VIII - I don't hate you but I don't love you

1.3K 40 8
                                    

A/N: Sorry sa matagal na update, medyo busy lang po. Enjoy!

***

"Guys, meet Maica. Maica meet my bandmates, Nigel, Izen and Luke" isa-isang ipinakilala ni Killian sa kanya ang mga kabandmates nito.

"Ikaw pala si Maica. Nice to meet you" nakangiting sabi ni Nigel at kinamayan siya.

Nakangiti din naman na tinanggap ito ni Maica.

"Nice to meet you too. Salamat nga pala sa pagkanta nung birthday ko."

"The pleasure is ours Maica. Ikaw pa eh mukhang malakas ka dito kay Killian" nang-aasar na kinindatan naman ni Luke si Killian.

"Tumahimik nga kayo dyan!" saway naman ni Killian sa mga ito.

"Maica!!!!" nabigla si Maica nang may biglang yumakap sa kanya. "I'm Izen. Natatandaan mo pa na ang boses ko?"

"Yeah. Hello Izen" kahit na naiilang sa ginawang pagyakap sa kanya ni Izen ay hindi naman niya ito masaway dahil baka maoffend ito bigla.

Subalit hindi na pala niya kailangang sawayin si Izen dahil hinila na ito palayo ni Killian.

"Tumigil ka nga Izen! Huwag mong yayakapin si Maica!" sita ni Killian dito.

"Ang selfish mo naman Killian. Bakit? Boyfriend ka ba ni Maica?"

Natigilan naman si Killian. Hindi siya agad nakapagsalita. Maging ang iba nilang kasama ay natahimik din.

"Hindi. Pero kapitbahay at kaibigan ko si Maica" sa wakas ay sagot ni Killian at tinalikuran na sila upang maupo sa harap ng salamin.

Para namang may dumaang anghel sa pagitan nilang lahat at walang nagtatangkang magsalita.

Si Izen ang unang bumasag ng katahimikan. He playfully punched Killian on the shoulder.

"Ito naman masyadong seloso. Hindi ko naman aagawin si Maica sayo. Binibiro lang kita." pang-aasar nito.

Binato naman ito ni Killian ng nadampot na bulak bilang sagot.

***

"Thank you for this night Killian" sinserong sabi ni Maica. Pagkatapos ng concert ng mga ito ay hinatid siya ni Killian pauwi. Si Allie ay sumabay naman kay Mae at sa mga kabanda nito.

"No Maica. I should be the one thanking you. Thank you sa pagpunta sa concert namin"

"Nag-enjoy naman ako. I didn't expect that and besides you are really great in the stage. Atleast kahit papaano I get the chance to see the real you"

"Hindi pa yun ang lahat ng ako. In time, mas makikilala mo pa ako if you just allow me to be a part of you" seryosong sabi ni Killian.

Naguguluhang napatingin naman si Maica dito. Nagtatanong ang mga mata.

"What do you mean?" nagtatakang tanong nito.

Subalit bago pa makasagot si Killian ay may tumawag na sa pangalan ni Maica.

"Brix?" gulat na tanong niya.

"Maica pwede ba tayong mag-usap?" seryosong tanong nito. Napahawak naman ng noo si Maica. Of all people si Brix ang huli niyang gugustuhing makita.

"Mauna na ako Maica. Salamat ulit" nakahalata naman si Killian na mukhang seryoso ang pag-uusapan ng dalawa kaya nagpaalam na ito.

"No Killian. Dito ka lang" pigil ni Maica sa binata at binalingan ang dating nobyo. "What do you want Brix? Akala ko ba napagusapan na natin na ayoko ng makita ka pa"

"Please Maica, mahal na mahal pa rin kita. Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo. Sana mapatawad mo ako" pakiusap ni Brix. Lumuhod pa ito sa harapan nila. Nagulat naman silang dalawa ni Killian sa ginawa nito.

"Utang na loob Brix tumayo ka nga dyan. Napatawad na kita okay?" true to her words ay wala na nga siyang nadaramang galit para sa dating nobyo. Mula nang mailabas niya ang sama ng loob niya dito ay parang nakahinga siya ng maluwag.

"Talaga?" tumayo bigla si Brix at akmang hahawakan sana siya subalit agad siyang napaatras at napahawak kay Killian.

"Napatawad na kita Brix subalit hindi ibig sabihin nun na kaya na kita ulit tanggapin. Everything is over between us Brix."

Nanlulumo namang umalis si Brix. Laglag ang mga balikat nito.

"Okay ka lang?" tanong ni Killian sa kanya. Nabigla naman si Maica nang malaman na nasa tabi pa pala niya ang binata.

"Naku! Sorry Killian. Naabala pa kita. Pasensya na" hinging paumanhin niya.

"Wala iyon. Yung lalaki kanina, is he your ex?"

"Yeah"

"Nakikipagbalikan?"

"Oo"

"Ayaw mong tanggapin?"

"Oo. Niloko niya ako"

Hindi naman na nagsalita pa si Killian. Nakatingin lang ito sa kanya.

"Sige Killian, papasok na ako. Salamat ulit"

"Walang anuman. Pasok ka na para makapagpahinga ka na din"

Pumasok na si Maica sa loob ng bahay niya. Saka lang umalis si Killian nang makapasok na si Maica.

***

The Boys and IWhere stories live. Discover now