I - Maica

10.8K 150 32
                                    

"For the nth time Maica. Pang-ilang lalaki na yung pinaiyak mo?" kunsumidong tanong sa kanya ni Gwen.


Kumpleto ang barkada niya at ngayon nga ay ginigisa siya sa loob ng bahay niya. Nabalitaan kasi ng mga ito ang pambabasted niya sa latest date niya na si Mark.



"I stop counting" simpleng sagot niya.


Hindi na rin naman niya kasi mabilang kung pang ilan na si Mark sa lalaking dinispatsa niya.


"Kelan mo ba balak magtino? Aba Maica kami ang naaawa sa mga lalaking iniiwan at pinapaiyak mo" patuloy na sermon sa kanya ni Gwen.

"Ako ang kaibigan niyo pero sakin hindi kayo naaawa?" kunwari ay nagtatampong sabi niya.


"Hindi ka naman kasi mukhang nakakaawa" sagot naman ni Hara.


"Ang sasama ng mga ito. Naturingan pa naman kayong kaibigan."


"College pa lang tayo ganyan ka na. Kelan mo ba balak magseryoso?" tanong ni Ella sa kanya.


"Wow! Ang yabang ni Ella porket may Lander ka na dyan" sarkastikong sagot ni Maica.


"Lander ka dyan. Hindi pa kami ni Lander " tanggi ni Ella subalit pinamulahan naman ng mukha.


"Sus! Para saan ba at dun din kayo mapupunta. Patay na patay ka dyan sa Lander mo" singit naman ni Allie.


"Hindi ako ang topic dito bakit ako ang nasa hotseat? Iyang si Maica ang gisahin niyo"


"Hindi ko pa lang kasi nakikita ang one true love ko" napabuntong hiningang sagot niya.

Naniniwala siya na bawat tao may nakalaan na kapareha. Subalit sa dami ng mga lalaking nakilala, naging boyfriend at naidate niya hindi niya pa rin makita ang lalaking magpapabilis ng tibok ng puso niya. Yung lalaking magpapanginig ng tuhod niya sa kilig at kaba.


"Masyado ka kasing choosy" sabad ni Airah.


"Aba dapat lang. Sa ganda kong ito dapat lang na maging mapili ako ng lalaking mamahalin" proud na sagot niya.


"Wala na. Uwian na. Ang yabang na ni Maica" sarkastikong sabi ni Mae at akmang lalabas na ng bahay niya.


Binato naman niya ito ng nadampot na throw pillow.

"Honestly hindi naman ako choosy. Hindi ko pa lang talaga siya natatagpuan. Pero once na natagpuan ko na siya. Hinding hindi ko na siya pakakawalan." determinadong sagot niya.


"Natagpuan mo na siya dati. Basted ka lang" pang-aasar ni Hara sa kanya.

"Mayabang ka!" ito naman ang binato niya ng unan.

"Okay! At dahil dyan kakain na ako" excited na sabi ni Diane at nagpauna na sa dalang pagkain ni Gwen. Napailing na lang silang lahat sa katakawan nito.

***


Maagang nagising si Maica. Today is her birthday at gusto niyang salubungin ang birthday niya ng maganda. Kahit na kasalukuyan siyang single at walang idinedate ay okay lang sa kanya. Napagkasunduan nilang magkakaibigan na ang mga ito ang date niya sa araw ng birthday niya. Alas kwatro pa lang ng madaling araw subalit hindi na siya makatulog. Minabuti niyang lumabas na lang ng bahay para magjogging. Medyo nagkakaroon na siya ng baby fats dahil sa kakulangan sa excercise. Masyado kasi siyang busy sa trabaho.

Safe naman ang magjogging sa loob ng subdivision nila dahil may rumorondang gwardya rito 24/7. Nasa labas na siya ng bahay niya nang may biglang humintong kotse sa tapat niya.


The Boys and IDove le storie prendono vita. Scoprilo ora