The Boss' Bestfriend & The Past

40 1 1
                                    

Nadine's POV

Yawn! Good morning. Kakagising ko lang and may tunawag kasi. Si Yass nag-aaya mamasyal. San nanaman kaya kami pupunta? -_-

Since bored na bored naman na ko dito sa bahay dahil wala naman na kasing James na nanggugulo sakin. Teka? Bakit ba nasabi ko yon? Ang ibig sabihin ko wala naman kasi akong work ngayon kaya ako bored. Yon! Yun yung ibig kong sabihin.

Magsho-shopping lang siguro kami ni Yass today. Okay na yun matagal ko na rin syang di nakikita e. Nagluto na ko ng breakfast at habang naghihiwa ako biglang napansin ko yung singsing sa kamay ko.

Ito yung bigay nya.

Bwisit na lalaking yon! Minsan di ko maintindihan kung gusto ba nya ko o nakikisakay lang sya sa deal namin?

Malamang nakikisakay lang sya. Oo tama! Wag kang feeling Nadine.

I shook my head para bumalik yung focus ko sa hinihiwa ko. Utang na loob naman James! Pwede ngayon lang? Just! This! Day! Wag mong guluhin ang utak ko James Reid, please.

Agad ko rin namang tinapos ang paghihiwa ko at nagluto na. Habang nagluluto ako biglang tumunog yung phone ko.

Kinuha ko yung phone ko sa table and tiningnan kung sino yung nagtext.

Unknown number?

From: ********

Hi babe. I'll be home soon. Love you.

P.S: This is C ❤

Nalaglag ko sa sobrang gulat yung phone ko. C? Si C? Teka? Wait?

Uuwi na sya? Babalik na sya?

Teka?

Bakit pa?

Diba dapat masaya ko kasi babalik na sya dito? Pero bakit feeling ko sana wag na lang. Pero at the back of my mind parang nagpaparty sa puso ko.

Ano nga ba talagang nararamdaman ko?

Mahal ko pa ba sya?

Lord, please just give me a sign.

Bumalik ang senses ko ng maamoy ko na nasusunog na yung niluluto ko. Agad agad ko namang pinatay yung stove at naupo sa lamesa.

Mahal ko pa sya diba?

Selfish ba ko kung sabihin kong mahal ko sya at si James?

Hoy aba Nadine! Greedy much?

Pero siguro mahal ko lang si James dahil marami silang similarities ni C diba?

Masama ba ko kung ginagamit ko lang si James bilang rebound?

Paano pag bumalik sya? Paano si James?

Bakit ko ba iniisip si James? Ano naman kung bumalik si C?

Dapat ko na talagang itigil ang deal namin ni James. Masyado ng nagiging complicated to.

Baka hindi lang ang mga taong nakapaligid samin ang masaktan ko. Worst baka sya na ang sunod na masaktan ko.

Sa ngayon, alam ko ang sama-sama ko ng tao. Dahil sarili ko lang ang iniintindi ko.

Ang selfish selfish mo Nadine. Ano ng gagawin ko?

Bumalik muli ang sense ko ng tumunog nanaman ang phone ko.

Yassi Calling ...

"Hello Nadz!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's The BossWhere stories live. Discover now