Alyas Kanto BoyPart 4

14K 411 26
                                    

Alyas Kanto Boy

AiTenshi

Part 4

Noong hapon din iyon ay ipinakilala ko si Raul kila mama at papa. Syempre ay sinabi ko ang totoo na kanila, na wala itong matuluyan kagabi kaya't nag magandang loob akong tulungan siya. Ayoko naman kasing isipin nila na namimick up ako ng tambay sa kanto para iuwi dito sa bahay. "matagal ko na po kakilala itong si Raul, dati po siyang barangay tanod doon sa compound nila. Kaso ay napilitan siyang mag resign dahil masyadong peligroso ang trabahong iyon para sa kanya dahil palagi daw siyang nakaka engkwentro ng mga drug adik na tambay doon." ang pag sisinungaling ko kaya naman halos kumunot ang noo ni Raul habang nag iimbento ako ng kwento upang maging mabango siya sa harap ng mga magulang ko. "Tol, anong pinag sasabi mo? Hindi naman tanod!" ang bulong nito kaya naman tinapakan ko ang kanyang paa na ibig sabihin ay manahimik nalang siya at sumakay sa usapan. "Arekup, oo nga pala barangay tanod ako hehehe." ang wika naman niya habang napapakamot sa ulo.

"Parehong pareho pala kayo nito si Greg, mahilig din iyang mag serbisyo at tumulong sa kapwa niya. Ang totoo ay mayroon nga iyang club na ang layon ay mapanatili ang seguridad at kaayusan sa kanilang paarlan. Hindi na ako nag tataka kung bakit naging mag kaibigan kayo. Pareho pala kayong mapag kawang gawa ng aking anak." ang wika ni mama habang inilalapag ang kanyang binake na apple pie sa lamesa.

Noong mga sandaling iyon ay hinayaan ko na lamang mag kwento si Raul sa aking mga magulang. Magalang naman ito at panatag akon hindi ako mapapahiya. Nakakatuwa lamang dahil bigla itong nag transform sa isang kagalang galang na tupa habang kausap sina mama at papa. Lahat ay isinalaysay niya pati na rin ang tungkol sa kanya mga yumaong magulang kaya naman halos maiyak si mama dahil damang dama niya ang malungkot pag sasalaysay nito. "16 years old po ako noong pumanaw ang aking mga magulang sa mag kasunod na buwan kaya't hindi na rin ako nakapag tapos ng pag aaral. Palipat lipat ako ng tirahan hanggang sa mapadpad ako doon sa compound ng sitio Bagong Buhay. Marami na rin akong pinasukang trabaho at ilan dito ay pa extra extra lamang ako. Basta't sapat lamang ang kinikita ko upang ipang laman sa aking sikmura sa araw araw. At ngayon ay 23 anyos na ako, ganoon pa rin ang buhay ko at walang pag babago. Mukha yatang hindi pumapanig ang pag kakataon sa akin." ang nakalulungkot na salaysay ni Raul.

"Kung wala kang matutuluyan, maaari kang manatili dito hangga't gusto mo o kaya naman ay mayroon akong paupahang apartment sa inyong compound, mayroong isang bakanteng kwarto doon na maaari mong tuluyan. Huwag kang mag aalala dahil libre iyon. Maliit na silid lamang iyon ngunit mayroon nang kuryente at tubig." ang wika ni papa na hindi rin maitago ang awa sa pobreng tambay at agad naman iyong sinang-ayunan ni mama.

"Pa, iyon ang silid ni Myron. Bakit iyon pa?" pag tutol ko naman.

"Anak, matagal nang bakante ang silid na iyon. Apat na buwan bago pumanaw si Myron ay nilisan na niya iyon dahil lumipat siya ng condominium." wika ni Papa.

"Pero nandoon pa rin ang alala ni Myron at hangga't maaari ay ayaw ko itong ipagalaw."

"Anak, matagal na panahon nang walang gumagamit ng silid na iyon. At saka, paano ka makaka limot kung ayaw mong bitawan ang mga bagay na nag papahirap saiyo? Kailangan ay mag simula kang iwaksi ang lahat ng bagay na maaaring mag pa alala sa iyo ng nakaraan. May mga bagay sa mundo ang hindi mo maaaring pasanin habambuhay, kaya't dapat ay matuto kang ibaba ang pasaning ito at lumakad ka ng matuwid patungo sa kaligayahan. Para siyo rin ito kaya't nakapag pasya na ako, doon titira itong kaibigan mo, at huwag mo sanang suwayin iyon." ang wika ni papa.

May magagawa pa ba ko? Hindi ko naman maaaring suwayin si papa kaya't kahit tutol ako ay wala pa rin akong magagawa sa kanilang desisyon. At pag katapos pag usapan ang lilipatan ni Raul, nag pasalamat ito sa aking mga magulang dahil sa ginawang pag tulong sa kanya. Agad naman kaming umakyat ng silid upang ihanda ang kanyang mga gamit. "Tol, ayos lang naman sa akin kung humanap nalang tayo ng ibang matutuluyan ko, kung talagang hindi pwede doon sa ibinibigay ng mga magulang mo." wika ni Raul habang inaayos ang gamit sa knapsack

Alyas Kanto BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon