CHUBBY 3 (Ang laman ng newsfeed)

270 6 0
                                    

Nakaramdam ako ng mga bubog sa aking puso at napaluha. Tinignan ko ang iba kong kasama sa jeep at nakatingin sakin si kuyang pogi na parang nagtatanong kung anung nangyari. Dahilan para yumuko ako at dahil lang din sa haba ng bangs ko literally natakpan ko ang aking mga mata.

"Manong, crossing po." Sambit ni Byby (Bryllie).
Hindi ko namalayang nandito na pala kami. Kaya pinunasan ko ang kaunting luhang dumaloy mula saking mga mata. At nagmamadali akong bumaba.

Blah blah blah!

Blah blah blah!

Blah blah blah!

Itong kasama kong daldal ng daldal. Hindi ko alam kung ano na ang sinasabi niya.

"Hoy! Ano!? Hinahayaan mo akong nagsasalita ng magisa? Teka bakit namamasa yang mga mata mo?"
Tanong niya sakin.

Agad kong pinakita ang dahilan nito. Isang picture ni Rico na kasama ang isang ahas kong kaibigan.

*flashback nang nagiiscroll ako*

-> Joy upload a photo with Angel Quisling and 13 other friends.

Click View...

Tapos nakita ko ang mga pictures nilang masayang masaya na nasa isang fast food. Then yong sumunod na litrato ang kinagulat at kinakirot ng puso ko.

Nakita ko si Rico na kasama si Vic.
Vico Saha ang tunay niyang pangalan. Maaring nagtataka kayo kung bakit ako napaiyak at nagseselos ngayon. 'Yon ay dahil isa ring bakla itong si Vico. Biology major din siya gaya ko. College scholar siya ng dahil samin, ehh sa magaling siyang kumopya sa exams. Masyado siyang pasikat dahil magaling ngang kumanta. Naiirita nga ako kung minsan dahil isa rin ito sa mga insecurities ko ang pagiging second voice, Hindi ko kayang maging soloist. Kahit ganyan ang difference namin hello mas maganda kaya ako ng mga 5 meters. Meron siyang tinatagong landi, feeling ko nga eh may gusto siya kay Rico. Pero mas nauna ako noh ayaw lang umalis sa pagkakadikit ng ahas na ito Kay Rico. Hindi ko alam kung anong level ng kalandiang dumadaloy sa dugo nito at galit na galit ako sa kanya.

*balik sa dating time*

Nang maipakita ko ang picture Kay Byby...
Laking gulat din nito sa nakita.

"Ahy pigilan mo ko bukas bes, baka maupakan ko sits ng boung husay." Pagkasabi nito sakin.

"Yaan mo na..." Malungkot kong tugon sa kanya.

"Hmmmn bahala ka jan basta kalimutan mo na yang feelings mo sa kanya, ikaw lang ang nananakit sa sarili mo." Payo nito sakin.

"Hinding hindi ko makakalimutan ng basta basta ang feelings ko no. Ang tagal ko ng nasabi sa kanya tapos itatapon ko lang ngayong magiisat kalahating taon na ito?"

"Bes, lalake lang yan. Kahit na sabihin mong matagal mo na siyang mahal. Wala siyang pakialam sayo kasi nga walang kayo. Ikaw lang ang tumatali sa sarili mo at dahil sa taling iyan hindi ka na makawala." Muling payo nito sakin.

"Hindi ko naman kasalanan kung bakit siya yong mahal ko. Pero salamat sa advice mo." Malungkot ko paring tugon.

"Tsaka wag kang oa. Mas maganda ka kaysa jan sa Vic na yan. Ilang landi pa ba ang hinhintay mo sa kanya para mataohan ka.?" Tanong nito sakin.

"Isa na lang... Pag muli silang nagkalapit. Ayoko na sakanya at maghahanap na ako ng ibang gusto." Tugon ko muli kay Byby.

Bigla kong iniscreen shot yong picture nila. Ohh diba. Touch screen yong phone ko xD syempre katas yan ng pagiging scholar ng bayan at hindi naman ito yong tipong mamahalin mga dalawang libo lang to. Hahaha may price talaga xD.

*back to lungkot feeling*
So naiscreenshot ko na siya. Then biglang...

Peeeeep peeep.! Ayon busina ng motor ng sundo ko at sa wakas makakauwi na rin. Oh diba may sundo? XD may motor kami at hulugan lang naman ito. At naghihintay nga si father dear dahil siya lang naman ang driver. Mwahahaha.

"Oohy mauna na ako Bryllie, kitakits na lang bukas :-)." Pagpapaalam ko sa kanya.

"Sige bye. Hayaan mo na muna yong nangyari. At bukas mo na isipin. Kakasimula nga ng bago nating chapter sa summer class tapos yon lang ang inaalala mo? Cge bye na." Pagpapayo niya muli sakin.

Biyahe...

Biyahe...

Biyahe...

At ayon naka uwi na rin sa wakas. Siyempre deretso sa kama. Pagod na nga sa paglalakad tong mga paa ko, sumasabay pa ang kirot ng puso ko.
Para mawala ang stress nagpakawala ako ng malakas na sigaw...
Sabay takip ng unan para malabo nilang marinig...

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh........"
Natanging sigaw ko.

Dahil di pa rin ako makamove on sa nakita ko... Kinuha ko ang cp ko at pinindot ang icon ng messenger at pinindot din ang convo namin ni Rico... Tapos nag type ako...

The end xD

#A/N : hi guys so what? Haha ano kaya ang sasabihin ni Jess kay Rico?

Abangan.

Yung tungkol sa cover photo. Pang poor talaga noh? Haha umaasa lang ako sa free data. Dba cnu ang papanig sakin. XD

***ahhm comments po and suggestions kung meron.
Like niyo na rin para bongga ang life ..

#richard

Memoirs: Refused One (gayxboy)Where stories live. Discover now