CHAPTER 9

85 5 0
                                    

NAKITA kong lumapit si Alona kay Divine at may binulong dito and after nilang mag bulongan nag thumbs-up si Divine bilang sagot.

"West? Pwede bang mag pa-picture sayo? Isa lang promise," malambing na kumbinsi ni Alona kay Kuya West.

Sa hindi malamang dahilan nag iwas ako ng tingin ng makitang napunta sakin ang atensiyon ni Kuya at ng mga kaibigan nito.

"Sure," tugon niya.

May kung anong parte sakin na gustong sampalin ang makapal na mukha ni Alona at may parte namang okay lang dahil picture lang naman ang gagawin nila.

"Parang anytime may tutusukin kana niyang tinidor ah," bulong ni Brail sakin.

Inirapan ko naman siya bago mag lakad palayo, saan ko nga ba nakuha ang tinidor na 'to? Hindi ko ba nabalik yung tinidor na ginamit ko kanina kaya hawak ko parin hanggang ngayon?

"Hi? Divine right?" ngisi ni Brail.

"Sino ka naman?" takang tanong nito.

"I'm not important pero pwede pahingi ng favor?"

"He is my bestfriend," sagot ni Kuya.

Tumango naman si Divine after knowing kung ano ang parte ni Brail sa buhay ni Kuya. "Anong favor?"

"Pwede pa-picture kami ni Noveda Doll? Pwede naman yun diba?"

Hindi lang atensiyon ni kuya at mga kaibigan niya ang naagaw namin ngayon kundi pati na ang atensiyon ni Ella at Third na nag lalandian sa isang sulok.

"Sabi na nga ba may gusto ka kay Noveda!" sigaw ni Ella.

"Tumahimik ka nga," pinandilatan ko pa ito ng mata na kinatawa niya.

"What's wrong with that? I'm single at ganon din si Noveda kaya bagay lang kaming dalawa."

Natawa ako dahil sinundan niya pa ng sipol ang huling kataga na sinabi niya. Mag kakasunod na tango ang sinagot ni Divine kaya lumapit si Brail sakin at kinabig nito ang beywang ko, hinawakan nito ang kamay ko at nilagay sa kanyang dibdib habang hawak niya ang chin ko para maiharap sa kanya.

After ng ilang shots ang akala ko bibitawan na ko ni Brail pero nanatili parin kaming ganon. Nasa kalagitnaan kami ng pose na 'yun ng biglang umalingaw-ngaw ang tunog ng nabasag na kung ano kaya naputol ang photoshoot na ginagawa namin.

"Clean this mess, Noveda."

"Kalat mo yan kaya ikaw mag linis," mataray kong sagot.

Kumunot naman ang noo nito at nag salubong ang kilay dahil sa naging tugon ko. "Clean this fucking mess," madiin niyang wika bago umakyat ulit.

Bahala siya sa buhay niya. Ang dami nilang maid tapos ako pa ang uutosan niyang maglinis sa basong binasag niya? Naka-drugs ba siya kaya ganyan ang takbo ng utak niya? Baka naman nalagyan ng tubig nong nag swimming kami kagabi?

"Manang? Manang pwede mo po bang linisin yung basong nabasag ni Kuya West?" tumango ito. "Thank you manang."

Siguro kailangan ko ng umuwi at mag linis ng bahay dahil baka any time sa week na ito umuwi sila Lola, ayokong isipin nila na kababae kong tao wala akong alam na gawaing bahay.

Inakyat ko ang hagdan at nilakad ang daan papuntang silid tulogan ni Kuya, kailangan kong bawiin ang damit ko sa kanya dahil iyon nalang ang susuotin ko pabalik sa bahay. Okay naman na kasi ang damit na iyon at sanay din naman ako sa pag susuot ng ganong damit dahil narin kay mommy.

"What are you doing here?" bored niyang tanong habang nakahiga sa kama niya. Pumasok ako sa loob at hinanap ang damit ko. "What the hell are you doing?!"

Harsh Gentleman Series 2: His Sinful Touch (COMPLETED)Where stories live. Discover now