CHAPTER 14

2 1 0
                                    

The next day, late na akong nagising dahil sa halos inumaga na ako kakaisip ng tungkol sa nangyaring tagpo kahapon. Mabuti na nga lang talaga at Sabado ngayon kaya okay lang na tanghali na akong nagising.

Vincent is really unpredictable. Hindi ko na tuloy alam kung anong gagawin ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin matapos ng mga nalaman ko. Dapat ba na may sabihin at gawin ako para pagaanin yung nararamdaman niya? Hay! Kakainis.

Ang ending tuloy ay nagpagulong gulong na lang ako sa kama ko dahil sa kawalan ng ideya sa mga pwede kong gawin para sa kanya. Not until I heard kuya Josh voice behind my door na animong atat na atat na siya sa pagsigaw doon.

"Hoy Ely! Gumising ka na daw dyan sabi ni Mama at kanina pa naghihintay sayo yung bisita mo sa baba! Isusumbong kita kila Papa at kuya Cane mamaya sige ka! Nahimigan ko ang pagkairita sa boses niya.

Bisita? As far as I remember, wala kaming usapan ni Zusme na magkikita ngayon kaya sino namang tao ang magkakamaling puntahan ako sa bahay namin ng ganitong oras? Dali dali tuloy akong bumangon sa pagkakahiga at agad na nagtatakbo pababa ng hagdan.

Nasa hamba pa nga lang ako ng sala namin ay naaninag ko na ang pigura ng isang lalaking nakatalikod sa gawi ko. Naririnig ko din ang ingay na nanggagaling mula sa nakabukas na TV.

Hahakbang na sana ako sa pinaka huling baitang ng hagdan ng marinig ko ang isang boses na tila ang lalaking nakatalikod sa gawi ko ang kinakausap. Si Mama yun.

"May usapan ba kayo ni Ely ngayon 'nak? Hindi kasi yun tinatanghali ng gising kapag may lakad yun ng weekend eh."

"Ah, biglaan nga lang po itong lakad eh. Inutusan po kasi ako nang Mom ko na iinvite yung mga friends ko kasi birthday po ng nakababata kong kapatid ngayon." A familiar voice then said.

OMG! Is that Vincent? Anong ginagawa niya dito? At saka, paanong alam niya kung saan ang bahay ko eh wala naman akong sinasabi na kahit na ano sa kanya? Imposible namang may kakilala siya dito sa lugar namin diba?

Mabilis tuloy akong tumakbo sa gawi nila. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin napapansin ang presensiya ko dahil nga sa nakatalikod ito sa gawi ko. Ang unang nakakita sa akin pagkarating ko sa sala ay si Mama. Naniningkit pa yung mga mata niya sa akin na waring naweweirduhan na siya sa nakikita niya.

"Mabuti naman at gising ka na Ely. Nakakahiya kay Vince oh'. Kanina pa yang umaga nandito. "

"Po?" Tanong ko dahil ako man ay naguguluhan din sa mga nangyayari. Paanong kanina pa siyang nandito eh, ngayon lang ako ginising ni kuya Josh? Dapat kanina pa nila sinabi. Naman eh hmp!

"Oh' siya, ikaw na muna ang bahala sa bisita mo at maghahanda lang ako ng meryenda sa kusina. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan kayo." Sabi ni Mama bago nga siya nagmartsa paalis sa sala.

Mabilis naman tuloy akong pumunta sa harap ni Vince at saka nakapamaywang siyang hinarap. At aba ang loko, ngiting ngiti pa habang tinitignan ako.

"Good morning Ely." Nahimigan ko ang pangaasar sa boses niya. Pinaningkitan ko tuloy siya ng mata dahil sa inasta niya.

"Walang good sa morning ko lalo't magigisa ako mamaya ng pamilya ko. At saka nga pala, paanong nandito ka? Paano mo nalaman ang bahay ko ha?" Mataray na sabi ko dito. Pero parang wala atang epekto yun sa kanya dahil nagawa pa niyang tumawa.

"Before I answer your questions, you might want to check yourself first? Just simple advice tho."

Pinandilatan ko tuloy siya ng mata bago ko na realize kung ano ang gusto niyang sabihin. Shocks! Bangong gising nga pala ako. Nakakahiya! Nakakahiya! Isa kang malaking kahihiyan Freely Elyn Magnayon sa buong angkan niyo!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Philophobia Where stories live. Discover now