Alyas Kanto Boy Part 5

14.5K 426 29
                                    

Alyas Kanto Boy

AiTenshi

Fb: ai_tenshi@rocketmail.com

March 6, 2015

Part 5

Kinabukasan, maaga kaming gumising ni Raul upang mag tungo sa bagong silid na kanyang lilipatan upang linisin ito. Bakas na bakas sa mukha ng binatang tambay ang labis na kasiyahan habang pinupunasan ang maduming ceiling fan sa kisame. Pumipito pa ito at paminsan minsan ay kumakanta pa. Samantalang ako naman ay abala sa pag lilinis ng maliit na kusina at baradong lababo. Bagamat busy ako sa aking ginagawa ay palihim pa rin akong sumusulyap sa kanyang kinalalagyan habang naka hubad ito at abala sa pag pupunas ng elisi ng ceiling fan sa kisame.

Habang nasa ganoong pag lilinis kami ay bigla na lamang sumigaw itong si Raul at tinawag ang isang kaibigan paraan sa kalsada. "Woi pareng Johan! Bagong motor mo ahh! Asteg! Tang ina gandan niyan ahhh! San mo nakulimbat?!" ang sigaw nito sa lalaking huminto na naka motor.

"Tang ina mo pare, bagong kwarto mo ba yan? Umaasenso ka na yata!! Maganda ba motor ko? Give away lang ito dahil naging goodboy ako. Nag ligtas ako ng isang tatanga tangang lalaki doon sa bayan malapit sa sumabog na gasolinahan. Eh yon natuwa sakin ang mga magulang kaya binigyan ako ng pera. Iba na talaga goodboy ngayon!" ang sigaw naman ng lalaking nakasakay sa motor habang naka ngisi ito. Gwapo rin ang lalaking ito at halos hindi nalalayo ang itsura kay Raul.

"Tang ina mo di ka naman good boy eh. Good boyin mo burat mo! Hahaha." ang muling sigaw ni Raul sabay tawa ng malakas. "Hayop! Good boy ako! Halika eto balato mo! Pambili ng sigarilyo!" ang sagot naman ni Johan at humugot ito ng pera sa kanyang bulsa kaya naman nilapitan siya ng pobreng tambay.

Halos pinag mamasdan ko ang kanilang pag uusap. Tawanan dito at batukan doon ang kanilang ginagawa. Mukha silang mga artistang tambay doon sa tapat ng waiting shed kaya naman lahat ng mga nadadaang babae, lalaki o bakla ay napapatingin sa kanilang dalawa. Pareho silang tisoy, may matangos na ilong, may magandang katawan ngunit mas matangkad lamang ng kaunti si Raul kaysa kay Johan na noon ay naka baba sa kanyang motor. Ilang minuto rin silang nag uusap habang sabay na bumubuga ng usok galing sa hinihitit nilang sigarilyo. At paminsan minsan ay nag papaligsahan pa sila ng pag papalabas ng usok sa kanilang bibig na animo tambutso ng sasakyan. Pasalamat na lamang sila at mga gwapo sila, hindi sila mapag kakamalang sunog baga ng taon.

Makalipas ang ilang minuto, muling bumalik si Raul sa loob ng silid at ipinag patuloy ang kanyang ginawang pag lilinis dito. Hindi ko naman siya kinibo at tinatanong man lang kung sino iyon, basta nag patay malisya lamang ako at nag focus sa aking ginagawang mag lilinis ng maliit na kusina

Tahimik ulit..

"Ang tahimik mo naman yata?" ang pag basag nito sa katahimikan.

Lumingon ako sa kanya at nag bitiw ng isang ngiting "ganito lang talaga ako kapag may ginagawa, tahimik at walang kibo. Ang nais ko kasi ay maging maayos ang aking trabaho kaya naka focus lang ako dito."

"Ganon ba? Gusto ko pa naman sanang mag pa kwento sa iyo."

"Anong kwento ba gusto mong marinig?" tanong ko naman

"Kahit ano basta maganda at nakaka bilib." sagot naman niya at bumaba ito sa silyang kanyang kinatatayuan sabay upo sa aking harapan upang makinig sa aking ibibida. "Oh bakit nandyan ka? Kailangan ba talaga ay lumapit ka sa akin?" ang natatawa kong tanong.

"Oo, para mas makita kita ng malapitan at mapag masdan ko yung reaksyon mo habang nag kukwento ka." sagot niya habang nag papa cute sa aking harapan.

Alyas Kanto BoyWhere stories live. Discover now