Chapter 71: Taking chances

34 3 76
                                    

Mark's POV

Pvtangna kayong lahaaaaat huahuahua.

Nasa isip ko habang inaayos ang panibago kong prank para sa mga utol ko. GG kayo saken mamaya huahuahua.

Well, simple lang naman tong prank ko, simula sa pinto ay may babagsak na eraser ng black board . Headshot pag nagkaganun na may kasama pang pulbo ng chalk *evil laugh* tapos mamaya ko na gagawin ang phase 2 *le smirks*

Blaaag!

Di pa ako nakapwesto sa upuan ko ay nakita kong sinipa ni Laiza ang pinto papasok sabay salo ng eraser na di man lang nataranta.

"Ano ba naman yan Mark! Prank mo panis na. Tsk tsk." Sabi niya at akmang ilalagay pabalik ang eraser sa lalagyan pero amputs sa akin lumanding ang eraser huehue. Para tuloy naligo ng pulbo ang damit ko.

"Ba't mo na naman kasi sinira prank ko? Di naman para sa'yo yan e." Pabulong kong sabi.

"Ano binubulong mo?"

Aruy narinig ata ni bebe. Langya ang korny ko.

"Wala, ang sabi ko, ganda mong lalaki."

"G*go to. Ano sapakan nalang o?" Paghahamon ni Laiza. Kahit kailan talaga pa siga siga e.

"Hoy tama na yang pag chansing mo kay Laiza, Mark!" Biglang sigaw ni Jackson. Dumating na pala ang mga kumag. Too late, wala na ang prank ko.

"Mark, may naghahanap sayo sa labas. Chics." Sabi ni Junior sabay kindat pa. Ulol.

Ako naman tong nauto. Tumayo agad pero bago paman ako makalayo. Bumulong muna ako kay Laiza.

"Flat." Tanging sabi ko at tuluyan na siyang namula.

Hahahaha ang kyot e.

Booogsh!

"Laiza for the wiiiiin!" Pag ch-cheer pa ni jackson.

Amputs nakatanggap ako ng isang mabagsik na batok mula kay Laiza. Akala ko pa naman namula siya dahil sa kilig. Yun pala, galit ang dahilan.

Di ko nalang pinansin ang tawanan nila at pumunta na sa labas para harapin yung sinasabing naghahanap sa akin.

"Anong atin?" Pagpapacute ko sa babae.

"Sino ka?" Tanong niya.

What? Sino daw ako? Akala ko ba siya naghahanap sa akin?

"Aba'y ewan ko. Ikaw tong naghahanap sakin e." Sagot ko.

"Sorry pero di ikaw hinahanap ko." Tanging sabi niya sabay alis.

What the heck did just happen? Weird.

"Oy gyeom!" Tawag ko kay Yugyeom na parating.

"Gooood mewrning!" Pangungulit ko at inakbayan sya papasok.

"Anyeong." Tanging sabi niyang walang ka buhay buhay.

Napansin nina Jackson ang inaasta ni Gyeom kaya nagtanong sila ng pabulong. Tinanguan ko nalang bilang pagsagot. Di ko alam bakit e.

"Kumusta si Skye?" Careless na pagkakasabi ni Bambam. Abay tengene tong mokong nato nagka Rhyca lang ang insensitive na.

Inambahan namin lahat ng pabirong suntok si Bambam para patahimikin hahaha. Well except kay Yugyeom. Nasa sariling mundo pa e.

"Hyung..." Mangiyak ngiyak na sabi niya.

(Hyung- Older brother)

Nagka tinginan kaming 4 sa inasta ni gyeom. Wala pa si Jb at Youngjae e kaya lima muna kami ngayon.

"Nakabuntis ka gyeom!?" Biglang sabi ni Junior kaya naman nakatanggap ng tig iisang pambabatok mula sa amin. Ang advance mag isip e.

"Mabubulag na si Skye." Tanging sagot ni gyeom habang umiiyak. Isip bata e. Mabubulang lang pa-

"Mwo!?" Sabay sabay naming sabi.

(Mwo- What)

"Teka pano nangyari yun? Aksidente o sakit niya talaga?" Naguguluhang sabi ni Jackson.

"Oo nga gyeom, baka di totoo yan ah." Sabi ko naman.

"Tatay niya may sabi sakin." Pagpapatunay ni gyeom.

Natahimik kaming lahat at napaisip. Hindi nga madali pinag dadaanan ni Gyeom at Skye ngayon.

"O ba't nandito ka pa?" Lahat kami napatingin sa biglang nagsalita na si Laiza.

"Ano tinitingin niyo jan?" Pasiga niyang sagot. Lahat kami nag iwas ng tingin. Takot lang namin kay Laiza e.

"Puntahan mo na si Skye ulol. Sulitin mo ang panahong nakakakita pa siya. Di yang iiyak iyak ka diyan. Tanga mo bro." Baling ni Laiza kay gyeom.

Biglang parang natauhan si Gyeom at nagmamadaling tumayo at tumakbo palabas.

"Salamat Laiza noona!" Sabi niya bago tuluyang makalabas. G*go to. Mag pa finger heart pa sa bebe ko e. Mapapatay ko to mamaya. Hehe joke lang.

"Ano ba yan Laiza, tinuruan mong mag absent maknae namin e." Pagmamaktol ni Jackson.

"Sapak gusto mo?" Paghahamon ni Laiza.

"Mark o, si Laiza mananapak." Pagsusumbong ni Jackson sakin pero sinagot ko nalang ng ngiti.

That's my girl.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I met my girl (got7 fanfic)Where stories live. Discover now