap ng magandang pocket books. Binilhan na kasi ako ni mama ng mga libro na gagamitin ko para sa school, kaya pocket books nalang ang bibilhin ko.

Habang pumipili ako ng librong bibilhin ko may napansin ako. Isang lalaking matangkad, maputi, at nakacoat ito ng puti at alam kong kagagaling lang nito sa hospital. May kasama siyang babae, na parang ka edad ko lang. Nakatalikod sila kaya hindi ko naaninag ang mukha ng babae. Namimili din sila ng mga libro.

“Lapitin pala ng chicks si doc.” bulong ko sa sarili ko.

Pagkatapos kong mamili ay dumiretso na ako sa counter para magbayad ng pinamili ko, hindi naman karamihan kasi nga diba nagtitipid ako. Hindi ko na pinansin ang dalawa at mabilis na umalis roon.

“Sungit pa naman nun, tas malalaman kong may kinakasama sa pamimili ng libro? Eh, pwede namang bumili ng libro na mag-isa ah.” nakangusong sabi ko ng mag-isa.

Pumila na ako sa counter at laking gulat ko ng sumunod sila sa linya ko.

Binigay na sa akin ang libro at dali-dali ko itong binayaran sa babae. Dere-deretso lang ang lakad ko papunta sa exit, hindi ko na binalingan pa ang dalawa.

Pagkalabas ko, pumara kaagad ako ng jeep papunta sa condo ko. Dahil hindi naman masyadong malayo ang condo ko dito, isang sakayan lang kaya nag jeep na lang ako.

Nagulat ako dahil tumunog ang phone ko. Message pala ni mama, nagtatanong sya kung anong oras daw ako uuwi sa'min. Nagtipa agad ako ng reply, napansin ko na ang traffic pala.

May mga nagbabaang mga pasahero dahil sa sobrang traffic, may mga nagrereklamo na nga't bakit daw sobrang traffic. Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang paligid, at dahil nga sa sobrang traffic ay nakatulog ako.

Pagkagising ko ay natanaw ko na agad ang gate ng aking condo kaya pumara ako at bumaba sa jeep. Sinalubong agad ako ni Snowpie, kaya agad ko siyang binitbit at dinala sa sala para samahan akong manood ng movie.

Napag isip-isip kong maglinis muna, kasi ang kalat-kalat na ng paligid. Medyo busy din kasi ako sa acads kaya minsan na lang akong maglinis. Habang nagwawalis ako ay biglang nag ring ang aking cellphone, senyales na merong tumatawag. Kaya dali-dali ko itong pinulot sa sofa at sinagot ang tawag. Unknown number, sino kaya to?

“Hi, Rein! It's Megan I used to call you because I'm bored, let's go shopping!” maligayang sabi ni Megan.

“Oh, ba't ibang number ang gamit mo?”

“Nah! My phone is broken, I'm going to mall to buy a new one. Samahan mo 'ko, I'm just borrowing a phone.” Grabe pag mayaman talaga noh?

“Sige, sasamahan kita. Magkita nalang tayo sa may 7-eleven malapit dito.” sabi ko.

Nilakad ko nalang ang 7-eleven kasi nga malapit lang dito yun, tsaka para makatipid nalang din.

Habang nilalakad ko ang maliit na eskina ay may parang sumusunod sa akin. Lumingon ako sa likod para maaninag ko kung sino, ngunit pagkalingon ko ay nawala ito. Papalapit na ako ng papalit nang may biglang humatak sa akin, ang ginawa ko ay pinalupot ko ang dalawa nyang braso para matinding sakit ang naramdaman nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig Sa Unang BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon