XIV - Selos?

562 9 6
                                    

Kahit na maganda ang lugar na pinagdalhan kay Maica ni Miguel ay tila hindi niya ito maappreciate. Ang layo ng nararating ng utak niya. Naisip niya ang naging pagtatalo nila ni Harabella.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Miguel sa kanya.

"Yeah. I'm fine. Pasensya na. May naisip lang ako" hinging dispensa niya. Nakakahiya naman kay Miguel na ito ang kasama niya ngayong gabi pero lumilipad naman ang isip niya.

"May problema ba? Baka makatulong ako"

Napabuntong hininga si Maica. Apektado talaga siya dahil first time nilang nag-away ni Harabella. Pakiramdam niya ay ang laki ng nagawa niyang mali para maasar sa kanya ang pinakawalang pakealam nilang kaibigan.

"Medyo nagkasagutan kasi kami ng bestfriend ko. First time kasi ito. Hindi ko alam kung ano ba talagang dahilan at asar na asar yata sakin si Hara. Hindi naman siya dating ganyan." pag-open niya kay Miguel. Tila gusto na ngang pumatak ng luha niya.

Ginagap naman ni Miguel ang kamay niyang nakapatong sa lamesa.

"Don't worry. Everything will be fine. Magkaibigan naman kayo at hindi naman basta basta masisira ang friendship niyo dahil lang sa isang away. Lahat naman ng magkakaibigan dumadaan sa stage na yun."

"Sana nga. Pasensya ka na Miguel ah. Mukhang hindi ka nag-eenjoy sa date natin dahil lumilipad ang utak ko" hinging despensa niya.

Umiling naman na ngumiti si Miguel.

"No Maica. Nag-eenjoy akong kasama ka. Just seeing your face is enough for me"

Wala ng pakialam si Maica kung bola man ang sinasabi ni Miguel o kung totoo. Basta kinikilig siya. Period!

***

Hindi inaasahan ni Maica na muling makikita si Killian sa labas ng bahay nito nang ihatid siya ni Miguel pauwi. Bakit nga ba sa tuwing magkikita sila ni Killian ay may kasama siyang lalaki. At iba iba pa! Baka kung ano ng isipin ni Killian sa kanya.

Ano nga namang pakialam mo kung ano man ang isipin ni Killian sayo? Boyfriend mo teh?

As usual nangialam na naman ang kontrabidang isipan niya.

Kabababa lang din halos ni Killian sa sasakyan nito nang magtama ang mga mata nila.

"Hi Killian, ginabi ka na naman" nakangiting bati niya.

"Maaga pa nga ito. Ikaw yata ang ginabi. Galing kang date? Mukhang mayaman yung naghatid sayo ah. Ganda ng tsikot" pansin ni Killian.

Hindi maintindihan ni Maica subalit tila may himig sarkastiko ang tinig ni Killian. Medyo naasar tuloy siya.

"Mayaman talaga si Miguel. Sa isang malaking kumpanya siya nagtatrabaho" ganting sagot niya at nagpauna ng pumasok ng bahay.

Hindi tuloy napansin ni Maica nang sipain ni Killian ang nakalagay na paso sa tapat ng bahay nito.

***

Hindi naman talaga sila nagdate ni Paul. Naaasar lang si Hara kay Maica kaya niya nasabi iyon. Ang mahirap pa doon ay hindi niya alam kung bakit siya naaasar sa kaibigan gayong wala naman itong ginawang masama sa kanya.

Bigla niyang naaalala ang natagpuan eksena kung saan inihatid ni Dylan si Maica. For the first time sa buhay ni Harabella Gomez ay ngayon lang siya nainggit sa kaibigan.

"Para ka kasing tanga Harabella! Ang daming lalaki bakit dun ka pa nagkagusto sa manliligaw ng bestfriend mo" saway niya sa sarili habang pinupunasan ang mga bote ng alak sa counter.

Walang siyang pakialam kung naiilang na sa kanya ang mga tauhan niya sa bar dahil parang ang init ng ulo niya.

"Mam okay lang po ba kayo? Gusto niyo po ako na dito sa counter? Magpahinga na po muna kaya kayo Mam" Nag aalalang tanong ng barista niya.

"Okay lang ako" simpleng sagot niya.

Wala namang nagawa ang tauhan niya kundi ang hayaan na lang siya.

"Miss one vodka please" tawag pansin sa kanya ng customer.

Hindi lumilingong ginawa ni Hara ang order sa kanya ng customer. Hindi rin ngumingiting inilapag niya ito sa harapan ng customer niya.

"Isang smile naman dyan"

"Alak ang binibili mo. Hindi ang ngiti ko"

Narinig niyang tumawa ang lalaki.

"Ang sungit mo talaga"

Hindi napigilan ni Hara na lingunin ang lalaking nagkomento na masungit siya. Ganun nalang ang gulat niya nang makilala ito.

"Ikaw na naman? Sinusundan mo ba ako?" Pagtataray niya.

"Hindi ah. Hindi ko nga alam na dito ka nagtatrabaho" depensa naman ni Dylan.

"Hindi ako nagtatrabaho dito. I own this bar" pagtatama niya.

"Eh di ikaw na mayaman" nang aasar na sabi pa nito.

"Times two ang bayad mo dyan sa iniinom mo"

"Ha? Bakit?" Nagttakang tanong ni Dylan

"Bayad sa stress na ibinibigay mo sakin"

"Stress? Bakit? Anong ginawa ko sayo? Ikaw nga itong laging nagsusungit kapag nakikita ako"

Hindi nalang pinansin ni Hara ang sinabi ni Dylan at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Miss Sungit pwede ba akong pumunta lagi dito?" Tanong pa din ni Dylan.

"Times two lagi ang bayad mo"

Napailing na ngumiti nalang si Dylan sa sinabi ni Hara.

"No wonder yayaman ka nga"

Tinalikuran nalang ni Hara si Dylan subalit pagtalikod niya ay isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi niya.

Ngayon alam na niya kung bakit naaasar siya kay Maica.

She is really falling for this man!

***

The Boys and IWhere stories live. Discover now