Chapter 2

5 3 0
                                    

Pagkaupo sa loob ng bus na nakahinto sa tapat ng waiting shed kung saan kami naroon kanina ay muli ko siyang tinignan. Ganun pa din sa kung ano yung puwesto niya kanina. Nakayuko habang nakatingin sa panyong binigay ko sa kanya. Yung panyong yun ay may naka engraved na name ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ibinigay ko yun sa kaniya, pero siguro mas kailangan niya yun kaysa sakin.

Kung susumahin hindi ko naman ugaling kumausap ng taong hindi ko kilala. Pero yung nangyari samin kanina ay iba. Hindi ko inakala na sa unang pagkakataon ang isang Freely Elyn Magnayon ang siyang magsisimula ng usapan.

Ilang minuto pa ang lumipas ng umandar na din paalis ang sinasakyan ko. Unti unti siyang nanlalabo dahil sa ulan kaya mas minabuti ko na lang na hindi na siya gaano pang tingnan. Tingin ko naman ay hindi pa niya iisiping magpakamatay diba? Tanga na lang ang taong magkakaganun dahil sa pag-ibig.

Ang lupit mo naman kasi tadhana. Bakit sa lahat pa ng tao, siya pa yung makikita ko? Ako na ayaw sa ideya ng pag-ibig at yung lalaking yun na pinaglaruan ng pag-ibig. Ano yun? Parang timang lang.

Inilabas ko yung earphones ko mula sa bag ko saka ko yun ipinasak sa phone ko para libangin ang sarili sa pakikinig ng musika. Magaalas siyete y' medya na pala. Hindi ko man lang namalayan ang oras at dahil yun sa timang na lalaki kanina.

Hindi ko alam kung bakit pero nung makita ko siya kanina parang nasaktan din ako sa itsura niya. Naaawa ako dahil sa estado niya pero lamang doon ang sakit dahil sa tingin ko ay hindi bagay sa kanya yung ganun. Hindi bagay sa kanya ang umiyak dahil sa babae lang. Hindi dapat pinagaaksayahan ng luha ang mga taong nangiiwan. Umalis na nga tapos iiyakan pa niya. Kung ako siguro yun ihahatid ko pa sila. Masyado kong mahal ang sarili ko bukod sa kanino kaya okay na ako kahit mag-isa lang ako.

Ganun ba talaga kalupit ang pag-ibig? Bakit lahat na lang ng nabibiktimang paglaruan nun ay naiiwang luhaan sa huli? Ang swerte na siguro nung mga taong nakakahanap ng tunay nilang kapareha, pero nakakaawa ang mga naiiwan sa hulihan. Wala silang kakapitan at pansamantala silang titigil para maghanap ng rason para muling magpatuloy at ibahin ang daang tinahak nila dati ng may kasama.

Yun din siguro ang nangyari sa kanya. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula at paano pa magpapatuloy ng mag-isa. Pero ano man ang mangyari sa kanya ay bahala na siya. Hindi ko na trabahong makialam pa dahil hindi ko naman siya kilala.

Makalipas ang kalahati pang minuto ng makarating na ako sa pupuntahan ko. Nagmamadali naman akong naglakad pababa matapos iabot ang bayad kay manong. At tumakbo na para makasilong muna sa pinaka malapit na bahay dahil magpahangang ngayon ay hindi pa din humuhupa ang ulan.

Nakatayo lang ako dun para sumilong sana pero ng mapagtantong parang walang balak yung humina ay nagpasiya na din akong suungin ang ulan. Kung bakit ko ba naman kasi iniwan iwan pa sa lalaking yun yung payong ko eh. Ako ata ang timang sa aming dalawa dahil sa sinusubukan ko siyang aluin samantalang ako naman yung mas higit na nangangailangan nun.

Pagdating sa bahay ay agad na sumalubong sa akin ang amoy ng nilutong ulam ni mama. Matapos mahubad ang sapatos na basa ay mabilis akong naglakad papasok sa bahay namin.

"Nandito na po ako!" Malakas na sigaw ko para marinig nilang lahat. Nakita ko namang pababa ng hagdan si mama kaya't agaran niya akong sinalubong.

"Dios mio kang bata ka, bakit ka nagpaulan? Wag mong sabihing tinamad ka na namang magbukas ng payong kaya mas pinili mong magpaulan!" Galit nitong sabi sa akin ngunit kapag kuwa'y inabutan din ako ng malinis na towel.

"Mira hayaan mo naman munang makapagbihis yang anak mo. Hindi pa nga nakakaupo ay sinasalubong mo na agad ng sermon tsk." Singit ng papalapit na si papa sa usapan namin ni mama. Agad ko namang inabot ang kamay nito para magmano sa kanya.

"Ay sus! Kukunsintihin mo na naman yang anak mo Eduardo hmp!" Pasiring namang sabi ni mama kay papa na wari mo'y sinasadyang magtampo tampuhan dito.

"Ang asawa ko talaga oh'. Halika na nga at kumain na tayo dun. Baka gutom na yung panganay mo dun eh." Pasimple akong kinindatan ni papa para ipahiwatig na okay na. Nginitian ko naman siya ng malawak bilang tugon.

Hindi naman na ata mapagkakailang mas close ako sa papa ko diba? Papa's girl kaya ako at proud ako dun. Only girl lang ako sa magkakapatid eh. Kung hindi niyo kasi naitatanong ay may dalawang kuya ako. Yung isa graduating na sa college, samantalang yung isa naman ay first year college na din. Habang ako na nagiisang babae ay nasa senior high naman.

Hindi ko mahagilap yung dalawang yun minsan at ang minsan pa na yun ay disaster kung maituturing. Asar talo ako sa dalawang yun eh kaya mas mabuting wag na natin silang pagusapan. Hay! Mabuti na lang at kampi kami lagi ni papa.

"Oh' kilos na Ely at baka lamigin ka. Pagkatapos mong magbihis ay katukin mo na din ang kuya Josh mo dun para sabay sabay na tayong kumain." Pahabol na sabi ni papa ng makitang hindi pa din ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

"Opo." Sagot ko saka nagtatakbo na paakyat sa kwarto ko.

Inilagay ko naman yung mga gamit ko sa study table ko bago kumuha ng damit sa dresser ko at pumasok na din sa banyo para maligo.

Matapos makapagbihis ay nagsuklay lang ako at muli ng lumabas sa kwarto para bumaba. Hindi ko naman nakalimutang daanan para katukin ang kapatid ko sa kwarto niya. Malamang na kung hindi yun naglalaro ay nanonood na naman yun ng t.v. Sabagay ay yun lang naman ang libangan nun kapag wala ng mga school works na kailangan asikasuhin.

"Kuya Josh kakain na daw! Bumaba ka na sabi ni papa!" Sigaw ko sa tapat ng pinto niya habang patuloy na kinakatok ang pinto. Bumukas naman yun at nakita ko siyang parang pinagsakluban ng langit dahil sa gulo ng buhok. Nagising ko ata ang mokong.

"Ingay. Bumaba ka na pangit. Susunod na lang ako." Masungit na sabi nito saka muling isinarado ang pinto. Kita mo 'tong lalaking 'to. Ang sungit sungit. Daig pa ang babaeng may dalaw eh.

Nang wala akong mapala ay iniwan ko na siya dun. Bahala siya sa buhay niya, tutal naman ay hindi ako ang mapapagalitan ni mama kapag nagkataon hmp. Paghugasin sana siya ng plato mamaya.

Philophobia حيث تعيش القصص. اكتشف الآن