CHAPTER 7

99 8 0
                                    

MALAKAS na palakpak ang binigay ng dalawa, si Brail na nakangisi habang nag babalik-balik ang tingin samin ni Kuya West at si Ella na tulala na pumapalakpak.


"Hindi ko alam na ganun pala kaganda ang boses ni West! Ang lakas makahugot ng boses niyong dalawa," komento ni Ella.

"May chemistry talaga kayo since mga bata pa tayo," wika naman ni Brail.

"Mukha ba kaming branch ng Science para sa mga Chemistry mo na yan?"

He pouted. "Minsan talaga nakakatanga ang katalinuhan."

Tanging ngiti lang ang sinukli ko sa mga sinabi nila lalo na sa sinabi ni Brail, walang chemistry do'n magaling lang talaga mag laro ng emosiyon itong si Kuya West.

"Mabuti pinayagan kang sumama dito nila Mommy mo? Diba sa Cebu naman kayo nakatira?"

"May biniling house si Daddy dito sa Village din nila West, mabuti ngang dito naisip ni Daddy bumili ng bahay para may kasama akong pumasok sa school niyo next week."

"You mean mag t'transfer ka? Wow, mukhang araw-araw na kitang makakasalubong nito."

"Sayang ang layo ng bahay namin, iba pa yung direction sabay-sabay sana tayo," ngisi ko.

"Bakit hindi ka nalang bumalik?" tanong ni Brail bago galawin ang guitara.

"Bakit naman ako babalik kung may bahay ako? Sa subrang lawak ng bahay ko mukhang kailangan ko na ng makakasama."

"Mag boyfriend kana kasi," Ella.

"Sino naman jojowain ko, aber?"

"Hindi mo ba type si Dame? You give him towel diba?" ngising ani ni Ella.

"Hindi ah! Wala kong gusto sa hapon na yun."

"I thought you hate playboys?" Kuya West.

"Hindi naman babaero si Dame," depensa ko.

"Babaero din yun di lang halata."

"Di ko naman tinatanong," pag tatatay ko.

Hindi namin napansin ang pag alis ni Brail para kumuha ulit ng panibagong apat na bote ng beer. Mabuti nalang talaga dala ko ang susi ng kwarto ko dito para may matulogan ako pag na-wasted ng subra. Mukhang lasingin kami ang plano ng kupal na 'to.

"Sino naman si Dame? Rival mo?" tanong nito kay Kuya West.

Umiling si Kuya. "Friend of mine."

"Basta lalaking babaero kaibigan ni Kuya West yan," ngisi kong wika bago buksan ang beer na bagong lapag lang.

"I heard may laban kayo ngayong intrams? Anong school kalaban niyo?"

Hindi na ko nag abala pang pakinggan ang pinag uusapan nila, i remembered na may naiwan akong two piece swimsuit dito dahil hindi na sumakto sa mga maleta ko. Gusto kong maligo para mahimasmasan at alam kong ang lamig ng tubig sa pool lang ang makakatanggal ng alak sa sistema ko.

Walang paalam akong tumayo at lumakad papasok sa bahay hindi na ko nag abala pang mag suot ng tsinelas dahil hindi din naman ako mag tatagal.

"Noveda hija, come here tumatawag ang Mommy mo."

Bihira lang si Mommy tumawag kaya alam kong importante iyon, paika-ikaw akong dumakbo papuntang gawi ni Tita Liza.

"Hello Mom!" ngiti kong bati.

Harsh Gentleman Series 2: His Sinful Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now