CHUBBY 14.1 (The project proposal)

85 0 0
                                    

Halos dalawang linggo name ang nakalipas, tadtad na kami ng mga paper works na wala naming kinalaman sa subject. Siguro merong kinalaman pero Hindi ko lang alam ang koneksyon nito.

Dalawang Linggo na at nananatili paring stable yong nararamdaman ko tungkol kay kuya JR.

At eto... Ngayong araw na ito, mismong pupunta kami kina Rhean upang ipatupad yong project proposal namin. Doon kasi namin isasagawa ang kakaibang action plan na recquirement namin sa STS (science, technology and society)
Ito ang aking pinaghandaan dahil nga sa magkasama kami ni Rico sa aming grupo and I thank God for that. At may isa pa akong pinagpapasalamat ito ay ang hindi namin kagrupo si Vic. Sa nakaraang major namin ay palagi ko siyang kagrupo o di kaya y palagi silang magkagrupo ni Rico and it sucks me out of nowhere, hindi naman sa ayaw ko na kasama siya its just that naiilang akong makisama sa taong pinagseselosan ko.

Grabe text sila ng text sa akin kung nasaan naba ako, anong oras akong bibyahe, o saang daan na ako naroroon. Ang dami nilang tanong at problema sakin eh nandito lang naman ako sa bahay. Hahahaha :-D

Tamad lang po Lol. Dahil sobra na silang overacting. Nag text na ako sa kanila.

"Heto, on the way na ako mga bes." Message sent √

One message from B.tintin
"O sige basta bilisan mo lng."

"Ahy, ako yong driver ateng?" Message sent √

Si Tin talaga ang tagal makagets at madaling lokohin. Lol. Siyempre dadalihan ko na lang din ang pag ligo at pagbihis, nahanda ko naman na lahat ng aking kinakailangan.

*after so many seconds* lol... at least hindi minutes o hours.

Actually 1200 seconds ang itinagal ko achievement na rin para sakin iyon no, ang earliest time ko kasi is 1203 seconds. Woah palakpakan naman diyan mga tsang. XD kayo na rin pala ang bahala sa pag convert ng seconds to minutes nakakabobo kasi. Hahaha

Kanina pa pinapaharorot ni father dear yong motor, in fact siya yong dahilan kung bakit mas napadali yong paghahanda ko. Ewan ko ba kung bakit ganoon siya, para bang may pupuntahan eh sa bukid lang naman tsaka hindi dapat pinapadali ang isang dalagang anak.

Lumabas na ako ng bahay and then sumakay na sa aming sasakyan.

Biyahe

Biyahe

Biyahe

At nandito na ako sa paradahan ng jeep. Hindi pa rin sila nagtitigil sa pagtext sakin ng kung anu-anong tanong at eto naman ako parelax-relax lang ang ate niyo. Habang ako'y masayang tinitignan ang mga tanawin na aking nadadaanan, bigla naming tumunog ang aking cellphone dahil samay nagtext naku nakakahiya sa mga nandito mga bes. Sa mga sandaling iyon kasi ay tumigilna muna silang magtext sakin. Dali-dali kong pinindot ang silent mood.

"Sino bang anak ng ...." Pagmumura ko sa isip isip ko.

"Ay si Rico pala." Nagtext sa sakin at tinatanong kung asan na talaga ako.

"Naku kung hindi lang kita boyfriend sinusumpa na kita sa ngalan ni Dyosang si Uranus, pero since ikaw ang nagtext siyempre mabait ako kaya rereplyan kita." Mhhhmm? Boyfriend agad? Hahahaha ano ba tong iniisip ko.

"Kunting hintay lang be" message sent. Hahaha kulang ng 'S' bes dapat yan at kulang din ng period para di halatang sinadya ko iyon. *insert killer eye here*

Sa kabila ng pangungulit ko...

May nagtext. "Bes, pwedeng sumama? Wala kasi akong gagawin dito eh." Text ni Jeson, isa naming kaklase na old school ang dating na pangmilitary ang galaw pero manong ang mukha. Hahaha peacepo.

"Hindi ko alam eh nasa iyo yan kung gusto mong sumama po." Message sent.

1 message from B.Rico <3 "Uhm sasama daw sina Jeson at si Frank ok lang ba sa iyo."

"Kung gusto nila edi okay lang. Basta magbibigay sila ng contribution sa makakain ." Message sent.

Ano ba naman akala ko kaming dalawa lang ni Rico ang magkasama ngayon,ito n asana ang tamang panahon para masolo ko siya pero may chaperon kami, dalawa pa hah. Nasaan ang hustisya Diyosang Uranus? Huhuh. At eto naming si Jeson, nagtanong pa sakin kung pwedeng sumama eh nasabi nap ala niya kay Rico. Tsk.

Huminto na ang jeep, tapos na pala ang biyahe. Next pupunta ako sa Aurora Park doon kasi ang meeting place. Dalawang kanto lang naman ang lalakarin kaya okay lang kayang-kaya ng Horse Power na ibinigay ni Diyosang Uranus sa kin yan.

Dali-dali akong pumunta sa tagpuan at doon una kong nakita si Rico kasama na niya si Jeson. Wow ang bilis naman niya XD, minsan may pagka Horse Power din tong si Jeson ehh nararamdaman ko lang kasi diba kaming mga bakla naamoy namin ang aming kapwa XD hahaha.

"Hihintayin pa natin si Frank." Pagkasabisabi ni Rico sakin.

Hmmnnn woahh pagod ako't hingal na hingal. Wala bang goodmorning or good day na pambungad sakin? Im devastated, exhausted and sweaty *insert labas dila here*

"Woahh .. Okay, bibili lang muna ako ng snacks at tubig diyan, paki bantay lang muna tong bag ko tsaka tong sinungkit kong mangga. Thank you.

Agad agad akong pumunta sa katabing... Actually ang pangalan nito ay SM Hypermarket hindi ko madistinguish kung mall or department store. Lol ...

Bumili na ako ng makakain, mga junkfoods, biscuits tsaka yong tubig. Siyempre pinili ko yong kakasya sa pera ko. Hahaha oo na ... alam na ...XD

###hello po sorry kung kakaUD lang hihi eh marami talagang ginagawa isama mo na rin itong walang internet connection.

Yan po muna ang chapter 14.1 ahhmm susunod na lang yong part two niya.

Paki vote na rin and comment if ever.. kahit bilang lang ang readers nito. Basta tatapusin ko pa rin hahaha.

#misssilver <3


Memoirs: Refused One (gayxboy)Where stories live. Discover now