Engagement Party

946 50 3
                                    

Nadine's POV

Sunday. 10AM

Nandito ako ngayon sa condo ko. As usual nagluluto lang ng breakfast. Mamayang 7pm kasi ang sinasabing engagement party namin ni James.

Last night tinawagan ako ni Lolo para sabihin sakin yung engagement party. Syempre oo na lang ako ng oo -_- Ano pa bang magagawa ko e na set na lahat lahat!

Tapos di man lang sinabi sakin ni James agad! Gusto pa ata surprise! E dahil sa makati ang dila ng secretary ko nasabi nya.

Di pala makakapunta si Lolo sa engagement party dahil may urgent meeting daw sila sa US bukas. Haaays.

"Ouch!" bwisit natalsikan pa ko ng mantika! Aray kooooooo. My precious hands. Huhuhu T_T

Bakit wala akong yaya? Ayoko kasi ng may ibang kasama sa bahay. Gusto ko ako lang, ayoko ng may ibang gumagalaw ng gamit ko, ayoko ng maingay basta ayoko lang ng mga taong nasa bahay ko tapos di ko naman ganun kakilala.
Pero nagpapalaundry ako tsaka thrice a week may nagpupuntang mga yaya ni Lolo dito para maglinis. Pumayag na ko since mapilit si Lolo.

Every week laging nandito si Yass pero lately di na sya masyadong nagpupunta dito. Busy ata sa lalaki nya -_- Si Lolo naman dati rati halos everyday nandito sya kaso sinabi ko sa kanya na hindi naman ako mawawala sa bahay kaya di na nya ko kailangan puntahan everyday! Hello, 21 na ko no? I can manage my own.

Natapos na kong magprito ng bacon at egg. Ito lang naman gusto ko kinakain every morning. Solved na ko plus sushi pa pala. Heaven!

Habang kumakain ako biglang tumunog yung phone ko.

James Calling ...

Ano nanaman kaya kailangan nito? Tss.

"Hi hon!" masiglang bati nya.

"What do you want hon?" matamlay na sabi ko.

"Mind opening your door?" pagkasabi nya non automatic na nabuga ko yung kinakain ko. Yuck! Gross!

Paano nya nalaman kung saan ako nakatira?

"What the hell hon! Why are you here? Go home now, I'm not gonna open the door!" matigas na sabi ko tapos lumapit ako sa may pinto.

"Okay hon, I'll do it on my own." sabi nya tapos may narinig akong pagclick ng lock nang pinto.

Paano sya nagkaroon ng susi ng bahay ko? AS IN BAHAY KO!

"Good morning gorgeous!" sabi nya sabay punta sa kitchen.

Bigla naman akong natauhan tapos sinundan ko sya sa kusina.

"Wag kang mangingialam ng kahit ano dyan hon!" Sigaw ko. Kasi inaayos na nya yung mga bitbit nya kanina.

Magluluto ba sya?

Kinuha ko yung kutsilyong hawak nya tapos binalik sa lalagyan.

"What? I'm gonna cook something for you hon. So just stay there." sabi nya tapos pinaupo nya ko sa upuan.

Ano pa nga bang magagawa ko? Tss!

Umalis na lang ako sa kusina tapos naupo sa sofa. Bahala ka dyan! Manunuod na lang ako ng TV!

Binuksan ko yung TV kaso nilipat ko kasi mukhang timang yung sumasayaw sa Asap 20 ng totoy bibo. Hindi si enchong ah! Yung kasama nya -_- Parang si James lang!

Teka bakit ko ba sya iniisip? Erase erase!

Wala naman ng magandang palabas so nilipat ko na lang ulit sa Channel 2.

She's The BossWhere stories live. Discover now