Chapter 14; The Clash of the Pranksters

100 3 20
                                    

Mark's POV

"Got7!! Gising na! Papasok pa tayo sa school!" Maingay na sabi ni Leader. Aish! Pagod pa ako! Nagtakip muna ko sa ulo ng unan para kahit papaano ay maibsan ang ingay.

"5 more minutes." Sigaw ni Jr mula sa tabi ko dahil dito na kami nakatulog sa living room ni Jb. Naging tahimik muna ng isang saglit hanggang sa may sumigaw.

"Waaaaaahhh ang ginaw!" At si Jr ang sumigaw nun kaya napabangon kaming lahat dahil pag hindi, bubuhusan din kami ni Leader ng malamg na tubig. Yup, ganyan siya kapag nanggigisng.

"Jb naman!" Reklamo ni Jr at tumayo na sa pagkakahiga niya.

"May 30 minutes nalang kayo para magprepare. Go!" Sigaw ni Jb na naging dahilan para magmadali kami. Buti nalang at may tatlong cr dito sa unit ni Jb. Isa malapit sa kusina kung saan naliligo si Jr ngayon at tig-iisa naman sa dalawang kwarto. Si Jb ngayon? Ayun, nagluluto ng breakfast, o diba ang bait?

***

Tapos na kaming lahat at kasalukuyang papasok na ng university nang biglang...

"Mauna na kayo, susundun ko pa si Gabbie." Pagpapaalam ni Jb.

"Anong nakain mo!?" Sabay naming tanong ni Jr. Mukhang si Bambam lang naman ang hindi nagulat.

"Ako din, susunduin ko pa si Rhyca." Woah! Pati si Bambam?

"Sabay nalang tayong apat!" Pag-babasakali ko.

"Oo nga naman Jb, on the way naman ang bahay nina Gabbie kaya okay lang na magsabay tayo tsaka Bambam taga-Makati si Rhyca kaya mukhang na sa university na yun dahil kailangan nyang agahan dahil sa traffic." Pag-agree ni Jr sa suggestion ko. At dahil open-minded si Jb, pumayag nalang siya. Oh yeah, sasakay kami sa convertible ni Bambam!

***
Nandito na kami sa university at hindi namin kasama si Gabbie dahil na una na daw siya dito. Kaya Got4 muna kami ngayon huahuahua. Woah, ang laki din ng university ah. Tsaka ang daming nagbubulungan habang dumadaan kami sa hall way. Sikat din pala kami dito sa Pilipinas?

***
Tapos na akong mag-pakilala sa harapan ng mga bago kong classmates kaya ngayon, naghahanap ako kung sino ang bibigyan ko ng prank. Kasalukuyan akong nag pupunit ng papel at binibilog ito para ready to take off na. Tyempo namang may dumating na late student.

"Ms. Laiza Ramirez! Ngayon ka na nga lang magpapakita for the whole week tapos late ka pa?!" Sigaw ng prof. Ang harsh ng prof dito ah. Yung Laiza naman, parang wala lang. Sanay na atang masigawan.

"Jb, anong meron jan sa babaeng may straight at mahabang buhok, maputi, di masyadong payat, mga 5'4 ang height, tapos napakaitim naman ang aura." Tanong ko kay Jb. Nagkibit balikat lang siya kaya wala na akong magawa kundi ang batuhin ang Laiza na yun ng papel na kanina ko pa binibilog. Mukha naman siyang nagulat dahil lumingon sa likod niya pero ako? Parang walang ginawa dahil pagarte ko ng pa inosente.

"Hala! Ba't mo binato si Laiza?!" Tanong sa akin ni Gabbie. Halatang nagulat din siya pero pabulong niya yung sinabi para walang makarinig. Ano bang kinaktakutan niya? Oh come on! Napakaliit lang ng prank na yun tapos matatakot agad siya?

"Bakit, hindi ba pwede?" Pa-inosente ko namang tanong.

"Huwag mo nalang siyang guluhin kung ayaw mong magantihan." Maingat na sabi ni Gabbie. Pagbabanta ba yun? Kasi hindi ako natakot.

"Bakit?" At ako naman parang sira sa kakatanong.

"She is the famous ultimate girl prankster." Sabi ni Gabbie na parang namamangha. So, ano ngayon?

Hindi parin ako tumitigil sa pagiisip ng paraan para mabigyan ulit ng prank yung Laiza at dahil genius ako, pumunta agad ako sa harapan nung nagring ang bell tsaka umupo sa isang upuan sa doon kung saan sa pagtatantsya ko ay doon din dadaan si Laiza. Nagkukunwari akong nakikipagusap sa isang babae na nakaupo din doon tsaka nung dadaan na siya ay nagready to take off na ang paa ko.
In 5...
4...
3...
2...
1...

Boom!

Muntik na niyang mahalikan ang sahig. Pfft. Hahaha

"Opps, sorry." Sabi ko at tumayo na tsaka umalis. But deep in side, I am already laughing. Hahaha

"Mark, ba't ang tagal mo?" Tanong sa akin ni Bambam.

"Haish, Miss niyo na agad ako? Tsk Tsk." Sabi ko habang nakangiti. Excited na ako sa susunod kong prank.

"Ba't ang laki ng ngiti mo Mark? Huwag mong sabihing ikaw ang pumatid kay Laiza kaya siya napahiya kanina?" Tanong ni Gabbie sa akin.

"Hahaha, you got me right. Teka, asan na pala si Jr?" Saan na yun pumunta? Iniwan ako?

"Here! tinawagan ko lang ang genie ko." Biglang sulpot ni Jr out of no where.

"Hoy! Asungot! Ano na naman ha? Kung naghihirap ka at wala kang pera pangsweldo para may personal yaya ka, sana sinabi mo nalang sa akin para pahiramin nalang kita! hindi itong ginugulo mo ako!" Sabi ng isang magandang babae na naka dress pa na sumisigaw na parang baliw at mukhang siya ang sinasabing genie ni Jr. Mukhang mayaman nga.

"Oo nga no! Thanks to you, my two wishes na ako. The first one is, you will be my tail kaya kung nasaan ako, nandun ka rin. My second wish is susundin mo lahat ng gusto ko sa ayaw at sa gusto mo." Sabi ni Jr. Mukhang seryoso talaga siya genie thingy na ' to ah. Si Genie naman mukhang sasabog na sa galit.

"Oookkay, pwede na ba kaming umalis?" Sabi ni Rhyca at kinakalabit si Gabbie.

"Cafeteria muna tayo." Pag aaya ko sa kanila. Gutom na ako eh. Parang trip ko mag pasta ngayon.

So all set, kaming dalawa ni Jb ang bibili ng pagkain. Ouuuuuhhh ang sarap ng amoy ah.

"Ms, apat na order ng spaghetti." Sabi ko habang inabot yung bayad.

Hmmm ang bango. Kumakaway na si Bambam mula sa table namin. Kakaway na sana ako ng biglang natapon lahat ng spaghetti sa dibdib ko. Awwww ang init. Shit shit shit. Tiningnan ko kung sino ang tumapik ng tray na dinadala ko. Si Laiza pala at nag smirk pa. Tumakbo naman sina Bambam papunta sa akin at tinulungan akong linisin ang spaghetti mula sa shirt ko.

"Oh di ba? Ginantihan ka na agad? Anong sinabi ko sayo? Huwag ka munang maging kampante, hindi siya tumitigil hanggang hindi pa siya satisfied." Sabi ni Gabbie. Mukhang seryoso talaga siya sa sinabi niya kanina. Pero sino ba yang Laiza na yan para katakutan ko? She's just a girl prankster. I swear, gaganti ako.

I met my girl (got7 fanfic)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang