Chapter 29: 3rd wheel

45 2 7
                                    

Gabbie's Pov

Kailan kaya magiging pink ang puting kesame? Siguro after 2 hours kong pagtitig sa kanya -,- Bored na kasi akoooo. As in. Di ko na kaya. Nalibot na yata ng panigin ko ang bawat sulok ng kwarto ko dahil sa pagkakainip ko. Magtext kaya ako kay Rhyca? Pero baka busy yun kasama si Bambam. Huhu. Si Jb kaya? Nooooo. Hindi ko pwede itext yun. Magmukha pa akong clingy.

Papunta sana akong banyo nang tumunog yung phone ko. Dali dali ko namang yung lapitan at tiningnan kung sino ang nagtext.

From: Rhyca

Gabbie, buhay ka pa ba? Punta ka sa condo ko. Dala ka ng foods.

--

Napangiti naman ako habang binabasa yun. Agad ko naman yung nireplyan.

To: Rhyca

Sira! May ganyan ganyan kapa. Haha. Papunta na ako diyan.

--

Agad ako nag bihis pagkatext ko sa kanya at ready to go naaaa. Sa wakas, hindi magiging boring 'tong saturday ko.

Nagpaalam naman ako kay Mama tsaka tuluyan nang bumiyahe papunta sa condo ni Rhyca.

Bago  ako tuluyang makasakay sa taxi na pinara ko ay kinuha ko muna yung plate number nito at tinext kay mama. Para makasigurado akong safe yun. Baka ma kidnap pa ako tapos ibenta yung laman loob ko or worse gahasain pa ako. Nooooo. Okay exage na -,- Nakagawian ko na 'to kapag sumasakay ng taxi. Laging nasa pintuan yung kamay ko para ready to open na at tatalon nalang ako pag may nangyari nga. Binabantayan ko naman yung kinikilos ng mamang driver kung may kakaiba nga. Sa kabutihang palad, wala pa naman. Ganyan lang ako sa buong biyahe ko, palaging nagmamatyag.

Pagkababa ko agad sa taxi na yun ay parang nakalaya na ng tuluyan yung kaluluwa ko. Hoho! Buhay pa ako! Okay, exagerated na naman ako.

Dumaan muna ako sa isang pizza parlor bago dali daling pumunta sa unit ni Rhyca. Oh my. Naabutan ko naman siyang gumagawa mg milagro. De joke lang, kasalukuyan pa akong nag d-door bell.

"Grabe. Ilang taon akong nag intay para buksan mo ako." Sabi ng pagkabukas niya sa pinto. Syempre, inexagerate ko lang yun. Mga 4 minutes siguro bago niya ako pinagbukasan -,-

"Oa naman nito. Lika na nga." Sabi niya habang umiirap at tumatawa. Eh? Ano na? Eto na ba ang epekto ni Bambam?

"May utang ka pa sa akin. Di mo pa naikukwento yung nangyari sa inyo ni Bambam." Sabi ko sabay lapag ng dala kong pizza sa center table niya.

"Sira, wala lang yun." Sagot naman niya. 

"Anong wala? Lokohin mo sarili mo Rhyca. Ba't may flower flower pa yun?" Sabi ko sabay taas baba ng kilay ko.

"Fine! Nanliligaw siya." Sabi niya at umirap na naman pero patagong ngumiti. Ganern?

"Oh my.  Akala ko ba ayaw mong magpaligaw?"

"Ang kulit kasi eh. Sinabi ko namang ayoko pero di pa rin tumitigil. Tsaka anong ako lang? Ikaw rin naman ah! Ano na kayo ni Jb?!" Sabi niya sabay dinuduro pa ako.

"Huh? Ahhh. A-ano. Ang sarap ng pizza!" Sabi ko sabay kumagat ng pizza. Nakakahiyang sabihin eh. Hehe.

Magsasalita pa sana siya ng may nag door bell. Hoho! Save by the bell! Ang swerte ko talaga ngayon. Bukod sa di ako nakidnap kanina, na save by the bell pa ako ngayon.

"Oyy Rhyca! May coke ka ba sa r--..." Sigaw ko kay Rhyca pero napanganga ako ng nakita kung sino ang nasa harapan ko. Oh lala.

"Bambam? Ba't nandito ka? Ah, I mean, may lakad kayo ni Rhyca?" Nininerbyos kong tanong. Nakakahiya yun kanina. Sumigaw pa ako ng ubod na lakas yung pang megaphone na tapos nasa harapan ko pa si Bambam na kaibigan ni Jb. Lupa, want some food? Pwede mo na akong kainin dahil sa kahihiyan ko.

"Wala naman. Napagpasyahan ko lang na dalawin si Rhyca. May lakad ba kayo? Naka istorbo ba ako?"

Huh? Anong pinagsasabi nito? Ahh. Tinanong ko pala siya kanina. Busy ako kakaisip kung gaano ako nahiya kanina eh -,-

"Ha? Ah. Wala naman. Hindi naman." Tanging nasabi ko. Ano ba? Ba't di ako nakakapagsalita ng maayos?

Ayun nakita ko na si Rhyca na may dalang bouquet ng pink roses. Naglalaway na ako sa pink roses. Gusto ko kaya ng pinkkkkk. Huhu. Ang swerte ni Rhyca at may Bambam siyang nagbibigay ng bulaklak. Eh ako? Nah. Wag nalang kayong magtanong. De joke lang. Sweet naman si Jb in his own way kahit medyo suplado at rude talaga yung lokong yun.

"Gab, okay lang ba na nandito si Bambam. Di ko nga alam ba't yan naligaw dito." Sabi ni Rhyca habang naka poker face. Amp. Kunwari di gusto kahit masayang masaya dahil nandito si Bambam. Ito talagang si Rhyca haha.

"Sure. Mas marami mas masaya." Sabi ko sa kanya.

~30 minutes later~

Ang saya, nila. -,- Nagk-kwentuhan sila pero OP naman ako kaya kanina ko pa tinikom yung bibig ko. Sa sobrang bait ko makakakuha nga ako nito mg award. Ang dakilang 3rd wheel.

Kung saan masaya yung bespren ko, masaya na din ako. Tingan niyo, ang Rhyca na hindi malapitan ng lalaki noon ay napalitan na ng bagong Rhyca na nalalapitan na nga, nakakausap pa. Good transformation yun, natutunan na din niya sa wakas ang mamigay ng chance. Wag lang sirain nitong Bambam na'to. Pag nagkataon, sisirain ko talaga ang mukha niya. Kahit na kaibigan pa siya ni Jb at isang sikat na kpop idol, hindi ko siya aatrasan. Hmp.

Panahon sa sigurong maghanap ako ng madadamay sa pagiging third wheel ko. Hoho! Matawagan nga si Sybelle. Hoho.

I met my girl (got7 fanfic)Where stories live. Discover now