CHUBBY 2 (Ang paglalakad)

406 10 0
                                    

Nagsisilabasan na ang aking mga cmate. Ang iingay lang naman nila dahil sa nangyaring exam namin.
Pinaguusapan ba naman yong mga sagot nila sa test tsaka wala na akong pakialam doon noh natapos na nga pinaguusapan pa. Hmmnp mauubos lang ang dugo ko doon. Haha churva lang.

Chitchat...

Chitchat...

Chitchat...

Hala sige lang pagusapan niyo yang test babagsak din kayo vvwahahaha!!! (Devil laugh lang xD)

*sa daan*
Heto kami naglalakad kasama tong malandi kong kaibigang si Bryllie Aghero...

Siya ang palagi kong kasama sa paglalakad. Punong-puno yan ng kalandian dahilan na lang din sa mga nababasa niya sa wattpad xD (Hindi ko ibig sabihin na malandi yong mga nagsusulat gaya ko xD it's just that 'yon ang epektong nakikita ko sa kanya) at malapit siya sakin kasi perehe keme neng gender xD. Kahit ganyan yan, matalino siya scholar yan ng university. Siya at math major kagaya nina Kevin at higit sa lahat may kaya siya sa buhay. Minsan nga eh nagsolo flight na manood ng 50 shades of gray. Ganoon na talaga kalala ang Kanyang kalandian hihi xD.

"Hi Rico, kumusta ka... Kumusta na tayo?" malanding pagkasabi ni Bryllie kay Rico.

Ahy oo nga pala...

*flashback*

"Jess, maglalakad kayo ngayon papunta sa terminal niyo?" Tanong ng napakapamilyar na boses na para bang humahalik sa aking tainga ang bawat letrang kanyang binigkas.
Siya si Rico Tacilab, matagal ko ng gusto since first year second sem. (Ahy oo nga pala, summer class namin ngayon). Maputi siya, kulot, normal lang ang build, mas matangkad ako, matalino at ang pinakagusto ko sa lahat nagblublush siya pagnakangiti. Kaya gusto ko siyang jinojoke ehh.
Parehas nga pala kami ng major which is Biology.

"Ahh--hm oo, maglalakad kami bakit?" Matipid kong sabi dahil crush ko nga siya. Nature na talaga natin ang napapatameme pag kaharap natin ang kinababaliwan natin.

"Pwedeng mmmakisabay? :-)" kinakabahang pagkasabi nito.

"Oo ba. :-D" agad kong sabi. This is it. Forever na to. Ahhyieh.

"Oh bes punta muna ako sa CR" biglang pasok ni Bryllie sa usapan.

"Sasama na ako, paputok na rin kasi 'tong matres ko. Haha Haha" sabay naming tawa.

"Hintayin mo na lang kami sa labas hah Rico?" Balin ko sa kanya. Wala na siyang sinagot kung di tango na lang.

So tinungo na namin ang CR.

*@ present*

Napangiti na lang si Rico ng nadinig ang malanding joke ni Bryllie.

"Anu ba naman. Anung klase siyang kasama wala man lang imik!" Bulong sakin ni Bryllie.

"Yaan mo na minsan lang yang sumama satin eh, baka kelangan magadjust. Tsaka bawas bawasan mo din kaya yang kalandian mo." Pagpapaliwanag at pangiinis ko sa kanya.

"Etoh naman alam mo namang 'yon lang ang kasiyahan ko babawasan ko pa. Gusto mo bang imaging malungkot? :-(" pagmamalambot niya sakin.

"Ohh sige na nga, basta akin siya ah." Pagkasabi ko sa kanya.

"Oo naman iyong iyo yan. Diko naman type. Hahaha" natatawa niyang sabi.

Para mabasag ang katahimikan niya (si Rico ) nagtanong ako ng iba't ibang mga bagay.

"So saan ba sang terminal niyo?" Ang tanong ko kay Rico.

"Ahhhm actually nakikisakay ako para libre sa pamasahe. Haha" mhhm ang cute niya.

"Ganoon? So.." Hindi ko na natanong dahil naputol ang usapan.

"Ahhy dito na pala ako Jess. :-) bye salamat sa time ninyo." Pagputol niya sa aming usapan.

"Sige bye"...
Maikli kong pagkasabi.

So dito pala sa lumber house nagtratrabaho si Papa. Ahhy papa pala ni Rico. XD
Yong feeling na nangangarap kang isang araw ipapakilala niya ako sa family niya. Haaaay heaven.xD

"Oh ayan dito na tayo sa terminal." Pangbasag ni Bryllie sa aking pagpapantasya.

"Eto naman nagmomoment pa ako ehh". Sabi ko sa kanya.

*sa loob ng jeep*
"Girl usod ka, may pogi eh bilis." Malandi kong pangmamadli sa kanya.

Pero nauna yong aleng mataba kaya ayon siya ang pumunta sa aming tabi.
"Ay anak ng taba ng pating naman oh. Bakit kasi antagal umakyat sk kuya." Pagkainis kong sabi sa aking isipan.

Pero sa awa ng Diyosa ng Kabaklaang si Uranus. Hahaha umupo siya sa aming harapan Sabay kurot ko sa tagiliran ni Bryllie. Haaay salamat kay Diyosang si Uranus, kasi okay na kahit di namin siya katabi basta nasa harap namin siya.

Habang binabaybay namin ang daan patungo sa aming kahariaan panahon na rin para I check ang FB page ko tsaka Instagram at Twitter. Habang itong si Bryllie naman ehh isinasagawa ang daily maintenance niya which is ang pagbabasa ng wattpad. Hahaha yon na kasi ang routine ng aming buhay.

Habang iniiscroll ko ang aking newsfeed...
Ohhw mmyy goshhh!

Biglang may kurot sa aking puso na parang tinutusok ng malaking cactus...

The end...

#AN : Hahaha muli, Hindi pa po nagtatapos ang #RBY kaya marami pang pagdadaanan si Jess.
Ano kaya ang nakita niya sa kanyang newsfeed na ikinurot ng kanyang puso?

Abangan ang susunod na mga pangyayari.

#para doon pala kay Diyosang so Uranus ...kathang isip lamang po iyon Haha.
Any suggestions po or comment man lang? Like niyo na rin para mas bongga. :-)

#chito

Memoirs: Refused One (gayxboy)Where stories live. Discover now