Chapter Forty Two

14 0 0
                                    

Eunjoo's PoV

I have never seen Dal Hyun smile like this for almost three years. Hindi ko na rin nga naisip na muli ko siyang makikitang ganito kasaya. Iyong hindi pilit at totoong-totoo.

Watching him spend some time with Haneul makes me wonder. Maybe Haneul could be the reason for Dal Hyun's changes? May gusto na ba ang kaibigan ko kay Haneul? Hindi naman malabong mangyari 'yon. Gwapo naman si Haneul. Matangkad, matangos ang ilong, at manipis ang mapula niyang mga labi. Ang singkit niyang mata ay nakaaagaw ng atensiyon, dumagdag pa ang itim na itim nitong kulay.

"Ya! What are you thinking?" Napaigtad naman ako sa gulat dahil sa biglaang pagsigaw ni Chen.

Sinamaan ko siya ng tingin na tinawanan niya lang naman. Kanina pa siya nangungulit at tanong nang tanong tungkol kay Dal Hyun. Ang iba ay sinasagot ko at iba naman ay hindi. Hindi naman lahat kailangan kong ipaalam sa kaniya. At ang pangit din naman tingnan kung sa akin pa manggagaling ang mga 'yon.

"Puwede bang huwag kang bigla-biglang sumisigaw?" asik ko sa kaniya.

"Kanina mo pa akong tinatarayan, ha!" Sinimangutan niya ako na parang batang aping-api.

"Itigil mo na 'yan. Hindi naman bagay sa 'yo!" singhal ko sa kaniya.

"Bakit ba kasi ikaw pa ang ka-partner ko? Puwede namang kami na lang ni Dal Hyun e," reklamo niya.

"Wala kang magagawa. Tsaka, ano namang mapapala sa 'yo ng kaibigan ko? Hindi mo ba nakikitang nag-e-enjoy siyang kasama si Haneul?" ani ko.

"Kaya ko rin naman siyang pasayahin, ah?" tugon ni Chen.

"Huwag ka nang umasa. Hindi mo siya mapasasaya katulad ng ginagawa ni Haneul ngayon," singhal ko.

"Ah, basta!" asik niya. Nagtabog pa siya na parang bata palayo sa akin.

Kahit kailan ay may baltik talaga ang isang 'to. Hindi ako makapaniwalang naging kaibigan siya ni Haneul. Magkaibang-magkaiba sila ng ugali.

Muli kong ibinalik ang tingin kina Haneul at Dal Hyun. Katatapos lang nila sa booth na may pinapatamaang target gamit ang laruang baril. Mukhang nanalo sila dahil may yakap-yakap si Haneul na isang malaking teddy bear.

Pinagmasdan ko silang mabuti. Ibang-ibang Haneul at Dal Hyun ang nakikita ko ngayon. Masayahin na si Haneul noon pa man, pero iba ang saya niya ngayon. Para siyang isang batang paslit na isinama ng mga magulang dito. I've never seen him act like that before. At si Dal Hyun pa talaga ang kasama niya. Sa kabilang banda naman ay ang kaibigan kong bato. Napapansin ko mula sa pwesto namin ang mga patagong pagsulyap at pagtitig niya kay Haneul. Ang paminsan-minsan niyang pagngiti na ngayon ko na lang ulit nakita. Kahit sa akin nga, pilit lagi ang mga ngiti niya e.

"Hoy! Palayo na sila, oh!" sigaw ni Chen.

"Kanina ka pa sigaw nang sigaw ha. Puwede bang hinaan mo 'yang boses mo?" singhal ko sa kaniya.

Umuna na ako sa paglalakad para masundan sina Dal Hyun. Akala ko naman ay kung saan na sila pupunta, kakain lang pala.

"Eunjoo, hindi ka pa ba nagugutom? Kanina pa akong naiinggit sa dalawang 'yon e," biglang usal ni Chen. Hindi ko namalayan na nakasunod na rin pala siya sa akin.

Nang lingunin ko siya ay hindi siya sa akin nakatingin at hindi rin kina Dal Hyun. Napakunot ang noo ko at sinundan ang tinitingnan niya. Tumaas naman ang isang kilay ko nang mapagtantong mga mini store ang tinititigan niya.

"Gusto mo bang kumain muna? Kumakain din naman 'yong mag-jowa e," sambit ko.

"Sinong mag-jowa?" tanong ni Chen.

You All Over Me (BxB)Where stories live. Discover now