CHAPTER 8

85 6 0
                                    

NAGISING ako na parang umiikot ng kusa ang paligid at kahit ang wall clock ay hindi nanatili sa kinalalagyan nito. Parang binibitak ang ulo ko at hinahalukay ang tiyan dahil sa nag hahalong sakit at kiliti sa loob.

"Mabuti naman gising kana sleeping beauty, maligo ka at mag bihis dahil may mga bisita sa baba," mataray na wika ni Ella.

"Sinong mga bisita? Kaninong bisita?"

"Saturday ngayon kaya normalize na may interview at kung ano-ano pang gagawin ang fandom nila Divine sa Volleyball Team. May kasama din siyang bruha kaya mag paganda ka."

"Bakit kailangan ko pang mag paganda? May pogi ba silang kasama?" biro ko bago tumayo at humarap sa salamin.

"Wala pero mag paganda ka parin, ayokong maunahan o maagawan ka ng isang impakta."

Hindi ko na natanong kung sinong babae ba ang tinutukoy niya dahil marami namang babae ang grupo nila Kuya West, hindi ko rin maintindihan kung bakit ganon nalang ang inis sa mukha at boses ni Ella habang sinasabi ang mga yun.

Nasasabik na tuloy akong malaman kung sino ang kasama ni Divine na subrang kinaiinisan ni Ella at kung bakit kailangan ko pang mag paganda para lang hindi malamangan.

After kong maligo isang cycling lang ang available sakin at see-through top na pinahiram lang ni Ella, bakit ba kasi confident akong maraming damit ang nasa loob ng bag ko? Bakit hindi ko man lang naisip na mag double check?

Narinig ko ang sipol ng isang kaibigan ni Kuya West ng mapatingin ito sa hagdan na binababaan ko. Manyakis nga naman kahit sino nalang sisipulan.

"What the fuck are you wearing?" salubong ang kilay na tanong ni kuya.

"Damit."

"You call that clothes?" hinila ako nito paakyat ulit pero pumiglas na ko. "Don't be fucking stubborn kung ayaw mong ikulong kita sa kwarto, nakikita nito ang bra mo putangina!"

Inirapan ko lang siya bago sumunod nalang sa gusto nito, pasalamat nga siya bra lang ang kita sakin hindi mismo ang dib-dib. Baka maliit ang dib-dib ko kaya ayaw niyang mapahiya ako sa mga kaibigan niya? Maybe sanay ang mga ito ng tumatalbog pag mabilis na nag lalakad or tumatakbo.

He throwers me a big V-neck shirt at isang pajama niya na subrang luwag sakin at sumasayad narin ang dulo nito sa sahig.

"Anong klasing damit to? Ayoko nito!"

"Hubarin mo yan ng wala ka ng damit na masuot," pananakot na banta nito.

"Ang pangit tignan sakin ng mga damit mo."

"My clothes is better than your fucking see-through."

"Hindi kaya akin yun, kay Ella ang see-through na yun."

"But you wear it infront of my team!"

"Wag mo nga kong sigawan! Ano naman ngayon kung sinuot ko yun? Ang babaw mo naman!"

Nanahimik siya dahil mas malakas ang naging sigaw na ginagawa ko kaysa sa naging sigaw niya kanina. Ang kapal kasi ng mukha, mahinahon akong nag sasalita tapos sisigaw siya na parang ang laki-laki ng kasalanan ko.

Harsh Gentleman Series 2: His Sinful Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now