VI- Miguel

1.6K 45 19
                                    

Okupado ang isip ni Maica habang papasok sa loob ng isang coffeeshop. Magkikita sila ni Allie. Ito ang napili niyang isama sa ibinigay na ticket sa kanya ni Killian. Ito lamang kasi ang available sa araw na iyon. Dala marahil ng pagiisip ay hindi niya napansin ang papalabas naman na lalaki dahilan para magkabanggaan sila nito.

"Holy syet!" sambit ni Maica. The guy just ruined her dress. Dahil sa pagkabanggaan nila ay natapunan ng kape ang damit niya.


"I'm sorry" anang isang baritonong boses.

Nagtaas ng paningin si Maica only to see the most handsome guy na nakita na yata niya. Matangkad ito, executive looking, maganda ang pangangatawan at saksakan ng gwapo. He is definitely her type!



"Are you okay Miss? I'm so sorry. Hindi kita napansin" hinging paumanhin ulit ng lalaki.

"Okay lang. Kasalanan ko din naman" nakangiting sagot ni Maica. Kung ganito kagwapo ba naman ang magbubuhos sa kanya ng kape ay tatanggapin niya. Kahit maligo pa siya ng kape.


"But your dress" nag-aalalang sambit nito.


"Oh that's okay--syet!" nakangiting sagot niya nang bigla siyang matigilan. Hindi okay dahil hindi siya pwedeng pumunta sa gig ni Killian na ganito ang suot.


Mukhang nahalata naman ng lalaki ang problema niya base sa ekspresyon ng mukha niya.


"If you want Miss my place is near here. You can change there" alok ng gwapong lalaki.


Natigilan naman si Maica at napatingin dito. Hindi naman kaya myembro ng isang sindikato ito o di kaya manyak? Mukhang nahalata naman ng lalaki ang pag-aalinlangan sa mukha ni Maica.


"Sorry. I just wanted to help. Hindi ako masamang tao. My name is Miguel" pakilala nito at naglabas ng isang business card.


Nagtatakang inabot naman iyon ni Maica. Miguel Buenavista ang pangalan nito at isa itong Vice President sa isang malaking kumpanya. Pamilyar kay Maica ang kumpanya nito. Muli siyang napatingin sa lalaki. Kung sabagay bibihira lang ang pagkakataon na makatagpo siya ng tulad nito.

"I'm Maica. Ano kasi...wala din akong spare na dress pamalit. Uuwi nalang siguro ako" alanganing sabi niya. Nanghihinayang man siya sa pagkakataon na makasama ito ay wala siyang magagawa.

"May boutique sa ibaba ng condo unit na tinutuluyan ko. My sister owns it. Mas mabuti pa siguro na magpalit ka na kasi baka malate ka pa sa date mo" saad ni Miguel.

"Date? Magkikita lang kami ng friend ko. Wala akong boyfriend" nakangiting sambit niya. Hindi niya alam but she doesn't want him to assume na may boyfriend siya.

Ngumiti naman ang lalaki bilang tugon.

"It's nice to hear that. Come on?" alok nito.

Nakangiti namang sumama si Maica rito.

***

Sa isang magandang condominium sila huminto ni Miguel. Halatang pangmayaman ang lugar na iyon.

"Daanan muna natin yung boutique ng kapatid ko so you can pick a dress there" anito at iginaya siya sa isang mamahaling boutique.

Napaisip si Maica. Mukhang mahal ang mga presyo ng damit doon. Baka hindi niya afford.

"Maica Reign Domingo! What are you doing here??" isang maliit na babae ang sumalubong sa kanya papasok sa boutique.

"Ella??" nagtatakang sambit niya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Anong ginagawa mo din dito?" ganting tanong din nito.

Naguluhan bigla siya pagkakita sa kaibigan subalit bago pa siya makapagsalita ay saktong pumasok naman si Miguel sa boutique.

"May napili ka na ba?" tanong nito sa kanya.

"Ahh wala pa" kiming sagot niya.

"Kuya???"

Sabay na napalingon sila ni Miguel kay Ella.

"Magkakilala kayo?" gulat na tanong ni Ella sa kanila ni Miguel.

"We just met. Elle she needs dress. I ruined her dress" sagot ni Miguel kay Ella bago siya balingan. "I'll be there habang namimili ka" nakangiting sabi nito bago naupo sa nakalaang waiting area.

"Yeah thanks" kiming sagot niya.

Nang makatalikod si Miguel ay bigla siyang hinila ni Ella.

"Paano kayo nagkakilala ng kuya ko?" tanong nito sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabing may kuya ka pala?" ganting tanong niya imbes na sagutin ang tanong nito.

"Step brother ko lang si Kuya Miguel. Last year ko lang siya nakilala. Kapatid siya ni Lander" tukoy nito sa boyfriend nito. "Ikaw? Paano mo nakilala si Kuya?"

"Nakabangga ko siya sa coffeeshop. Natapunan niya ang damit ko." paliwanag niya habang namimili ng dress. "Ella, pilian mo ako ng damit."

Isang navy blue spaghetti strap dress ang iniabot nito sa kanya.

"Oh ayan! Bayaran mo iyan" anito.

Hindi na niya sinukat ang dress dahil mukhang kasya naman ito sa kanya. Naglakad na siya papunta sa counter. Nakasunod naman sa kanya si Ella.

"Hindi ko alam na may boutique ka pala Ella. Akala ko simpleng mamamayan ka lang ng Pilipinas" sambit niya.

"Tsk! Ang mommy ni Kuya Miguel ang may-ari nito dati. Nagustuhan niya ang mga design na ginagawa ko kaya ayun binigay na sakin ito." paliwanag nito.

"Nakapili ka na ba?" hindi nila namalayan na nakalapit na pala si Miguel sa kanila.

"Yeah"

"Ako ang pumili niyan" pagmamalaki ni Ella.

"That's great" sagot ni Miguel at naglabas ng wallet upang bayaran ang napili niyang damit.

"No, ako na lang." mariing tanggi niya.

"I insist okay. It's my fault anyway" giit naman nito.

"Bakit ako Kuya hindi mo binibilhan ng dress?" singit naman ni Ella sa kanila

"You own this place. You can choose whatever you want" sagot naman ni Miguel.

Napasimangot naman si Ella na tinaggap ang bayad ni Miguel.

"Keep the change na" anito. Tango lang naman ang isinagot dito ng kapatid.

"So tara na? Para makapagpalit ka na" yaya sa kanya ni Miguel.

"Yeah"

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Ella.

"Sa itaas. Magpapalit ng damit si Maica"

"Sasama ako"

"Bakit? Wala naman akong gagawing masama kay Maica"

"May tiwala ako sayo Kuya, pero dito kay Maica wala. Ang mga tipo mong lalaki ang type niyan ni Maica"

"Para kang baliw Ella!" sita ni Maica sa kaibigan.

Natawa naman si Miguel sa kanila.

"Don't worry little sister, kapag may ginawa saking masama itong si Maica sisiguraduhin ko na pananagutan niya ako" pagbibiro pa nito dahilan para mamula ang mukha ni Maica. "That was just a joke Maica" bawi naman bigla nito.

"Wala yun. Sige na magpapalit na ako. Nanlalagkit na ako sa suot ko"

Inakay na siya palabas ni Miguel ng boutique ng kaibigan subalit bago iyon ay tinignan niya muna ng masama si Ella at binelatan. Nadagdagan ang tiwala niya kay Miguel sa pagkaalam na kapatid pala ito ng kaibigan niya.

***

The Boys and IWhere stories live. Discover now