XI - Ouch!

1.3K 29 17
                                    

"Thank you sa pagpunta Mai" ani Paul nang ihatid siya nito sa bahay niya.

Masaya ang naging family reunion ng mga ito. Dahil matagal na silang magkaibigan ni Paul ay halos kilala na siya ng mga ito kaya hindi siya nailang. Inaasar pa nga silang dalawa ni Paul ng mga ito na tinawanan lang naman nilang dalawa. Subalit kahit na masaya ang naging party ay hindi maiwasan ni Maica na bumigat ang kalooban lalo na nung makita niya si Killian kinabukasan.

Dahil linggo ay wala siyang pasok sa opisina. Naisipan ni Maica na magdilig ng mga tanim niyang halaman. Nagbabakasakali din siya na matanaw si Killian. Hindi nga siya nagkamali dahil mula sa bahay niya ay tanaw niya si Killian na naglilinis ng sasakyan nito. Hubad baro ito at bahagyang pawisan na tinatamaan ng sinag ng araw. Animo isa itong modelo na lumabas sa pahina ng magazine. Mukhang hindi lamang siya ang nabighani dito dahil maging ang ilang dumaraan ay napapasulyap at kinikilig sa binata.

"Hoy! Bawal iyan!"hindi na siya nakatiis at nilapitan niya na si Killian.

Halatang nagulat naman ito pagkakita sa kanya.

"Maica! Anong ginagawa mo dito?"

"Dito ako nakatira. Hello???!!"

"Hello??? Dun ka nakatira" panggagaya ni Killian sa kanya at itinuro ang bahay niya.

"Siraulo ka talaga. Bakit ka nakahubad? Baka mapulmunya ka. Basang basa ka na ng pawis" sita niya kay Killian.

Nginitian naman siya ng nakakaloko ni Killian.

"Uy! Concerned ka sakin?" pang-aasar nito.

Pakiramdam naman ni Maica ay bahagyang namula ang mukha niya.

"Ewan ko sayo. Bakit ka nandito wala ka bang gig ngayon?"

"Wala. Pahinga muna kami ngayon. Katatapos lang namin magrecord ng para sa bago naming album kaya heto binigyan kami ng break ng manager namin"

"Talaga? Eh di mabuti pala kung ganun."

"Ikaw kumusta ka naman? Hindi ka nagpunta ng concert namin" himig nagtatampo ang boses na sabi ni Killian. Kinain naman agad ng kunsensya niya si Maica.

"Pasensya na talaga Killian. Hindi ko lang talaga matanggihan si Paul. Matagal ng magkakilala ang mga pamilya namin kaya nakakahiya naman kung hindi ako pupunta."

"Okay lang. Halata naman na mas mahalaga sayo yung Paul na yun eh. Siya ba yung naghatid sayo nun na de kotse o yung nakikipagbalikan sayo?"

"Yung naghatid sakin dati. Yung nakikipagbalikan sakin si Brix yun. Exboyfriend ko for three years."

"I see"

Pareho naman silang natahimik ni Killian. Animo may dumaang anghel sa pagitan nila. Para kay Maica ay okay lang naman dahil natutuwa siya na titigan ang katawan ni Killian.

"Ahh Maica" si Killian na ang unang bumasag sa katahimikan nila

"Yes?" naiilang na sagot niya. Baka nahalata ni Killian na nageenjoy siya sa pagtingin sa katawan nito.

"Gusto mong mag ice cream?"

"Libre mo?"

"Oo ba" nakangiting sagot ni Killian.

Paksyet! Hindi maintindihan ni Maica kung bakit kinikilig siya.

Ngiti lang yan Maica! Para kang tanga!

Nagsuot lang ng tshirt si Killian at inilabas ang bisekleta nito.

"Okay lang ba sayo kung magbike nalang tayo? Medyo malayo din lakarin ang supermarket" tanong sa kanya ni Killian at pinagmasdan ang suot niya na damit.

The Boys and ITempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang