CHAPTER 3

118 6 0
                                    

LAHAT kaming kasama sa contest nandito sa loob ng gym nag uusap-usap kung ano ang mga gagawin at kung anong topic ang dapat pag aralan.

"Sir tapos na po ba? May inaabangan kaming game e," tanong ni Divine sa assigned teacher namin.

Wala ka sanang maisagot! pabida e!

"Alam niyo naman na ang gagawin kaya bahala na kayo," ngiting sagot ng guro.

Anong klasing sagot yun? ‘Alam niyo naman na ang gagawin kaya bahala na kayo?’

Language ba ng isang mentor o teacher yan? Parang sinasabi na nitong bahala na kami sa mga buhay namin.

"Ikaw Noveda? I heard close kayo nong wing spiker? Diba?"

Gusto kong itulak ang mukha niya dahil sa subrang lapit nito. "Move your face. Hindi kami close ni West kaya kung may plano kang mag patulong kay Ella ka lumapit dahil mag pinsan sila."

"Pero sa iisang bahay lang kayo nakatira ni Kuya West mo."

Kuya West ko? Strange naman ng words na yan.

Kailan pa naging akin si Kuya West? Hindi lang strange pakinggan kundi cringe din. Ang sakit sa tenga at ang pangit pakinggan masiyadong nakakahiya at nakakasuka.

Bakit ko nga ba tinatawag na Kuya yun? Two years lang ang agwat niya sakin pero kailangan ko paring mag Kuya dahil may natitirang pag galang pa naman ako sa katawan.

"Huli kana sa balita, last week pa ko umalis sa bahay nila kaya wala na kong pakialam sa lalaking yun."

Nag tataka nilang pinapanuon ang bawat galaw ko habang inaayos ang nalabas na gamit para mag sulat kanina. Nong first time ko sa school na'to nag tataka ako kung bakit dalawa ang gym nila, nalaman ko nalang na for meeting yung isa at pang sports naman yung isa pa.

"Ella? What are you doing here?" tanong ko sa kaibigang nakasandal sa gilid ng gym.

"I'm waiting for you," she blink her eyes na parang nag p'puppy eyes. "Samahan mo ko please? Nag promise kasi ako kay Third kanina na manunuod ako sa laban nila."

Diba sabi niya kaninang-umaga may boyfriend na siya? Why is she letting that Third flirt her? Gusto niya bang maaga silang mag hiwalay?

"What about your boyfriend?"

"Ha? Ano naman ang connect ng pag papasama ko sa'yo at sa boyfriend ko?"

Di ko napigilang umirap. "Stop flirting with Third kung may boyfriend ka, naaawa ako sa lalaking karelasiyon mo ngayon, Ella.

"HAHAHAHAHAHA! Anong stop flirting with Third ka diyan? Boyfriend ko si Third kaya normal lang na mag landian kami."

Seryoso ba siya? Boyfriend niya ang lalaking yun? As far as i remember babaero ang Third na yun. Kung sa record mo titignan, siya ang pinaka may mahabang listahan ng mga pinaiyak na babae, parang si Kuya West lang. Fuck and Run.

"Alam kong mahilig ka sa chick boy pero hindi ko enexpect na papatulan mo ang man whore na yun."

"Don't call him man whore, ako yung nasasaktan," she even held her chest.

"Taas ng standard mo tapos napunta ka lang sa patapong tao? Ano ka? Ibon na mababa ang lipad?" biro ko.

"Samahan mo na kasi ako," pamimilit pa nito.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandito na siya at hinintay pa ko, kahiya naman kung tanggihan ko yung last death wish niya, kidding.

Nakanguso parin siya habang nag lalakad kami papasok sa second gym, ilang lakad din lang naman to at madadaanan paalis sa gym na pinanggalingan ko. Hindi mo din maiiwasang mapatingin dahil sa sigawan at tilian na maririnig mo sa loob. Tunog ng mga sapatos, hampas ng bola at malakas na bagsak nito sa sahig.

Harsh Gentleman Series 2: His Sinful Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now