Chapter 3

15 3 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Maaga rin ang start ng klase ko ngayon kaya kailangan kong agahan para hindi malate. Mahirap na at baka ako'y salubungin ng walang katapusang sermon ng 'napakabait' na Prof namin sa first subject. Note the sarcasm sa word na "mabait".

Matapos ngang bumangon sa kama ay dumiretso na agad ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nag toothbrush na din ako para diretso pasok na ko pagkatapos kumain ng agahan. Mahirap na at baka maiwan ako ng bus. Pahirapan pa naman ang sakayan kapag tanghali na.

Kaya naman suot ang uniporme at bag ay bumaba na din ako pagkatapos. Saglit ko ding pinasadahan ng suklay yung buhok ko para hindi gaanong magulo dahil ayaw ko namang magmukhang bruha pagdating dun.

"Magandang umaga!" Magiliw na sigaw ko habang pababa ng hagdan.

Wala akong nakitang tao sa sala kaya malamang sa malamang ay nasa hapag na silang lahat, puwera na lang sa dalawang mokong na yun kung gising na sila.

Hindi naman ako nagkamali dahil bumungad sa akin ang nagkakape'ng si papa habang nagbabasa ng diyaryo. Namataan ko naman ang magaling kong mga kapatid na nakagayak na din para sa kanilang mga pasok. Habang si mama naman ay nakita kong nagtitimpla din ng kape. Umupo naman na ako sa may bakanteng upuan at saka nagsandok na ng sinangag. Naglagay na rin ako ng sunny-side up egg at toccino dahil paborito ko yun pareho, saka nagsimula ng ding kumain kasama nila.

"Siya nga pala Cane anong oras ka makakauwi mamaya?" Pagbasag ni papa sa katahimikan. Ibinaba niya ang binabasa niyang diyaryo para tignan si kuya na humihigop sa tasa ng kape niya.

"Hindi ko po alam. Nakadepende kasi yun kung may biglaang overtime yung mga Professors namin Pa."

"Ganun ba? Magpapatulong sana ako sayo eh. Pero kung hindi ka pwede ay ayos lang din naman dahil nandito pa si Josh." Napabaling ang atensyon namin bigla kay kuya Josh ng masamid ito.

"Pa naman, si kuya yung na unang sinabi mo eh. Bat naman biglang nalipat sakin." Busangot na sabi nito. Nakita ka naman ang mapang-asar na ngiti ni kuya Cane kay kuya Josh. Naku ha itong dalawang 'to talaga, lagot kayo pareho kay papa ngayon Tsk! Tsk! Tsk!

"Parang magpapasama lang naman ako sa bayan eh. May titignan lang tayo dahil sa in-offer ng tito Jude niyo. Saka isa pa mabilis lang naman tayo dun eh."

"What if si Ely na lang kaya ang isama niyo pa? Baka gusto niyang sumama diba Ely?" Halos mabilaukan naman ako sa narinig kong yun kaya agad kong kinuha ang baso ng malamig na tubig sa harap. Matapos ngang mahimasmasan ay binalingan ko nang masamang tingin si kuya Josh.

"Sorry pero kaya mo na yan kuya. Saka malalate na pala ako kaya kailangan ko na ding umalis." Mas mabilis pa sa kidlat na tumayo ako at saka humalik lang sa pisnge nila mama at papa bago kumaripas na ng takbo.

"Aalis na po ako! Bye bye everyone!" Sigaw ko hudyat ng pagalis ko.

"Huwag kang uuwi ng basa sa ulanan bata ka. Kung hindi ay lagot ka sakin kapag inulit mo yung kahapon!" Narinig ko pang pahabol na sabi ni mama. Nangingiti na lang ako dahil dun.

Hay! Mabuti na lang at mabait sa'kin ang lahat. Kawawang kuya Josh paniguradong mamamaalam muna siya sa pagsisiyesta niya mamaya. Napagkaisahan ba naman ng lahat eh.

Samantala, nang makarating ako sa may labas ng compound namin ay matiyaga akong nagabang ng masasakyan papuntang school. Maaga pa naman kaya sa tingin ko ay okay lang. Kung tutuusin naman ay pwede siyang lakarin kaso nga lang ay aabutin ka ng siyam siyam dahil medyo may kalayuan din ang distansya ng bahay namin sa school. Pero dahil sa tamad akong maglakad ay hindi ko pa nasusubukan yun. Saka isa pa wala naman akong makakasama pauwi kung gagawin ko yun eh, kaya mabuti pang sumakay na lang ng bus kahit na inaabot ako ng ilang minuto sa paghihintay minsan.

Makalipas nga ang ilang minuto at mukha atang sinusuwerte ako dahil may huminto ng bus sa harap ko. Mabilis naman akong sumakay dun at naghanap ng puwesto na malapit sa tabi ng bintana dahil sa gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.

Hindi ko alam kung bakit pero sumagi bigla sa isip ko yung lalaki kahapon. Umuwi na ba siya o pinanindigan niya talaga yung sinabi niyang magdamag siyang maghihintay dun. Grabe naman kasing nararamdaman nun. Hindi ko alam kung tama pa ba yung pananaw niya o hindi na. Masyado niya kasing kinukulong ang sarili niya dun sa babaeng sinasabi niyang hinihintay niya dun.

Makalipas ang ilan pang minuto ng huminto na ang sinasakyan ko. Nakarating na pala ako sa bababaan ko ng hindi ko man lang napapansin. Mabilis ko namang inayos ang mga gamit ko para bumaba. Sana naman ay maging maganda na yung panahon ngayon kasi paniguradong wala na akong ligtas sa mama ko kapag nagkataon.

Pagkababang pagkababa ko ay sandali kong pinagpag yung suot kong skirt para maunat yun. Kung bakit ba naman kasi napaka iksi eh. Kunti na lang ay pwede ka ng masilipan kung hindi ka magiingat tsk.

"Tingin mo ayos lang kaya si kuya? Kanina pa siya ganyan eh." Rinig kong sabi nang isang estudyante sa kasama niya habang naglalakad palampas sa akin.

Hindi ko alam kung ano yung tinutukoy nila pero mabilis kong iginala ang paningin ko para hanapin kung sino man yung tinutukoy nila. Nang makita nga ang tinutukoy nila ay pinagmasdan ko ito ng mabuti para makumpirma ang hinala ko.

Siya na naman. Wag mong sabihing nandito ulit siya dahil sa parehong rason gaya kahapon? Hay! Ito talagang lalaking 'to oo. Hindi ko na alam kung nasa tamang wisyo pa ba siya o nasisiraan na ng ulo. Ang aga aga pa pero nandito na agad siya.

Kung anong ayos niya bago ko siya iwan kahapon ay ganun pa din ang dinatnan ko ngayon. Ang tanging pagkakaiba lamang ay mukhang naka ligo na siya dahil nakasuot na siya ng uniform niya. Base naman sa nakita ko ay hindi siya taga rito. Siguro ay taga kabilang school siya dahil na din sa lace ng I. D na suot niya.

Kung bakit ba naman kasi dito pa niya nakuhang tumambay kahit na medyo may kalayuan din 'tong waiting shed na to mula sa school nila eh tsk.

Philophobia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon