Chapter 44: Someone is Insecure

53 3 4
                                    

Yugyeom's Pov

Kanina pa namin tinititigan sila Mark hyung. Ang sweet nila! Nakakainggit huhu. Akalain mong nagtitigan lang sila hanggang sa dumating ang prof namin. May pangiti ngiti pang nalalaman eh. Kung hindi nga lang dumating ang prof, baka nga dun na siya magdamagan.

Buti nalang talaga at dumating ang prof namin dahil natauhan na si Mark hyung at umupo kung saan dapat talaga siyang umupo. Kawawa nga yung lalaking nag mamayari sa armchair na inuupuan ni Mark hyung, kanina pa kasi nakatayo at di man lang pinansin ni Mark hyung. Swerte nga naman sila dahil hindi yung terror teacher namin na kalbo ang dumating. Baka kasi pagalitan sila Mark hyung at Laiza noona sa nakakalat na langgam na naidulot ng kanilang matamis na titigan. Hmm corny. Ang aga aga eh, mukhang bati na nga sila. At mukhang hindi lang bati ah, parang may namumuo nang ano eh. Yung ano, basta yung ano. Haha.

Hays. Napatingin naman ako kay Skye. Kailan ko kaya siya pwedeng ligawan?

Naman kasi eh, bakit ba kasi ako pumayag na friends lang kami? Na friendzoned tuloy ako. Sarap nga hanapin yung taong nagimbento ng salitang friendzoned, sarap niyang kutusan. Hehe, pasensya naman, masakit kaya ma friendzoned.

Pero titigil lang ba ako dahil sa friendzoned na yan? Siguro kaibigan lang muna kami ngayon. Hindi muna ako magpapadalos dalos gaya ng sabi ng mga hyung ko.

Dumaan ang isa pang subject at recess na. Napansin ko naman na nag kanya kanya na sila. Sina Jb hyung, Bambam at Junior hyung, at sumama kina Gabbie, Rhyca, at Sybelle. Si Mark hyung, ayun, sinosolo si Laiza noona. Sina Youngjae at Jackson ang magkasama, hindi pumapag-ibig eh.

At ako? Gusto ko lang naman makasama si Skye.

"Anyeong!" Biglang sulpot ko sa likod ni Skye at kinalabit siya.

"H-ha? Ahh. Hi?" Sabi ni Skye at napayuko.

Bago paman niya mahawakan ang bag niya, agad ko na itong inagaw.

"Ako na magdadala." Sabi ko.

"Ha? Ah, ako nalang po." Sabi naman niya.

"Ako na pleaseeee?" Ewan ko lang kung effective pero inipon ko na lahat ng cuteness ko at nagpacute sa kanya.

"Okay." Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit na simpleng okay lang yun, nakangiting wagi parin ako.

Dinala ko siya sa garden ng university. Baka naman kasi magkita kami nina hyung at asarin ako pag sa cafeteria kami pumunta.

Meron namang mga tables dun na gawa sa cemento kaya okay na okay talagang nandito kami.

"Skye, bibili lang ako ng pagkain ha? Huwag kang umalis." Sabi ko sakanya at nag pout.

"Okay." Sabi niya at ngumiti.

Hays, nakakataba nga naman ng puso. Ngumiti ka lang ng ganyan palagi Skye, buong buo na araw ko. Mukhang ayaw ko na nga bumuli ng pagkain eh, kasi mukhang ngiti mo palang busog na ako.

"Ahh, di ka pa po aalis?" Napakurap ako nang nagsalita siya ulit.

Hala, di pa pala ako umaalis. Yung smile mo kasi Skye eh, nakakadistract. Nagsmile nalang ako bago tumakbo papuntang Cafeteria.

Nagmistula akong the flash dahil sa pagmamadali ko. Swerte nga't hindi nalaglag 'tong mga binili ko.

Agad agad akong bumalik sa garden at naabutang nagbabasa si Skye. Naramdaman siguro niyang nandito na ako dahil nilingon niya ako. Nabigla ako nang lumaki ang mga mata niya sabay ngiti ng abot tenga.

"Chuckieeeeee!" Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat. Hindi ko inaasahang sisigaw siya na parang bata.

"Ah, eh, sorry. Hehe. Paborito ko po kasi yan eh." Sabi niya na bakas sa mukha na nahihiya pa siya.

"Talaga? Ako din eh! Paborito ko din 'to!" Masayang sagot ko.

"Talaga?" Nagliwanag ang mukha niya dahil sa pagngiti niya ulit.

Tumango naman ako bilang sagot.

Agad kong binuksan ang plastic ng straw at sinaksak sa box tsaka ito binigay sa kanya. Napangiti naman siya at nagpasalamat.

Tahimik kaming umiinom nang nagsalita siya ulit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tahimik kaming umiinom nang nagsalita siya ulit.

"Gyeom, unahan tayo sa pag ubos?" Nasamid ako dun. Di ko inaasahan na sasabihin niya yun.

Tumango ako ng masaya dahil sa sinabi niya. Kaya ayun nagunahan kami.

*cough* *cough*

"Skye, okay ka lang? Ito may panyo ako." Natataranta kong sabi sabay abot ng panyo ko.

"Hahahahaha. Okay lang ako. Haha. Panalo ako! Ubos na yung akin." Masayang sabi niya habang tumatawa pa sabay yugyog ng box na nagpapatunay na ubos na talaga.

"Oy, ako kaya ang nauna. Naubo ka lang eh kaya nakalimutan ko saglit. Ang daya mo." Sabi ko at nag pout.

"Eh ako yung unang nagsabi. Bleeeeh." Sabi niya at bumelat pa. Nagtawanan kami dahil sa ginawa niya.

"Grabe ng epekto ng chuckie sa'yo Skye ah." Natatawang sabi ko.

"Ha? Ah, ewan ko ba. Masaya lang ako pag umiinom ng Chuckie eh." Sabi niya at masayang ngumiti ulit.

"Huwag ka nang uminom ng Chuckie ulit ah." Sabi ko at mukhang naguguluhan siya dahil sa sinabi ko.

"Ha? Baket?"

"Kasi nagseselos ako eh." Sabi ko at nung narealize ko kung anong sinabi ko, tinamaan ako ng hiya.

Ano ba naman yan gyeom? Nagseselos ka kay Chuckie? Nababaliw ka na ba? Ba't mo naman pagseselosan ang isang donkey eh halata namang mas gwapo ka dun.

"Eh kasi naman gusto ko masaya ka din pagkasama ako at hindi lang dahil sa Chuckie." Sabi ko at nag pout.

"Hahaha. Okay, magiging masaya na ako pagkasama kita." Nakangiting sabi niya.

"Talaga?" Parang nabuhay ulit lahat ng dead cells ko sa katawan dahil sa sinabi niya.

"Oo naman, kaya nga kaibigan kita eh." Sabi niya at ngumiti.

Teka, tama ba yung narinig ko? Waaaah. Tama nga yun. Na friendzoned na naman ako. Huhu. Mashaket.

 Mashaket

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
I met my girl (got7 fanfic)Where stories live. Discover now