Alyas Kanto Boy Part 3

14K 432 26
                                    

Alyas Kanto Boy

AiTenshi

Part 3

Noong marating namin ang bahay, agad binuksan ng mga kasambahay ang tarangkahan. Agad kaming pumasok ni Raul sa loob at hawak ko ang kanyang braso na tila batang mawawala sa gitna ng daan. Pero ang totoo nun ay nahihilo lamang ako sa dami ng aking nainom kaya naka kapit ako sa kanyang katawan habang bakas na bakas sa mukha nito ang labis na pag kamangha sa laki ng aming bahay. "Grabe ang yaman mo pala tol." ang bulong nito habang iniikot ang mata sa buong paligid. "Si papa at mama ang mayaman, hindi ako." tugon ko naman. "Ganoon na rin iyon." muli nyang bulong habang pumapasok sa loob ng sala.

"Kumain ka na ba?" muli kong tanong dahil naririnig ko ang sikmura niyang nag aalburuto ba sa gutom. "Hindi pa, pero ayos lang. Sanay naman akong hindi nag hahapunan. Ikaw kasi e ginising mo pa ako pati tuloy bituka ko ay nagising din." sagot niya sabay ngiti. "Dapat nga ay hindi na kita papaki alaman eh, nag kataon lamang na nahabag ako sa kalagayan mo. Kung hindi kita ginising marahil ay pinag pipiyestahan kana ng lamok doon sa gilid ng kalsada." wika ko habang pinag hahanda ito ng pag kain sa lamesa.

"Salamat, ang totoo nun ay kanina pa ako hindi kumakain." tugon nito habang nag huhugas ng kamay sa gripo. Umupo ito lamesa at kinamay ang kanin pati na rin ang ulam na inihaw na manok at pritong isda. Halos mabilaukan na ito sa laki ng kanyang mag subo, gutom na gutom at nanginginig pa ang mga kamay. Pansin na pansin din ang itsura nito habang kumakain, barakong barako ito at nakataas pa ang isang paa habang punong puno ng kanin ang bibig. "Ayaw mong kumain?" tanong nito noong makita niyang naka tingin ako sa kanya. "Sige, kumain ka lang. Galing ako sa birthday party ng kaibigan ko kaya busog pa ako." sagot ko habang inilalapit pa ang ibang ulam sa kanyang harapan.

Maya maya ay tumabi ito sa akin at ngumiti habang may laman ang kanyang bibig. Hindi ko alam ngunit parang natutuwa ako habang pinag mamasdan ko siyang kumain, kahit may pag ka salahula ay maganda pa ring pag masdan. Ang ibig kong sabihin ay gwapo pa rin ito kahit punong puno ng mumo ng kanin ng mukha. At habang nasa ganoong pag titig ako sa kanyang ginagawa, laking gulat ko noong makita ang kanyang kamay na naka lapit sa aking mukha, hawak ang kanin at ulam sa kanyang kamay. "Ngayon ko lang gagawin na subuan ang kapwa ko lalaki sa buong buhay ko Sana ay huwag mo akong ipahiya." ang naka ngiting salita nito habang nasa harapan ko pa rin ang pag kain sa kanyang kamay. "Grabe ang taong ito. Ngayon lamang ako susubuan ng isang lalaki gamit ang kanyang sariling kamay." bulong ko sa aking sarili kaya naman ibinuka ko ang aking bibig at isunubo ko ang pag kain sa kanyang kamay.

Ngumiti ito sa akin at pag katapos ay siya naman ang sumubo. Halin hinan ang kanyang ginawa hanggang sa maubos namin ang pag kain sa hapag kainan. "Nga pala, pasensya kana kung dito ako makikituloy ngayong gabi. Hindi na kasi ako nakabayad doon sa kwartong tinitirhan ko compound kaya pinalayas na nila ako. Wala naman akong matakbuhan dahil wala akong pamilya dito. Ang ilan sa mga kamag anak ko ay nasa probinsya. Ang mga magulang ko naman ay wala na. Si papa ay pumanaw sa isang kaguluhan sa compound at si mama naman ay hindi kinaya ang kalungkutan kaya't agad na sumunod ito sa aking ama. Wala silang iniwan sa akin kundi kalungkutan at ang kanilang pag kakautang sa ibang tao. Pero apat na taon na ang nakalipas noong mangyari iyon kaya't kahit papaano ay tanggap ko na rin." pag sasalaysay niya.

"Oh baka maiyak ka pa dyan. Halika na sa kwarto upang makapag pahinga na tayo. Mukhang tulog na rin sila mama at papa kaya't bukas kana nila makilala." ang tugon ko sabay bitiw ng isang matamis na ngiti bagamat labis akong nahahabag sa kanyang kalagayan.

Pag pasok namin sa aking silid, agad kong binuksan ang aircon at tv upang malibang siya. Ako naman ay abala sa pag kuha ng damit sa kabinet na maaari niyang suotin. Ang laking tao kasi nito ngunit sa palagay ko ay kasya naman ang ilan sa aking pambahay. "May dala ka bang damit? Ano bang laman ng bag mo?" pang uusisa ko habang nakatingin sa lumang knapsack na nakasukbit pa rin sa kanyang balikat. "Ilang damit ko at yung papel na iniwan sa akin ni Papa bago ito mamatay." sagot niya.

Alyas Kanto BoyWhere stories live. Discover now