CHAPTER 18

81 3 0
                                    

CHAPTER 18:

MAY DAMIT NA KONG suot at hinihintay nalang matapos si West sa ulam na niluluto niya, kanina pa siya sa kusina kaya nag tataka na ko kung anong ulam ba ang niluluto niya at parang maaabutan ata ng hapon ang breakfast namin.

"Matagal ka pa ba diyan?" kunsulta kong tanong.

Narinig ko ang mahihinang mura nito kaya pinili ko nalang na pasukin ang kusina para makita ang kanyang ginagawa. Halos lumagapak ako ng tawa dahil sa nakita kong ginagawa niyang shield ang takip ng kaldero para hindi matalsikan ng mantika.

"Fuck this hotdog!"

"Anong nangyayari sayo?" pinipilit kong hindi matawa habang tinatanong siya.

"Stop laughing!"

"Hindi naman ako tumatawa ah!"

"Pero pinipigilan mo," inis niyang tugon.

"Bakit ba naman kasi ganyan ang hotdog na niluluto mo? May paupo-upo ka pang nalalaman tapos sunog pala yang hotdog mo."

"Iiwan mo na ba ko dahil ganito ako mag luto hah?" salubong ang kilay niyang tanong.

Natawa naman ako. "Ang babaw namang reason yan jusko."

Nginuso niya ang sing-sing na suot ko bago nito hawakan ang aking kamay at hinaplos ang sing-sing sa aking daliri. "Akin kana Doll kaya hindi ako papayag na iiwan mo ko dahil lang sa hindi ako marunong mag luto. Mahal ang annulment Doll kaya wag mo ng balakin."

"Mukha kang sira sa pogi mong yan hindi ko na maiisipan pa ang annul'annulment na yan."

Hinalikan niya ang tungkil ng ilong ko bago singhutin at kilitiin ang aking kili-kili. Masaya na sana ako ng maisip kong kailan ko na palang umuwi dahil ngayon ang celebration namin sa bahay and as always invited na naman ang mga kaiban ng parents ko, so mean, pwedeng sabay na kami ni West pag dumalo siya sa salo-salo.

"Kinausap kana ni Tita?" i asked habang nginunguya ang pag kain.

"Yeah, dadalhin nalang ni Third ang damit na susuotin natin."

Bakit naman kailan pang mang-utos kung pwede namang kami nalang ang lumabas para bumili ng damit.

"Hindi ba pwede na tayo nalang ang pumunta ng mall para bimili ng susuotin?"

Umiling siya at uminom ng tubig. "May napili na ko para sayo."

"Pero paano naman kung hindi fit sakin?"

"I know the size of your boobs, yang maliit mong beywang at kung hanggang saan lang ang manggas ng damit mo."

Inirapan ko lang siya bago mag paalam na mauuna ng maligo para hindi na kami mag tagal, kailan ko pang mag ayos kaya dapat lang na mauna ko para hindi mainip itong si West. Alam kong mainipin siya at ayaw niyang mag hintay kaya mukhang simula ngayon dapat mabilis na ang kilos ko.

After kong maligo lumabas na ko ng banyo at nakita ang isang dress na naka tupi, masaya ko itong binuklat pero halos mawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang itsura ng damit na napili niya.

Hanggang baba ng tuhod ang haba at hanggang pulsunan naman para sa manggas, para akong madre sa itsura ko habang nakatingin sa salamin. Kingina naman tong si West eh, akala niya ba mag sisimba kami kaya ganito ang ayos ko? Mabuti sana kung hindi kulay puti, pero hindi eh, kulay puti talaga siya at wala man lang design.

"WEST CLEMENTE! KINGINA NAKAKAINIS KA!"

Ngisi siyang pumasok sa kwarto at tumawa ng makita ang itsura ko. Talagang kaligayahan ng mukong na to ang kahihiyan na nangyayari sa buong buhay ko, wala talaga akong maaasahan na matinong mangyayari pag itong si West ang mag de'desisyon o kasama ko.

"You look so good with that dress."

"Anong good dito?! Kulang nalang mag dala ako ng rosary at bible para maging isang ganap na madre."

He pouted. "It suits you i promise."

Agad ko siyang sinipa bago itapon sa pag mumukha niya ang twalya na ginamit ko kanina para tuyuin ang buhok na tumutulo sakin.

"Ang sama-sama mo! Bahala ka hindi ako aalis na ganito ang suot!"

"Anong gusto mong piliin kong suot para sayo? Yung labas yang dibdib mo? Yung maikli at halos makita na yang pwet mo?! No fucking way lalo na't alam kong nando'n si Dame na nag aabang sayo lagi."

Pinalubo ko ang pisngi para pigilan ang ngiting gustong sumilay galing sa mga labi ko. Seloso!

"Hindi mo talaga makalimutan e, noh? pinaliit ko ang mga mata at lumapit sa kanya. "Baka naman malaman ko nalang na ikaw pala tong may gusto sa kanya?"

"What the fuck? Nonsense!"

Humaglpak ako ng tawa dahil sa naging reaction niya lalo na kung paano siya nagulat at napanga-nga dahil sa sinabi ko. Joke lang naman yun pero maka-react naman to parang katapusan na agad ng mundo.

"Whatever, wala naman na kong magagawa dahil, lagi namang gusto mo ang masusunod. Kumuntra ako o hindi ikaw parin ang mananalo."

Inirapan ko lang siya bago ilagay ang paboritong hair clip sa side ng tenga ko para maging malinis naman akong tignan at maaliwalas sa mukha. Light make up lang ang nilagay ko dahil ayokong mag mukhang coloring book na pinag laruan ng bata.

Pareho kaming seryuso habang iniisip kung ano ang pwede gawing rason kung bakit kami mag kasama ni West ngayon.

"Bakit ba kasi hindi ko pwede tanggalin to? Paano nalang pag mag tanong sila kung bakit may sing-sing akong ganito?"

"Don't you dare woman, ako ang nag lagay niyan kaya ako lang ang may karapatan na tanggalin ang sing-sing sa daliri mo."

"Pero paano nga kung mag tanong sila?" pag pupumilit ko.

"Tell them that i'm your husband."

Napasinghap ako dahil sa diretsong sagot niya. "Baliw ka ba? Bahala ka nga diyan! Di ka naman matinong kausap eh!"

Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating kami sa bahay, after he parked the car hindi ako nag paalam na mauuna akong pumasok. May pekeng ngiti sa labi akong pumasok sa bahay habang sinasalubong ang tingin ng ibang tao, ang iba sa kanila kakilala ko yung iba naman familiar lang ang mukha pero hindi ko alam ang mga pangalan.

"Are you with West hija?" bungad na tanong ni Tita Eden.

"Hindi po tita. W-wala pa po ba siya dito?" kunwaring hinahanap ko pa siya gamit ang mata.

"Wala pa siy-- Hey son, bakit ngayon ka lang? I thought mag kasama kayo nitong si Noveda."

Tumango lang ang anak bago humalik sa noo ng ina at umupo katabi ko. Para kaming hindi mag kakilala dahil sa inaakto naming dalawa, ano ba naman to, unang araw ng pagiging mag-asawa namin tapos away agad? Grabe namang buhay to jusme.

"What's wrong with you two?" bulong ni Dame na nasa kabilang upuan, katabi ko lang din.

"Nothing," tipid kong sagot bago humarap sa kanya. "Ang init ng suot ko, pwede mo ba kong samahan sa taas?"

Narinig ko ang malakas na pag lapag ng kutsara o tinidor sa babasaging plato namin.

"What's wrong with you?" inis kong bulong pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"I'm warning you."

Hindi ako nag patalo, kung masama ang tingin niya mas pinasama ko pa ang akin. "Who cares."

Hinila ko ang kamay ni Dame at binay-bay ang daan papuntang kwarto na hindi tinitignan kung sila sino ba ang mga taong nadadaanan o nakakasalubong ko. Bahala kayo diyan basta gusto ko ng makahinga ng maluwag at makapag palit ng mag comfortable na damit. Hayop kasing West yun eh mukhang balak ata akong patayin sa init.

Nag tataka akong tumingin kay Dame ng bawiin nito ang kamay niya na hawak ko kanina lang.

"Mukhang mapapatay ako ng asawa mo."

SHINSERLY_YHOURS|S.Y.

Harsh Gentleman Series 2: His Sinful Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now