Chubby 11 (Little Chance)

97 3 0
                                    

--------Jess' PoV---------

Ngayon ay di parin ako makatulog dala ng kakaisip doon sa chubby ko thingy. Agrhh malapit ng magbukang liwayway eh hindi pa ako nadadalaw ng antok.

Halos lahat na ng dapat gawin upang makatulog ehh nagawa ko na. Nagbilang na ako ng 1-100 nakalagpas pa nga ako.  Nagawa ko na rin lahat ng posisyon para makatulog; nagplanking, nagsideview to the left and to the right, Buddha's style, tsaka dog's style Haha joke lang. Nakainom na rin ako ng 09485395409 na baso ng tinimplang gatas pero di parin tumalab.

Kaya nag play na lang ako ng music yong medyo mabagal at fresh ang voice. Now playing 'Pansamantalang Panyo' song ni Kean Cipriano.

Grabe naman ito lang pala ang kinakailangang gawin hmmmn.

Ang naging resulta, nakatulog ako ng maagang maaga literally mga 01:23:45 AM.

Nagising na lamang ako ng tumugtog yong 'Bang Bang' by Jessie J, Nicki Minaj, at Arriana Grande. Nakashuffle kasi ako kanina. Halos maalimpungatan ako dahil sa lakas at birit ng panimula nilang kanta.
Sakto namang mga 06:56:59 ng umaga nang magising ako pero ang oras ng klase namin is 1:00:00 PM. Kaya natulog muli ako ng mahimbing at nang masatisfy ko ang urge ko sa pagtulog nagising muli ako mga bandang 09:32:45, ng umaga syempre Hahaha ganoon na ka OA yong orasan ko parang stop watch lang.

So dito ko na isinagawa ang aking daily routine at minsan ay nagkakabalibaliktad ang pagkakasunod sunod.

Hilamos

Mumog

Kain (breakfast and lunch)

Ligo

Bihis

Eh naka yellow shirt+ red pants+ red shoes+ flower designed napsak bag= Pak!! Perfect OTD di ko lang alam kung pasado sa taste niyo ang pananamit ko Haha :-D

Pagkatapos ng daily routine ko agad akong nagbiyahe excited kasi akong ishare lahat ng nalalaman ko ngayon doon sa mga kaibigan ko.

Siguro alam niyo na naman yong nangyayari kapag nagbibiyahe kayo diba? Wala kasing kakaibang nangyari sa jeep.

So nakarating at nakaapak na ako sa gate ng aming paaralan, the same professors, classmates, friends, guards, janitors, rooms at same tambayan.

Nakita ko na yong tatlo kong friends na kapwa ko genius Haha alam niyo na... Feel lang namin. Nandodoon sila sa isang round and around and around and a round na table (kantahin niyo yan) Haha. Nakita ko ring nandodoon si Rico, kakausapin ko na sana siya pero...

Naunahan ako...

Naunahan ako ni Vic *insert angry emotional emoticons here* arrrghh.!!
Baaaaaakkkkiiiittt??!!!

"Bakit siya pa? Bakit di ako ang iapproach mo?" Tanong ko ng palihim. Inulit na naman niya. Aaarrrgghhh!!!

Dahil sa magkahalong selos, galit at lungkot sinenyasan ko yong tatlong magagaling na pumunta sa room namin ngayon. Kitang kita nila ang emosyon sa aking mukha kaya agad nila akong nagetss ang gagaling talaga nila noh? XD

Oras na ba para maglet go? T-T

Ng makaakyat kami, YES sa second floor ang room namin ngayon, nag chitchatan na kami at nagkatuwaan. Hindi ko na shinare yong tungkol doon sa 'chubby ko' thing.  Binalin ko na lang yong negative thoughts ko sa mga masasayang bagay tulad ng mga friends ko.
Sa ngayon ay nakaupo kami malapit sa bandang pintuan
Then suddenly...

00:20:00 before the time, bigla na lang akong nakaramdam ng malamig na hangin at lumiwanag sa aming banda na para bang may mahiwagang mahika na bumabalot sa boung silid.

Memoirs: Refused One (gayxboy)Where stories live. Discover now