Chapter Twenty Five

11 2 0
                                    

We have a new book cover. Yes po, opo. Maraming-maraming salamat kay Panda Koala for this beautiful cover.

And yes, this not a drill. May update na po. Dedicated to banalnadilag thank you so much!

Enjoy reading~

Dal Hyun's PoV

'Use me all you want.'

'Use me all you want.'

'Use me all you want.'

Ang mga katagang 'yan ang paulit-ulit kong naririnig sa naalipas na ilang araw. Hindi ko alam ang ibig sabihin ni Haneul noon. Sinubukan kong alisin sa alaala ko 'yon. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makukulayan ko ang project ko. Oo, tama!

"Ano'ng oras daw ba tayo ngayon?" tanong ni Eunjoo na kalalabas lang sa kwarto niya at bagong ligo.

"Ang sabi nila ay ala-una daw," sagot ko.

"Maaga pa naman. Gusto mong kumain muna?" Naglakad siya papunta sa kusina. "Kuya brought dakgangjeong ang some saengseon gui with a bowl of ggakdugi kimchi. Want some?"

Hindi na ako sumagot. Tumayo ako at mabilis na naglakad papunta sa kusina. Nakahain na sa lamesa ang mga pagkain. Naupo na lang ako at hinintay na matapos si Eunjoo sa ginagawa niya.

"I didn't see him passed by," mahinang sambit ko.

"Oh yeah. Maaga siyang dumaan. Probably you're still asleep."

Nagsimula na kaming kumain habang patuloy siya sa pagkukwento. Ang totoo niyan ay paborito ko ang mga ito. At ngayon na lang ulit ako makakakain nito simula nang tumira kami dito.

Bigla namang pumasok sa isip ko si Young Jae. I haven't seen him for a while. Which is good for me. Hindi ko alam kung paano siyang haharapin.

"Hindi ka ba hinahanap sa trabaho mo? Ilang araw ka nang hindi pumapasok ah," biglang tanong ni Eunjoo.

"Nagpaalam naman ako sa kanila. Besides, may mga papalit naman sa akin at kailangan din daw nila 'yon."

"That's good. Pero bakit hindi mo na lang itigil?"

"Alam mo namang kailangan ko 'to para sa sarili ko."

Tinitigan niya lang ako pero hindi na siya ulit nagsalita. Maya-maya ay bumalik na rin siya sa pagkain niya.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako na maliligo. May isang oras pa naman kaya hindi ako nagmadali. Hinayaan ko ang katawan kong magbabad sa tubig. Agad ring nanumbalik sa isipan ko ang mga nangyari nitong nakaraang araw. Ang naging pag-uusap namin ni Doc. Lee, ang madalas na paglabas naming apat para sa projects namin, at ang naging pag-uusap namin ni Haneul.

'Use me all you want.'

Napa-iling ako nang maalala 'yon. Pinilit kong magmadali sa pagligo upang maiwasan nang maalala pa ang sinabi niyang 'yon. Ngunit nabigo ako. Ang mga ngiti at titig niya nang araw na mag-usap kami ay parang pinabagal ang oras at ang kilos ko. I let out a deep sigh in frustration. I need to control myself from anything.

Nang matapos akong maligo at makalabas ay ready na si Eunjoo. May dala pa itong isang bag na halos pumutok na sa sobrang daming laman.

"Ano naman 'yang mga dala mo?" tanong ko.

"Duh! Beach ang pupuntahan natin 'no!" asik  niya bago dumeretso palabas.

Ako naman ay mayroon ding dalang bag pero mga painting materials lang ang nandito. Hindi naman namin kailangang magtagal doon dahil project ang ipinunta namin at hindi outing.

You All Over Me (BxB)Onde histórias criam vida. Descubra agora