Alyas Kanto Boy Part 1

36.9K 646 91
                                    

Mula sa direksyon ng Ang Hari ng Angas at Ang Gwapong Gago

Author's Note: Ang Raul na nabanggit na kalaban sa "Ang Hari ng Angas" at ang Bidang Raul Robles dito sa Alyas Kantoy ay mag kaibang tao. Mas nauna kong gawing ang HNA kaysa dito kaya aksidenteng naging mag kapangalan sila, hindi ko na kasi napansin agad. Salamat sa pang unawa. Happy Reading..

Cover by: TeamMang Editors

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by: TeamMang Editors

Book cover by: GwapongChase

********

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."


Kulay ng Pag ibig

Presents


Alyas Kanto Boy

AiTenshi

March 1, 2015

fb ai_tenshi@rocketmail.com


"KUNG HINDI MO KO BIBIGYAN NG BENTE PESOS AY HINDI KITA PARARAANIN. Manigas ka dyan o kaya ay doon ka mag daan sa kabilang gilid kung saan may nakataling aso! Mabangis si Snow White at paniguradong lalapain ka noon. Kaya mamili ka, dito ka daan sa ligtas na lugar o doon ka kay Snow White na kakagatin ka sa pwet hanggang sa hindi kana makalakad? Syempre kung dito ka daraan kailangan may bayad, pambili ko ng isang kahang sigarilyo. Ano mag bibigay ka ba? Ayokong pinag hihintay ako. Dali naaaa!" Ito ang eksenang tumambad sa aking harapan habang hinaharang ng tambay sa kanto ang isang mag aaral sa high school habang palabas ito ng kanilang compound.


"Eh kuyang tambay wala naman akong pera. Baon ko lang ito oh. Saka may babayaran pa kong test paper mamaya. Pagagalitan ako ng titser ko pag di ako napag exam. Saka kuya araw araw mo naman akong hinaharang pwedeng utang nalang?" ang wika nung mag aaral at bakas na bakas sa kanyang mukha ang pinag halong takot at pag aalala.


"Kung wala kang pera, doon ka mag daan sa kabilang gilid ng kalsada. Umikot ka doon sa eskinita para makasalubong yung asong si Snow white! Istorbo ka eh, geh alis na!" ang sagot naman ng tambay habang itinutulak ang batang mag aaral palayo sa kanya gamit ang face towel na pinamumunas nya ng pawis sa katawan.


"Kuya wag po! Masakit!!" ang iyak naman ng bata habang patuloy pa rin ang tambay sa pag hampas ng towel sa braso nito. Halos ilang minuto ko rin silang pinag mamasdan hanggang sa hindi na ako nakapag pigil, agad akong bumaba ng taxi at doon ay naki alam na ako sa eksenang pang aapi ng huthuterong tambay sa walang kamalay malay na bata.

Alyas Kanto BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon