Alyas Kanto Boy Part 2

16.8K 465 18
                                    

Cover by: Grey Dolan

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

Cover by: Grey Dolan

*********

Alyas Kanto Boy

AiTenshi


Part 2

Nanatili ako sa ganoong pag kakasalampak sa lupa ng mga ilang minuto bago ko namalayang inaalayan na pala ako Gary upang makatayo. Nawala na rin sa aking paningin si Raul at batid kong lumakad na ito papasok ng compound. Kung alam ko lang sanang ganito ang aking aabutin sana ay hindi ako bumaba ng taxi ngunit paniguradong hindi rin naman ako mapapakali dahil iisipin at iisipin ko si Gary at ang kanyang kalagayan. Nahiya lamang ako sa aking sarili dahil nagawa ko pang mag ilusyon habang palapit ito sa akin. Hindi ko tuloy namalayang susuntukin na pala akong ng tarantado na iyon. "Sorry kuya, nasuntok ka pa tuloy ni Raul sa mukha."ang wika ni Gary habang nag lalakad kami patungo sa sakayan ng taxi.

"Ayos lang iyon. Kung hindi ako dumating, malamang ay naupakan kana ng sira ulo na iyon. Kaya pala RAUL ang pangalan niya dahil siRAULo siya. Sumakay kana sa taxi at idadaan na kita sa inyo pauwi baka maya maya ay maharang ka na naman non. Sa susunod pag nakita mo siyang nakatambay dyan sa kanto ay umiwas kana upang hindi ka masaktan." payo ko naman bagamat kumikirot pa rin ang aking mukha.

"Masama po talaga si Raul at wala itong ginawa kundi mamerwisyo ng kapwa. Kapag may mga magagarang sasakyan na napapadpad dito sa compound ay ninanakawan niya o kaya naman ay bigla na lamang bubutasin ang gulong nito. Sangkot din siya pambubugbog ng isang bading sa kanto, nag nanakaw ng kable ng kuryente, nag nanakaw ng cellphone, ipad at ibebenta ito o kaya ay isasangla. At ang pinaka malala niyang ginawa ay nanasak ng isang kapwa niya tambay habang sila ay nag susugal." kwento ni Gary.

"Grabe naman pala dito sa compound niyo ang daming gulo. Kaya ikaw pag butihan mo ang pag aaral mo upang makahanap ka ng magandang trabaho at ialis mo ang nanay at tatay mo sa lugar na ito."

"Yun nga po ang ginagawa ko ngayon kuya Greg. Nag aaral akong mabuti para kay inay. Pero, huwag kang mag alala dahil sana'y naman ako sa kalakaran dito sa compound dahil dito ako lumaki. At marami po talagang mga sira ulo dito at mga mandurukot. Katulad nalang ni Raul na walang ginawa kundi maging pasaway."

"Kaya nga, dapat ay mag aral kang mabuti at sikapin mong huwag lumaking katulad nila. Hindi nakakadagdag ng pag kalalaki ang pagiging mayabang at basagulero, iyan ang tatandaan mo tol. Oh siya mag ingat ka."

Bumaba si Gary ng sasakyan at muli itong nag pasalamat dahil sa pag sagip ko sa kanya sa ikalawang pag kakataon. Pag dating ko sa bahay ay agad kong pinatungan ng ice bag ang aking mukha dahil namamaga ang pasa dito. Nag marka ito sa aking sintido kaya't halos mahilo ako sa lakas ng kanya suntok. "Anong nangyari sa mukha mo?" ang tanong ni Mama habang pinag hahanda ako ng pag kain. "Wala ma, nag karoon kasi ng rayot sa paaralan kanina, isa ako sa umawat kaya nahagip din ako suntok noong nag aaway." ang kwento ko naman bagamat hindi naman talaga iyon ang dahilan ng pag kakaroon ng pasa sa mukha.

Alyas Kanto BoyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora