The Boss' Deal

1K 53 10
                                    

Nadine's POV

Kakauwi ko pa lang from mall since pagkatapos namin maglunch ni Yass, inaya nya ko bigla sa mall para magshopping dahil namimiss nya daw ang bonding namin. Drama no?

Super busy kasi namin parehas e. Ako eto, napasok sa gulong di ko alam kailan matatapos. Kala mo sumabak ng gyera eno! OA much. Tapos etong si Yassi naman alam nyo ba ang pinagkakaabalahan? Ano pa nga ba kundi boylet -_-. Yan yung shinare nya sakin kanina.

May nakilala daw syang lalaki. Tret ba yung name? Ay bret ata! Basta yun. Nakilala nya daw sa isang coffee shop kasi daw syempre loner ang lola mo, e puno daw that time sa coffee shop so naki-upo etong si boy kay Yass tapos yon chinika na sya, etong si bestfriend mukhang na love at first sight kaya kinakarir ang pagpunta sa coffee shop everyday. Hoping na makita si Bret don. Ang status nya? Certified tambay sa coffee shop. Baka daw kasi si Bret na yung forever nya! Jologs diba?

Bumili din pala ako ng singsing kanina sa jewelry shop. Syempre para mas kapanipaniwala naman yung pagpapanggap namin diba? Ayokong mabuking ni Lolo. Mas matalino ata ako sa kanya no!

Nakapaghalf bath na ko and ready na ko para matulog since bukas magkikita pa kami nung asungot na yun. Sino pa nga ba? edi si James!

Patulog na ko ng biglang magring ang bagong phone ko. Oo kakabili ko lang kanina, napagastos pa ko -_-.

Kinuha ko sa patungan yung phone ko and tiningnan kung sinong tumatawag. Gabing gabi na sino ba to?

Unregistered number?

Di naman ako nagpalit ng sim. So sino to? May nanghingi ba ng number ko kanina? Wala naman diba?

Nacurios ako kaya sinagot ko na yung tawag.

"Hello, who's this?" sabi ko in medyo mataray way.

Hinintay kong magsalita yung nasa kabilang linya pero wala kong natanggap na sagot.

So for the second time, nagsalita ulit ako. Aba pipi ba tong kausap ko?

"Hello, uso magsalita?" sabi ko. Maya maya pa may nagsalita na sa kabilang linya.

"This is your handsome fiance." sabi nya na sa tingin ko nakasmile sya habang sinasabi yan. Fiancee ko? Oo nga pala! May fiancee na ko -_- Nadine kailangan mo ng masanay sa asungot na yan. Conceited masyado ano? Buhat na buhat ang sarili -_-

"Oh tapos? Teka! Saan mo nakuha ang number ko?!" sabi ko kasi di ko naman sya binigyan ng number ko. Calling card yung inabot ko sa kanya hindi personal na number ko. Paanong????? Saan nya nakuha??

"Sa pinagkuhaan?" ABA LINTEK! Pilosopo to ah! Alam ko namang kinuha nya yon sa pinagkuhaan nya anong tingin nya sakin? TANGA?!

"Hoy James, kung wala kang matinong sasabihin kausapin mo na lang yung mga halaman dyan sa inyo baka sakaling magkaintindihan kayo!" sabi ko sabay end ng call.

Wala kong balak sakyan yung trip nya no! Kabadtrip tong asungot na to! Sipain ko sya papunta sa planeta ni Matteo Do e!

Maya maya pa narinig ko nanamang tumunog yung cellphone ko pero this time may nagtext naman.

Sya nanaman? Ano bang nakain nya at mas makulit pa sya sa bata! Sinave ko na yung number nya kahit labag sa loob ko.

Labag ba talaga? - Heart

Heh! Shut up!

From: James ˋ﹏ˊ

Ganyan na ba ang bagong goodnight, bebe girl?

She's The BossDonde viven las historias. Descúbrelo ahora