Chapter 1

16 3 0
                                    

Malakas ang buhos ng ulan sa gabing yun. Hawak ang payong sa kanang kamay samantalang ang kabila naman ay dangan ang mga gamit kong iniiwasang mabasa sa ulanan. Mga school works yun na kakabigay pa lang ng professor namin kaya malalagot ako kung mababasa yun. Kainis naman kasing Prof yun, over time na naman. Lagi na lang ganun. Para bang na sobrahan naman sa sipag at pati uwian gusto pa kaming pigilan. Ayan tuloy inabutan na kami ng ulan gabi pa naman na hmp!

Lakad takbo ang ginawa ko para mas mapadali ang pagpunta sa pinaka malapit na waiting shed sa University namin. Hindi naman yun kalayuan kung susumahin pero dahil na din sa ulan ay parang mas nababagalan pa ako sa mga hakbang ko.

"Kainis! Bakit ba kasi ngayon pa umulan? Bakit hindi na lang mamaya para naman nakauwi na ko nun?" Naiinis na bulong ko sa sarili ko dahil gaya ko'y may mga ibang estudyante rin akong kasabayan na kapwa nagmamadali sa paglalakad. Mahirap ng may makarinig at baka pagtawanan lang ako dito.

Nung makalabas ako sa gate ng school, naaninawan ko ang isang lalaking parang estatwang nakatayo sa ulanan sa may tabi ng kalsada, malapit sa may waiting shed.

Napahinto ako at pinagmasdan siya mula sa malayo. Hindi niya ako nakikita dahil sa bahagyang siyang nakatagilid na wari mo ba ay may tinatanaw sa kabilang dako ng kalsada. Hindi ko naman mawari kong ano yun, pero siguro may hinihintay siya kaya ganun.

Ang lungkot ng awra niya. Batid kong kanina pa siya dun nakatayo dahil sa basang basa na yung suot niyang damit, maging nga yung sapatos niya ay pwede na ding pigaan dahil sa pagkabasa. Kaya dahil na din sa awa ay naglakad ako papunta sa gawi niya para sana payungan siya. Ngunit nagulat ako ng mapagtantong bahagyang umaalog ang balikat niya.

Umiiyak ba siya? Pero bakit? Bakit sa gitna pa ng ulanan? Anong dahilan at bakit siya nakatayo dun ng mag-isa? Hindi ba niya alam na maaari siyang magkasakit sa ginagawa niyang yun? Hay! Kainis na lalaking 'to. Dumagdag pa sa alalahanin ko.

Nang makalapit nga ako sa kanya ay pinayungan ko siya. Hindi ko na inalintana kung magmukha din akong tangang gaya niya sa pagtayo dun. Pero wala na akong pakealam dahil naaawa naman ako sa kalagayan niya.

"Ano bang ginagawa mo diyan! Magpapakamatay ka ba ha! Puwes para lang malaman mo, hindi ka mamamatay sa simpleng ulan lang. Sakit lang ang makukuha mo dito, kaya halika na!" Bulyaw ko sa kanya dahil sa parang wala siyang nakikita sa paligid niya.

Tumingin naman siya sa gawi ko nung matauhan siya. Bahagya pa siyang nagulat ng makita ako kaya naman inilipat ko sa kabilang kamay ko yung mga gamit na hawak ko, saka ko siya hinila patakbo sa waiting shed.

Nang makasilong nga kami ay binitawan ko na siya. Inilapag ko naman yung mga hawak ko sa isang pasimano dun para pagpagan ang uniporme kong basa na ngayon sa ulan.

"Ano okay ka lang ba ha?" Baling ko sa kanya ng mapansing nakatayo pa din siya sa harap ko.

"H-ha? Ah o-oo naman." Matipid niyang sabi na tila wala pa rin sa sarili.

"Next time piliin mo naman yung tatambayan mo ah. Kung gusto mong magmoment, please wag dun sa maraming tao. Ang sakit mo sa ulo eh."

"Pasensya na. " Bahagya siyang maglakad papunta sa tabi ko upang makaupo ngunit nagiwan siya ng sapat na distansya sa pagitan naming dalawa.

"Alam kong hindi tayo magkakilala pero matanong nga kita. Anong ginagawa mo sa gitna ng ulanan ha? Bakit nakatayo ka dun kanina? Balak mo bang magkasakit ha?" Walang pakundangan kong tanong sa kaniya dahil maging ako ay naiintriga sa mga trip niya sa buhay.

"Wala naman. M-May hinihintay kasi ako kaya nandun ako kanina. Malay mo b-balikan niya ko diba? Baka kapag nagkasakit nga ako ay bumalik ulit siya para alagaan ako." Malungkot ang tunong sabi niya.

"Sinong hinihintay mo kung ganun? Bakit hindi mo na lang siya puntahan? Hindi yung magpapaulan ka pang mag-isa."

"Yung girlfriend ko. Kaso tang*na alam ko namang malabo na niya akong balikan eh. Pero ito naghihintay pa din ako hangang ngayon." Bahagya siyang yumuko saka pasimpleng nagpunas ng luha.

"Eh g*go ka pala eh. Bakit hindi mo nga puntahan kung na saan man siya? "

"Hindi pwede. Hindi na pwede kasi iniwan na niya ako. Hindi na niya ako kailan man babalikan eh. Hindi na siya babalik sakin."

"Kung ganun bakit nandito ka pa din? Bakit naghihintay ka pa din dito kung alam mong hindi na siya babalik? Pwede ba, sarili mo naman ang alalahanin mo ngayon. Hindi lang siya ang tao sa mundo. Marami ka pang makikita at makikilalang iba diyan. Kaya move forward, you need it anyway. " Mahabang litanya ko habang sinusubukan siyang patahanin.

Alam kong wala ako sa posisyon para magsabi ng ganun sa kaniya pero siguro hindi naman masamang magalala ako sa kanya hindi ba? Kahit papano ay pinapahalagahan ko ang buhay at ang kaligtasan niya. Kahit papano ay may puso pa din naman ako.

"Subukan mong palayain ang nararamdaman mo para sa kanya. Palayain mo na din ang sarili mo mula sa mga alaala niyong dalawa. Tandaan mo tao ka lang. Hindi ka martir at mas lalong alam kong hindi ka ganun ka timang para panghinayangan pa siya. Ikaw yung iniwan, puwes kawalan niya yun, hindi sayo."

Mataman niya akong tinignan kaya kahit na medyo naiilang na ako dahil sa mga titig na binibigay niya sakin ay mas pinili ko pa ding magpatuloy sa pagsasalita. Isang kahibangan lang kung babawiin ko pa ang lahat ng mga sinabi ko kanina. Kaya mas mabuting pangatawanan na 'to dahil paniguradong hindi ko naman na siya makikita sa susunod diba?

"Kung mahal mo talaga siya pag-aralan mong palayain siya. Kasi ang tunay na pagmamahal ay mapagparaya. Hindi yun makasarili para ipilit ang mga bagay na hindi na pwede. Kayanin mo dahil pinasok mo yan kahit alam mo namang sa larangan ng pag-ibig ay hindi lang puro saya lagi. Masasaktan at masasaktan ka pa din sa huli kahit anong gawin mo."

Kinuha ko na ang mga gamit ko at saka tumayo na dahil sa natatanaw ko na ang sasakyan ko pauwi. Muli ko siyang tinignan ngunit hayon at nakayuko na siya sa kinauupuan niya. Kinapa ko ang bulsa ng suot kong uniporme at ng makuha ang hinahanap ay muli ko siyang nilapitan.

"Sayo na 'to. Gamitin mo yan para punasan yang mga luha mo. Hindi kasi magandang tignan kung uuwi kang luhaan eh. Sayo na din yang payong gamitin mo para hindi ka magkasakit." Inilapag ko sa tabi niya yung panyo ko pati na din yung payong na ginamit namin kanina. Tingin ko mas kailangan niya yung mga yun kaysa sakin ngayon eh. Saka aalis naman na ako kaya okay lang. Tatakbuhin ko na lang yung papasok samin kapag nagkataon.

Philophobia Where stories live. Discover now