CHUBBY 1 (The Fatty Beggining xD)

501 12 1
                                    

Medyo Mataba, Matangkad, Kayumanggi ang balat, medyo mahabang buhok, madaming pimples, sungki ang ngipin at Malabo mga mata in short PANGET. ;-( yan ang pito sa mga isang daang descriptions na maaring mai describe sakin. Tignan niyo na Lang yung pictures sa itaas.

Oo. Aaminin ko isa sa mga insecurities ko ay ang pagiging panget. Pero sabi nga nila don't judge a book by its cover dahil Hindi ka JUDGE. Itanim mo yan sa kokote mo, palaguin palakihin pagbungahin at pak!! Ibenta mo. Para mabawasan naman ang inggit mo sakin.

At eeeppp. Oo may naiingit sakin kahit pangit ako.
Pero bago ko sabihin lahat ng detalye, Syempre magpapakilala muna ako.

Ako nga pala si Jess Salvador isang beki at may isang daang description para mabuo ang word na pangit. Yun kasi ang sabi ng iba sa akin. Pero sa mata ng mga kaibigan ko at magulang ko at syempre lalong lalo saking mga mata, MAGANDA AKO. XD.
Mukhang mayaman yong surname ko pero mahirap kami di nga sapat yong baon ko sa magdamag.
Pero di hadlang ang kahirapan sa pagbuo at pagtupad ng pangarap. Pangarap ko kasing maging guro. Actually ...... Nevermind na lang xD

Bakla man sa lipunang ginagalawan karapatan ko din ang magmahal at syempre ang mahalin. Nangarap akong may prinsepeng darating upang iligtas ako sa pangungutya ng iba pero WALA. Sabi nga nila sinasayaw na ang gentleman Hindi inuugali. Tanging ako lang ang inaasahan ng sarili ko.

Samahan niyo ako sa aking trip to move on. Haha.

*sa room namin*
"baklang sagad sa pangit sa mga ulap sumisilip..." Kanta ng isa kong classmate na monotonous naman ang boses. Na para bang pinamumukhang pangit ako.

*ako naman walang imik naka fake smile lang*
"Pag kumanta pa tong baklang mukhang higad na hinaluan ng mukhang paniki, babaliktarin ko tong lalamunan neto." Pagkasabi ko sa aking pagiisip.

Siya! Oo siya ang baklang insecure na idinidikdik ang salitang pangit sa akin. Si Jhon Jacson Laitin pero kilala sa tawag nilang JJ isang baklang malandi, makati, pambasag at madaldal pero magaling siya at member nga ng club namin. Pero dahil nga insecure sakin at palaging ako ang binabasagan ng trip, Hindi ko siya friend... Fake friend oo matatanggap ko na yun. xD

Insecure siya dahil close kami ng ex niya na classmate rin namin. Ehh diko naman inaagaw at higit sa lahat hello! Ex na nga kaya niya kaya wala ng balik balik. Mga tao kasi ngayon assumera na, pilingera pa. Hindi ko nga alam kung anung pinainum niya kay Kelly, para magustuhan yung baklang HIGANIKI (higad+paniki).

Yeah tama kayo, Kelly Paro ang kanyang pangalan, Hindi naman gwapo pero di naman pangit parang sakto lang. Mahilig sa cultural show at Physical Science major pareho sila ni baklang higaniki.

Ahhy oo nga pala mga nagbabalak kaming maging guro at huwaran ng mga paaralan. Ako nga pala ay biology major under science department, malamang Haha bakit may biology na bà sa Filipino department?
Sa university namin which is Merriam Marc State University magkahalo na talaga ang mga science and math comprising of physical science, biological science at mathematics majors. Kaya magkakaklase kami nina Kelly.

OK back to the love story nila. Diko nga alam kung anung reason ni Kelly upang mahalin niya si baklang higaniki. Kasi sa tuwing tatanungin ko siya tungkol dun eh wala siyang pake.

Hindi ko ugaliñg manlait pero sumusobra na siya, hanggang sà isip ko lang nàman ang panlalait at diko to binibigkas kasi ayaw kong
makasakit.

*back to our room*
Napatahimik ang lahat ng..
"OK bring out one whole sheet of paper for your long exam (chapter test kumbaga)". Sabi ng aming guro sa statistics.
"Naku, etoh na naman ako. Bakit pa kasi allergic ko ang numbers". In short di ako magaling sa math.

*natapos ang ilang oras sa pagsagot ng mga malanosebleed na tanong*
Mabuti naman at nakaraos din yon nga lang maraming tanong na diko sure ang sagot. Haaaaaaayyy. As usual.

At sa kabila ng drama effect ko. May tumawag saking pangalan na ikinalaki ng aking tenga.

"Jess maglalakad kayo ngayon papunta sa terminal niyo?". Sabi niya.. :-)

The end...

Whahahahaha joke lang ho iyon. xD may susunod pang chapter

#AN : ano kaya ang pagkatao ng tumawag kay Jess? Sino kaya siya at ano kaya ang papel niya sa buhay ni Jess? Is it too inspire him? Or to break his heart?
Abangan...

#any suggestions po kung meron man para maimprove ko ang aking pagsulat. Kasi nga first time ko po.. :-D
Salamat sa mga bumabasa na neto. And hit like or comment kayo ng kung anu-ano. Hahaha

#chito


Memoirs: Refused One (gayxboy)Where stories live. Discover now