CHAPTER 13

3 0 0
                                    

FREELY ELYN'S POV

Hanggang ngayon ay hindi pa din halos nagsisink in sa akin yung kwento sa likod ng matiyagang paghihintay niya doon sa waiting shed. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko kanina matapos niyang ikwento lahat sakin. Hindi ko din alam kung ano ang sumunod na nangyari dahil basta ko na lamang natagpuan ang sarili kong nakayakap na sa kanya.

Naaawa ako dahil sa pinagdaanan niya dahil maging ako man ay may parehong iniisip ng sa kanya. Walang karapatan si Lex o kung sino man yan na pagdamutan siya ng katutuhanan. Walang sino man ang may karapatan para saktan siya at bigla na lang iwanan matapos ng lahat ng ginawa niya para sa kanila. Hindi deserve ni Vince na paghintayin at pagmukhaing tanga sa harap ng madaming tao nung gabing yun. Hindi niya deserve na lahat yun.

Nakakatawa kung bakit nagkakaganito din ako ng dahil lang sa nalaman ko tungkol sa kanya. Masyadong malayo sa ugali ng isang Free ang magmukmok dahil lang sa isang tao, pero tignan niyo naman kung ano ang ginagawa ko ngayon. Nandito sa labas ng veranda sa loob ng kwarto ko habang parang sirang nakatingin sa malayo at patuloy na inaalala ang itsura ni Vince kanina.

Malamlam ang mga mata niya at nagsusumigaw doon ang lungkot at pagkalito niya. Samantalang sa tuwing ngingiti siya sa kawalan ay mapapansin mong isang maskara lamang yun na ginagawa niya para pagtakpan ang dinadala niya.

Napapaisip tuloy ako kung ano kaya ang ginagawa niya sa mga oras na 'to. Kung umiiyak pa ba siya, o tulad kong hindi din makatulog? Iniisip niya kaya si Lex ngayon? O baka patuloy niya pang kinukwestyon ang sarili niya ngayon? Hay ewan! Pakiramdam ko tuloy ay masisiraan na din ako nang bait dahil sa kanya.

Wala sa sarili tuloy akong napatingin sa phone na hawak ko at nung makita kong 11 PM na ay napagpasyahan ko na ding pumasok. Nauhaw naman ako bigla kaya dumiretso muna ako sa baba para kumuha ng maiinom sa kusina. Siguro naman ay tulog na sila Mama at Papa diba?

Pero nung akala kong ako na lang ang nagiisang gising sa buong bahay ay napairap na lamang ako ng makita ko si kuya Cane na nag-aaral sa sala. Bakit kaya dito niya naisipang mag-aral ngayon? Usually kasi ay sa kwarto niya siya lagi nagkukulong eh, pero ngayon ay naiba ata. Nang makita naman niya ako ay tinanguan pa muna ako ng loko.

"Bakit gising ka pa Free? Late na ah." Nagtatakang tanong nito.

"Kukuha lang ng maiinom. Nauhaw ako bigla eh." Sabi ko at saka na nagtuloy papuntang kusina. Hindi ko naman mapansing sinundan niya pala ako at bahagya pang sumandal sa may bungad ng pinto.

"Alam mo may napapansin akong kaiba sayo lately. " Muntik ko nang maibuga yung iniinom ko dahil sa sinabi niya kaya mabilis ko siyang nilingon sa kinatatayuan niya.

"Ano naman yun? "

"Ewan, di ko din masabi eh. Pero isa lang ang masasabi ko, may gumugulo sayo. " Makahulugan niyang sabi.

Siguro pwede kong itanung 'to sa kuya ko tutal ay lalaki naman siya at baka matulungan niya pa ako dito. Hindi ko na din kasi alam kung ano ba yung nararamdaman ko eh. Masyadong magulo.

"Kuya may nagugustuhan ka na bang babae? " Wala sa sariling tanong ko dito. Nakita ko namang bigla siyang namula at hindi na makatingin sa akin ng diretso.

"Ano ba yang tanong mo. Matulog ka na nga sa kwarto mo. " Bigla naman akong Nagulat sa inasta niya at bigla pa sanang aambang tatalikuran ako nang muli akong magsalita na nakapagpatigil dito.

"Alam mo kasi hindi ko maintindihan ang sarili ko. May taong laging gumugulo sa isip ko nitong mga nakaraang araw. Ewan ko ba. Alam kong ang weird lang, pero kasi kahit anong gawin ko hindi siya mawala sa isipan ko. Hindi ko na tuloy alam kung anong gagawin ko." Litong lito ng sabi ko kay kuya Cane. Natatangang nilingon niya ako na tula hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Alam kong aasarin mo na naman ako kaya mabuti pang kalimutan mo na lang yung sinabi ko." Biglang bawi ko sa sinabi ko sa takot na husgahan niya ako.

"Did I hear it right?" Namamanghang tanong nito sa akin.

Nilagok ko ang tubig sa basong hawak ko at saka inilapag yun sa lababo namin at aastang lalampasan siya pero maagap niya akong hinila para makaupo kami sa harap ng hapag.

"Kung hindi ako nagkakamali ay naguguluhan ka sa nararamdaman mo ngayon tama ba? Well, ang maipapayo ko lang ay hayaan mo lang na tanggayin ka ng tadhana at abangan mo na lang ang mga susunod na mangyayari. Huwag mong ipipilit ang gusto mo dahil maaaring ikaw lang din ang masaktan sa huli at ang masaklap pa doon ay baka magkasakitan pa kayong pareho." Bahagya niyang ginulo ang buhok ko.

"May iba siyang gusto kuya, at ang masakit pa ay hindi niya alam na ganito na ang nararamdaman ko para sa kanya. "

"I can't do anything to ease the pain that you are feeling right now sis. Pero kung talagang nasasaktan ka na, then distance yourself to them. Hindi ka naman na bata para magmukmok na lang sa gilid diba. Maybe yes, you are not that old enough to carry that burden, but you are not a kid anymore to make yourself stupid. " Makahulugang litanya nito.

Para tuloy akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Should I really need to let it pass? Is my feelings really valid in this situation? Sa pagkakaalam ko kasi hanggang ngayon si Lex pa din ang gusto niya. Paano naman yung nararamdaman ko? But how silly, wala nga pala siyang alam tungkol dito.

Napabuntong hininga na lang tuloy ako at saka humalumbaba sa mesa na nasa pagitan namin ni kuya. Hindi ko na nga namalayan ang paglipat niya sa tabi ko dahil sa dami ng mga bagay na gumugulo sa isip ko.

"I can lend an ear you know. Alam ko na madalas kung magasaran tayo pero sana tandaan mo na kuya mo pa din ako. Oh' I forgot, dalawa kaming kuya mo na nandito. You can always talk to us if you feel like the problems are getting big. We love you baby sis." Then he hugged me. That is one of the warmest hugs that I've received. Hindi ko na tuloy namalayang tumutulo na pala yung luha ko dahil sa mga sinabi niya.

"Shush now. Sige ka, mamamaga mata mo bukas kung patuloy kang iiyak dyan. Gusto mo bang asarin ka ni Josh? For sure asar talo ka na naman dun." Bahagya siyang bumungisngis kaya pinalo ko siya sa braso. Mabilis ko na lang din tuloy na pinunasan yung luha ko dahil sa takot na baka makita nga kami nung isa ko pang magaling na kuya. Tama na yung isa lang sa kanila noh' dahil baka pagtulungan pa nila ako kung pareho nilang malaman na broken hearted ako.

"Thanks for tonight kuya Cane." Sinsirong sabi ko dito. Tumayo naman na siya pagkatapos nun at bago umalis ay bahagya pa niyang ginulo yung ulo ko.

Philophobia Where stories live. Discover now